Aguinaldo 12

2.7K 7 1
                                    


"Sige na nak, ayusin mo na mga dadalhin mong gamit at matulog ka na ha! Wag ka na magpuyat kakacellphone at maaga tayong babyahe bukas." paalala ni Greg sa panganay.

Imbis na sa Sabado pa gaya ng naunang balak, mapapaaga ang balik ni Greg ng Batangas. At yaman din lamang na isang buwang suspendido ang klase, napagpasyahan nyang isama na muna si Pam pauwi. Aagahan na nila bumyahe kaysa makipagsabayan pa sa dagsa ng mga palabas ng Metro Manila dahil sa nag-aambang lockdown na ipapatupad sa Sabado ng hatinggabi.

Nagpatay na sila ng TV, puro masasamang balita naman tungkol sa COVID ang napapanood. Tuloy pa din ang inuman session ng magkumpare sa sala habang naka-table sa kanila si Diane na nakaupo sa pagitan nila sa tabi ni Dennis. Nasa lamisita ang bote ng whiskey at mga sitsirya't buffalo wings nilang pulutan.

Habang nagkukwentuhan sila ay may mga pagkakataon na napapasulyap si Diane sa bukol sa harapan ni Greg. Naglilikot ang isip, di maiwasang may maalala lalo't nakaupo si Greg sa side ng sofa kung san mismo sila unang nagkatikiman nung December. Sa tuwing mapapasulyap ay mabilis din nyang ipapaling palayo ang tingin bago pa mapansin ng kumpare.

Nakapagpalit na ng damit si Greg. Suot nito ang number 24 na basketball jersey na ginamit nya nuon sa paliga ng mga nakatatandang kalalakihan sa bayan nila, at saka pambahay na shorts. Bakat sa pagkakabuka ng mga hita ang bukol ng ari nito. Tulog pa iyon, ano na lang kung gising at galit, sa isip-isip ni Diane.

"Buhay pa pala yang jersey mo na yan pre, tagal na nyan ah, may sampung taon na ata. Yung sakin wala na eh."

"Ah tinago ko talaga to ah, Mamba eh, remembrance ni idol Kobe."

Kanina pa napapansin ni Dennis ang pagsulyap-sulyap ng kumpare sa kanyang misis. Kahit kasi sa suot nitong loose shirt ay bakas pa rin ang alindog nito, na tinernuhan naman ng dolphin shorts kaya't litaw na litaw ang makinis nitong mga hita. Nuon pa man ay batid na nyang kursonada din ni Greg si Diane, lalo na siguro ngayon at natikman na nito kung gaano kasarap ang kanyang asawa.

Nalilibugan pa rin si Dennis sa tuwing naaalala ang tagpong kinakantot ng kumpare ang kanyang misis dun mismo sa kanilang sala, kung paanong napapaungol ni Greg si Diane sa pagromansa nito, ang mga daing ng misis sa tuwing masasagad ng bakulaw na tite ng kumpare ang kanyang lagusan.

Minsan ay pinapanood pa rin nya ang video ng dalawa at ganon pa rin ang epekto nito sa kanya, matinding libog. Ngunit hanggang don na lamang, di na nya naisip na maulit pa yon lalo't mas nangingibabaw na sa kanya ngayon ang selos, kuntento na syang solohin na lang ang kabiyak. Tama na ang minsan at mahirap din kung hanap-hanapin na ni Diane ang ganon. Tsktsk, ung nalalaman lamang nya.

Habang nakadukwang si Diane sa center table upang dumukot ng chips ay inilapat ni Dennis ang kanang kamay sa maputing hita ng misis at marahang hinimas-himas iyon. Sa peripheral vision nya ay alam nyang kita yon ni Greg na napa-straight ng shot saka muling nagbuhos sa baso, bakas sa mga mata ang inggit.

Biglang napaderetso ng upo si Diane sa ginawa ng mister, agad na hinawi paalis ang kamay sabay siko dito na tinawanan lang ni Dennis. Napalingon si Diane kay Greg sa hiya, nagkatinginan sila at halatang may selos sa mga mata nito.

"Shot ka Hon oh." kantyaw ni Dennis habang inaabot kay Diane ang baso nya.

"Ayoko, may pasok ako bukas."

"Sige naaa, isa lang. Konti lang to oh."

"Ayoko nga sabi eh." bulong ni Diane, may tono na ng pagka-asar sa boses nito.

"Ipapahiya mo ko kay Pareng Greg?"

Di na nakakibo si Diane, kinuha na lang nito ang baso at tinungga ang laman saka padabog na isinoli iyon sa kamay ni Dennis. Nakamasid lang si Greg sa dalawa at bahagyang napapangisi dahil mukhang may tama na ang bestfriend.

Aguinaldo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon