Aguinaldo 33

1.5K 3 0
                                    


Ganon na lang ang gulat ni Pam nang matanaw ang lalaking sa tingin nya ay si Greg, kalakip ang pagtataka kung ano ang ginagawa ng ama sa gusaling iyon. Akma na sana niya itong tatawagin nang biglang maramdaman na may dumikit sa kanyang braso.

"Miss… bili ka na ma'am. Face shield at cloth mask, bente lang po isa."

Napalingon si Pam sa nagsalitang lalaki at automatic na napahalukipkip sa pagdampi ng kahon ng face shield na ipinangkalabit nito sa kanyang braso. Noong una ay hindi nya gaanong naintindihan ang sinabi nito dahil sa nakatabon na mask sa mukha ng lalaki ngunit agad din nyang nakita ang bitbit nitong sabitan ng mga panindang inilalako.

"Ahh… sorry kuya, hindi po." tangi nyang naisagot habang umiiling at nagmumwestra ang kamay ng pagtanggi sa inaalok. At muli nyang nilingon ang entrance ngunit nakapasok na sa loob ng building ang lalaking tinatanaw nya kanina.

"Sige na miss, bili ka naman para makauwi na ko. Itong face shield oh, dalawa-trenta na lang."

Hindi na ito nagawang sagutin pang muli ni Pam. Agad na syang tumayo at nagmadaling lumakad papunta sa entrance ng gusali upang habulin sana ang kanyang papa.

Di nya maiwasang mainis dahil sa delay na idinudulot ng temperature check at sanitizing sa pila ng tao na dumaraan sa gwardiya ngunit sadyang ganon na talaga ang normal na proseso ngayon kahit saan.

Nang sa wakas ay makapasok na sa loob, inilibot ni Pam ang mata sa malawak na lobby ngunit hindi na nya naabutan ang lalaki. Sinuyod ng mata nya ang mga tao sa lounging area, sa reception desk, maging ang mga nakapila sa elevator, ngunit hindi na nya ito natanaw kahit saan.

Dismayado at kunot-noong lumabas na ulit ng gusali ang dalaga. Napapaisip pa rin ito kung namalik-mata lang ba siya o ang ama nga talaga ang kanyang nakita. Tatawagan nya sana si Greg upang tanungin kung nasa Manila ba ito ngunit nagbago ang kanyang isip at itinuloy na lang ang kanyang paglalakad.

Matapos nyang mabili sa convenience store ang mga pakay ay lumakad na din sya pauwi. Malayo pa lang sya ay tanaw na nya ang kanyang ninang na panay ang silip sa kalye at naka-abang mula sa nakabukas na gate ng garahe kaya't lalo nyang binilisan ang paglalakad.

"Pam! Nako buti nakauwi ka na, kanina pa kita inaabangan eh." bungad ni Diane habang papasok pa lang si Pam sa entrada ng bakuran. Balisa ito at mukhang kanina pa hinihintay ang inaanak ng kanyang mister.

"Ay sorry ninang, may binili lang ako sa labasan. May idedeliver ka?"

Hindi na sya nasagot ni Diane na nagmadaling sumakay na sa kotse. Kapansin-pansin na wala naman itong bitbit na kahit ano bukod sa maliit na sling bag na nakasukbit sa katawan nito.

"Pakitingnan na lang muna si JR, Pam ha. Saka pakisara na lang din yung gate." aligagang nitong habilin.

"Ah sige po ninang… Ingat po." tanging naisagot ni Pam nang may pagtataka habang umaatras ang kotse ni Diane palabas ng garahe.

Maagang umuwi si Dennis nang araw na iyon. Balak nya sanang sorpresahin ang misis kaya't dumaan siya ng grocery upang mamili ng mga sangkap. Plano nyang siya ang magluto ng hapunan nila upang makabawas na sa iintindihin pa ni Diane.

Nakapila siya sa mga pakaliwang sasakyan na naghihintay ng pagberde ng stoplight nang matanaw nya sa kabilang direksyon ng kalsada ang paparating na kotse ni Diane. Lumiko ito at pumasok sa basement parking ng commercial/residential building kung saan nya ito sinundo noong minsang umuulan.

Napangiti si Dennis. Sumagi sa alaala niya ang mainit na tagpo nilang mag-asawa doon mismo sa kanyang sasakyan matapos nyang sunduin ito sa building. Kasabay ng malakas na buhos ng ulan at montik pa silang mahuli ng gwardiya, isa iyon sa pinaka di nya malilimutang sex nila ng kanyang misis.

Aguinaldo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon