Aguinaldo 19

2.3K 3 0
                                    


"Kasalanan mo yan eh! Tang inang kalibugan kase!! KASALANAN MO!!"

Sukat bulyawan at murahin na ni Dennis ang sarili sa isip dahil sa tindi ng pagsisisi. Nakakunot ang noo at nagngangalit ang panga, sige ang pagbirit nya ng silinyador at ni hindi na napansin nang malampasan ang bahay nila Greg.

Hindi nya alam kung saan sya pupunta. Sa pagpapalipad ng motor, nais lang nyang liparin ng hangin ang lahat ng bumabagabag sa kanyang isip. Sa pagharurot sa daan ay pilit na tinutuyo sa hangin ang mga luha sa mata na namumuo at nagbabadyang pumatak.

Hanggang sa dahan-dahang bumagal ang kanyang takbo at gumilid sya sa daan. Ilang ang lugar, madilim ang bukirin sa gilid ng kalsada at abot-tanaw lamang ang mumunting tuldok ng liwanag mula sa pulu-pulong kabahayan sa malayo. Paminsan-minsan ay nagliliwanag ang paligid nya sa pagtama ng headlight ng sasakyang napapadaan at humahabol sa oras ng curfew.

Muling napakuyumos ang kamay sa silinyador, nirebulusyon at pinangalit ang makina, gaya ng dibdib nyang tila sasabog sa tindi ng sakit at labis-labis na pagsisisi. At tumulo na ang mga luhang kanina pa pilit pinipigilang bumagsak. Mabilis iyong pinahid ng kanyang braso at napasapo na lang ang kamay sa kanyang mukha.

Kasalanan nya. Naisip nyang kung hindi nya sana ginanyak si Diane na pagbigyan ang matagal na nyang pantasya, marahil ay wala sya ngayon sa sitwasyong iyon. Kahit pa sabihing nagustuhan din ni Diane ang namagitan sa kanila ni Greg, batid ni Dennis na napilitan lang ang misis, na pinagbigyan lamang sya nito.

"Pag palay na ang lumalapit pre, tinutuka agad yan. Aba masamang tumatanggi sa grasya!"

Bahagya syang napangisi kahit sunod-sunod ang pagsinghot nang maalala ang linyang sya pa mismo ang nagbitaw nuon sa kumpare. Batid man nya ang paghanga ni Greg sa kanyang misis, alam nyang hindi nito tatangkaing hipuin ni dulo ng daliri ni Diane kung hindi ito ang naunang nagpakita ng motibo at nang-akit.

Hinugot nya sa bulsa ang kanyang cellphone, may messages mula kay Diane ngunit di nya iyon binuksan. Deretso sya sa folder na kinalalagyan ng video ng tagpong iyon na pinag-ugatan ng lahat.

Tuloy-tuloy ang agos ng luha mula sa sulok ng mga mata habang pinanonood nya ang mainit na tagpong iyon ng dalawa na kuha sa kanilang sala. Natupad nga nya ang kanyang pantasya, ngunit di nya naisip na hahantong pala sa ganito.

Marahil ay sasabihin ng iba na may sayad sya sa utak kung malamang hinayaan nyang makantot ng kumpare ang kanyang asawa. Wala silang alam, hindi nila maiintindihan. Tanging si Diane ang nakakaunawa sa mga kamunduhang nagpapalibog sa kanya, kaya nga't may alinlangan man ay nagawa nitong magpaubaya.

Itinigil na nya ang panonood, masyadong masakit. Tila lalo syang sinasampal ng katotohanan na matapos ang tagpong iyon ay hindi nakuntento ang dalawa at naulit pa ang hindi na dapat. Kung kanina ang unang pagkakataon o may mga nauna pa, ay hindi nya alam. At pinindot na ng kanyang hinlalaki ang Delete icon.

Delete video?

Ganon na lang ang pagkadismaya nya sa sarili na hindi nya mapindot ang 'Yes' bilang confirmation sa pagbura ng file. Sa kabila ng sakit ay di nya magawang tuluyang pakawalan ang alaalang iyon, ang kaganapan ng kanyang pantasya, pangarap na kay tagal din nyang inasam bago natupad.

Ganoon ba talaga katindi ang kalibugan nya? Na kahit naiputan na sya sa ulo ay di nya maitatwa na may hatid pa ring init sa kanya na mapanood ang tagpong iyon? Marahil nga. Ilang sandaling nag-alinlangan sa dalawang option ang kanyang daliri, at sa kadulu-duluhan ay pinindot nya ang 'Cancel'.

Maging sya man ay may kasalanan sa dalawa. Nagtaksil sya kay Diane, wala itong kaalam-alam na sumiping sya sa ibang babae. Dalawang beses, ang huli ay sa kanila pa mismong kama nuong wedding anniversary nila. Maging si Greg ay walang kamalay-malay na ang anak na ipinagkatiwala sa kanya, sya pa mismo ang nakabasag.

Aguinaldo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon