Aguinaldo 43

1.6K 4 2
                                    


She's always on my mind
From the time I wake up
'Til I close my eyes
She is everywhere I go
She's all I know

Though she's so far away
It just keeps getting stronger
Everyday
And even now she's gone
I'm still holding on

So tell me where do I start
'Cause it's breaking my heart
Don't want to let her go…

Maybe my love will come back someday
Only heaven knows
And maybe our hearts will find a way
Only heaven knows
And all I can do is hope and pray
'Cause heaven knows

Nangingilid ang luha ni Dennis habang minamasdan ang hawak niyang wedding ring ni Diane at nakikinig sa kantang tumutugtog mula sa kanyang telepono. Inaaninag ang initials nila at petsa ng kanilang kasal na nakaukit sa loob niyon habang tuloy lang siya sa pag-inom.

Ang pag-uusap nilang mag-asawa na inaasahan niyang wawakas sa kanilang problema ay kabaligtaran ang kinahantungan. Tuluyan na ngang winakasan ni Diane ang lahat.

Hindi pala sapat na umamin sila sa mga salang nagawa. Hindi pala sapat na humingi sila ng patawad sa isa't isa. Dahil sadyang napakalalim na ng sugat na idinulot sa kanila ng mga pangyayari.

Napakasakit man para sa kanya, kailangan niyang pakawalan si Diane. Kung hihilom man sila at muling magkakabalikan ay tanging ang nasa itaas ang nakakaalam.

Why I live in despair
'Cause wide awake or dreaming
I know she's never there
And all the time I act so brave
I'm shaking inside
Why does it hurt me so…

Maybe my love will come back someday
Only heaven knows
And maybe our hearts will find a way
But only heaven knows
And all I can do is hope and pray
'Cause heaven knows
Heaven knows… heaven knows

Tuluyan nang bumuhos ang luha mula sa kanyang mga mata. Napasapo na lang ang mga palad ni Dennis sa kanyang mukha sa labis na panlulumo.

"Gago ako, Hon! Sorry!… I'm so sorry!" sambit ni Dennis. Yumuyugyog ang mga balikat at parang batang nagpapalahaw sa sobrang sakit na nararamdaman.

Nauunawaan niya ang pinanggagalingan ng asawa. Hindi niya masisisi si Diane sa pasya nito. Dahil maging siya man ay hindi niya magawang mapatawad ang kanyang sarili.

Doon mismo sa sofa na kanyang kinauupuan, doon nagsimula ang lahat. Ang larong inumpisahan niya na siyang naging ugat ng sanga-sangang pagkakasala. Mga kasalanang naglagay sa kanila sa masalimuot na sitwasyong kinasasadlakan nila ngayon.

Kung maaari nga lamang ibalik ang panahon. Kung pwede lang ibalik ang isang taong nakalipas ay tiyak na hinding-hindi niya pipiliin ang katuparan ng kanyang pantasya na ang magiging kapalit pala ay pagkasira ng kanyang pamilya.

Ngunit huli na. Nangyari na ang lahat. Sadyang nasa huli talaga ang pagsisisi.

-------------------------

Kasalukuyang kausap ni Diane ang mga magulang sa may hapag-kainan. Pagkauwi niya pa lang ay nakaabang na ang mga ito at umaasa sa magandang balita.

Ngunit bakas sa mukha ng kanilang anak na hindi maganda ang kinahinatnan ng pag-uusap ng mag-asawa. Agad din nilang napansin na wala na ang singsing sa kamay nito.

"Yun na ang best option… maghiwalay na lang kami." malungkot na saad ni Diane.

"Eh paano si JR?! Paano ang apo ko niyan? Lalaking lito yung bata!"

Palakad-lakad ang balisang ina ni Diane. Hindi maitago ang pagkadismaya sa mag-asawa. Nangangamba para sa walang-muwang na apo na magigisnang hindi buo ang pamilya nito.

"Para sa kanya nga po ito… Ayokong lumaki siyang nakikitang nag-aaway kami palagi ng daddy niya." mahinang tugon ni Diane.

Habang nagkakape ay kunot-noo at tahimik na nakikinig lamang ang papa ni Diane sa sagutan ng mag-ina. Tila pinag-aaralan at tinitimbang ng mabuti ang paliwanag ng anak.

Aguinaldo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon