Aguinaldo Finalé

2.7K 7 2
                                    


Sa ating buhay, may mga bagay na tayo ang nagpapasya. Kung ano pa man ang kahihinatnan ng mga desisyong iyon ay kailangan nating harapin at tanggapin.

At may mga pangyayari din na minsan ay tila hindi tayo ang may hawak. Kundi sadyang iyon ang nakatakda at nakatadhana.

"Greg! Halika na… kain na tayo…"

Napatingin si Diane sa orasan. Malapit nang mag-alas dose. Abala siyang naghahain sa lamesa ng mga putaheng inihanda. Sinindihan din ang mga kandilang napapalibutan ng mga palamuting pampasko.

Sa kanyang pagiging abala ay natigilan siya sa paglilikot ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Napangiti si Diane at hinimas ang kanyang tiyan.

"Merry Christmas din sa'yo, anak."

-------------------------

2020

Kakaiba ang selebrasyon ng Pasko dahil sa pandemya. Hindi makapamasko ang mga bata sa kanilang mga ninong at ninang. Sa telebisyon o internet lang nakapag-Misa de Gallo ang karamihan.

Iniwasan muna ang mga pagtitipon. Sa online virtual reunions muna nakuntento ang magkakamag-anak at magkakaibigan. Kailangan ng ganoong mga pagbabago sa nakasanayan upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Maging sa Pamilya Aguinaldo ay ibang-iba ang Paskong iyon. Hindi bunsod ng pandemya, kundi dahil sa paghihiwalay ng mag-asawang Diane at Dennis.

Lolo at lola ang kasama sa Noche Buena ng mag-inang Diane at JR sa halip na ang kanilang padre de pamilya. Dahil nag-iisa ay itinulog na lamang ni Dennis ang gabing iyon na para bang isang pangkaraniwang araw lamang.

Kinaumagahan, maagang pumunta si Dennis kila Diane upang dalawin si JR. Gusto nga sana niyang hiramin ang anak upang makasama niya maghapon sa araw ng Pasko ngunit babyahe pa siya pauwi ng Batangas.

Pinakiharapan naman siya ni Diane ng maayos. Kahit sa loob nito'y hindi maiwasang mabalisa na isiping muling magkikita sila Dennis at Pam doon.

Inanyayahan naman sila ni Dennis upang makita din si JR ng mga tiyahin at pinsan nito ngunit nagpasya si Diane na hindi na lang sila sumamang mag-ina.

"Tuloy na po ako… Merry Christmas po ulit…" paalam ni Dennis sa mga magulang ni Diane.

"Hey bud… Alis na si daddy ha… Dalan na lang kita ng pasalubong pagbalik ko…" at humalik na siya sa kanyang junior na abala sa bago nitong laruan.

"Ingat ka, Dennis… Uhmm… Pagbalik mo, mag-usap tayo ulit ha?"

Tumango lamang si Dennis kay Diane bilang tugon at tuluyan na itong umalis.

-------------------------

2021

Magkakasamang sinalubong ng mag-anak ang pagpasok ng bagong taon. Ilang araw na din mula nang sunduin ni Dennis ang mag-ina. Alang-alang kay JR ay nagkasundo ang mag-asawa na susubukan nila ulit.

Ibinabalik ni Dennis kay Diane ang kanyang wedding ring ngunit tumanggi ito. Hindi naman sa pagsusuot ng singsing nakikita ang pagiging mag-asawa, aniya. Saka na lamang daw kapag sigurado na silang makakabuti nga para sa kanilang pamilya ang kanilang pasya na magkasundo.

I was wrong when I hurt you
But did you have to hurt me too?
Did you think revenge would make it better?
I don't care about the past
I just want our love to last
There's a way to bring us back together

I must forgive you (I must forgive you)
You must forgive me too (We've got to try)
If we wanna try to put things back the way they used to be
(Honey let's start again)
'Cause there's no sense in going over and over
The same things as before
So let's not bring the past back anymore
(No looking back, we can't look back)
(Honey let's start again)

Aguinaldo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon