Part 1

88 2 0
                                    


Louisse


Inaamin ko.  Napakasaya ko pag kasama ko si Bea.  Natatawa ako sa mga jokes nya.  Kahit sa simple nyang mga jokes, bentang benta yon sa akin.  She makes me feel na okey lang ang lahat, na napaka simple lang ng buhay.  She makes me feel complete, contented and satisfied. 

Halos araw araw kami magkasama.  Inaalaagan namin ang isa't isa.  Sobra kaming sweet at clingy sa isa't isa.  We care so much for each other.  We ended the day saying goodnight and I love you's to each other. 

Pareho kaming volleyball player ni Bea, kaya palaging magkadikit.  Magkasama sa kainan, lakaran, gimikan.  Magkasama mag aral, mag research.  Tinuturuan nga nya ako sa math subjects ko at history din.

When we both reach the age of twenty.  Naging matured na kami.  May mga bagay na dapat ng isipin.  Kung ano ang tama at kung ano ang mali.

Madami kaming shippers ni Bea.  Na kesyo kami na daw.  Na may relasyon na daw kami.  Di lang daw kami umaamin. 

Di naman kailangang lagyan ng label ang isang relationship.  Ang mahalaga, pareho kayong masaya.  Nagkakaintindihan kayo.  Gets nya agad ang gusto mo.  Alam nya agad kung paano ka aliwin pag wala ka sa mood.  Kaya ka nyang patawanin pag malungkot ka.  Napapasaya nya ang araw mo palagi.  Palagi kayo nasa tabi ng isa't isa.  Nagdadamayan kayo sa hirap at sa ginhawa.

And I hate to be mature.  Simple lang ang buhay namin noon.  Ngayon, it's complicated na.

I met Marci.  Gwapo sya, mabait, medyo may utak din.  Masaya naman syang kasama.  Pero, pinaka masayang kasama si bhe ko.  Walang syang kapantay.

I told Bea na, na nililigawan ako ni Marci.  Niyakap nya lang ako ng napaka higpit at sinabi na kung 'saan daw ako masaya, masaya na rin sya'.  May naramdaman akong kirot sa sinabi nya.  Parang selfless lang.

Niyaya na akong kumain ni Marci sa labas.  Sinusundo na nya ako parati sa BEG after ng trainings namin.  Di ko na alam kung saan nagpupunta si Bea.  I was busy with Marci na kasi.  Pinapasyal nya ako sa mall.  Mall parati .  Para daw di ako mainitan dahil aircon don.  Nanonood kami ng sine.  Nag a arcade. 

Napansin ko sa BEG at sa dorm na parang tahimik na si Bea.  Di na sya ang palabiro at pala asar sa mga teammates namin.  Di na rin sya bully minsan.  She keeps to herself na lang palagi.

Lousise :  Hello, bhe!

Bea :  Hi!

Louisse :  Ano ginagawa mo?

Bea :  Nagpapatuyo ng pawis.

Louisse :  May lakad ka mamaya?

Bea :  Wala naman.

Louisse :  Mall tayo, bhe!

Bea :  Wala kayong lakad ni Marci?

Louisse :  Wala.  I want to be with you today kasi.

Napataas ang isa nyang kilay.  Napayakap ako sa kanya.  Sinide hug ko sya at ipinatong ang ulo ko sa balikat nya.

Naramdaman kong huminga sya ng malalim.

Bea :  Okey.

Louisse :  Ligo na tayo!

Sabay na kami tumayo at nagpunta sa shower room.


Nagda drive na si Bea papunta sa MOA.

Napakatahimik na nya. 

Louisse :  Are you okey?

Bea :  Yeah.

Louisse :  Di ka naman ganyan dati.  Madaldal ka kaya!

Bea :  Dati yon.  Nagbabago ang tao, Louisse.  Katulad mo.

Nabigla ako ng tawagin nya akong Louisse.  Di na bhe, di na baby.  Louisse talaga? 

Louisse :  Hindi naman ako nagbago, bhe.

Tumawa sya.

Louisse :  Ako pa rin naman ito.  Ang bestfriend mo.

Bea :  Yeah.

Louisse :  Palagi kasi akong niyaya ni Marci kumain sa labas, mag chill ganon.

Bea :  You don't have to explain.  Nanliligaw sya sa yo.

Louisse :  But, you are my bestfriend.

Bea :  Yeah.  Bestfriend.

Parang may gusto pa syang sabihin sa akin.  Naging seryoso na naman ang mukha nya.

This is not her.


Tahimik kaming kumakain sa pizza hut. 

Louisse :  Boto ka ba kay Marci para sa akin?

Bea :  Kung masaya ka sa kanya. 

Louisse :  Bhe?

Napatingin sya sa akin.

Louisse :  Sasagutin ko na si Marci.

Bea :  Okey.

Louisse :  Okey lang?

Bea :  Ano ba gusto mo sabihin ko?

Louisse :  I don't know. 

Bea :  Mahal mo sya?

Louisse :  Mabait sya.  Maalaga naman.

Bea :  That, does not answer my question.

Louisse : Pwede na sya, Bei.

Tumawa na naman sya.

Bea :  Sasagutin mo ang tao dahil mahal mo hindi dahil sa mabait sya.  Walang dahilan kung bakit mo mahal ang isang tao.

Louisse :  Ayaw mo sa kanya?

Bea :  It's not that! Sagutin mo sya kung mahal mo na sya.  ito, ito ang tanungin mo.

Itinuro nya ang puso nya.

Naguguluhan na ako. 

Iba kasi ang sinasabi ng puso ko sa sinasabi ng isip ko.

Di sila magkapareho.  Kaya, susundin ko ang isip ko.  Kasi ito ang dapat at ito ang tama.

Pagkatapos namin kumain ay nanood kami ng movie.  Love story ang pinanood namin. 

Napaiyak ako sa kalagitnaan ng movie.  Pinahidan naman ni Bea ang mukha ko.  Niyakap na nya ako at napayakap na rin ako sa kanya.

Namamaga ang mga mata ko ng lumabas kami sa theater.

Bea :  Want some ice cream?

Napangiti ako.

Kumakain na kami ng vanilla ice cream.  Pareho naming favorite ito.

Bea :  Ice cream always put a smile on your face, huh?

Louisse :  Napakasarap, e!

Bea :  Yeah.  This is both our comfort food!

Louisse :  Yeah.

Nakatingin lang ako kay Bea.  Nakatingin naman sya sa labas.

Ang lungkot lungkot na ng mukha nya.  Di gaya ng dati na palaging nakangiti.


come what may  (completed)Where stories live. Discover now