Part 10

41 1 0
                                    


Louisse


Pagdating ko sa BEG ay nandon na sila lahat.  Nilagay ko sa bleachers ang gym bag ko.  Linapitan naman ako ni Jia.

Jia :  Good morning, Louisse!  Late ka naman nagising!

Louisse :  Di mo kasi ako ginising?

Jia :  At ako pa ngayon ang may kasalanan!

Louisse :  Oo!  Kasi kung ginising mo ako, hindi ako mala late!

Napasapo na lang sa ulo nya si Jia.

Ly :  Okey, guys!  Warm na tayo!

Bea :  Nasaan si Deanna?

Jamie : She is not coming, Bei!  She has a lakad!

Jia :  Kayo na lang ni Louisse mag partner, Bei!

Kinurot ko naman ang tagiliran ni Jia.

Hinawakan naman ni Bea ang naglalakad na si Maddie.

Bea :  I had Maddie na.

Natatanga naman si Maddie.

Maddie :  Anong ako?

Bea :  Ikaw ang partner ko sa warm up.

Pinandilatan naman ni Bea si Maddie.

Maddie :  A-a, o-oo,  ako nga!

Nag warm up na kami.

Mas lalo pa akong nalungkot.  Ayaw na nya akong maka partner.

Iniiwasan pa rin nya ako.  Si Jia naman talaga ang partner ko ngayon. 


After ng training ay humiga muna kaming lahat sa sahig.  Pata mag cool down.

Katabi ko si Jia.

Jia :  Di pa rin kayo okey.

Louisse :  Nag uusap naman kami minsan.

Jia :  Minsan na lang.  Di tulad noon na kayo lang palagi nag uusap!  May sarili kayong mundo.  Hagikhikan, tawanan, hampasan, yakapan, buhatan, habulan, halikan!

Louisse :  Luh?  Halikan?

Jia :  Hinahalikan mo palagi si Bea sa cheeks, ilong, mata!  Hinahalikan ka naman palagi ni Bea sa ilong, cheeks, mata at noo!

Natahimik na lang ako.

Pinaalala pa nya talaga.

Nakita ko sa peripheral vision ko na lumapit si Jana kay Bea. 

Tumayo na agad si Bea and they hug.

Nagpunta na sa shower room si Bea.

Jia :  Kaya mo pa ba?

Louisse :  Oo naman!  Hindi ko alam.

Jia :  Di na maipinta ang mukha mo ngayon, Louisse.

Napatungo na lang ako.

Jia : Kung bakit naman kasi, ang bagal bagal mo!  Ayan tuloy, naunahan ka na.

Nag shower na kami ni Jia.

At pumasok na ako sa mga class ko.

Hindi ko na alam kung saan nagpunta sila Bea at Jana.

Baka kumain, o nag take out o nag road trip.  O baka nasa park.

Tulad ng mga ginawa namin non.

Maiiyak na naman ako nito. 

Nang matapos ang morning class ko ay naglakad na ako papunta sa cafeteria.  Nagkasabay naman kami ni Mitch. 

Jana :  Louisse!  Mitch!

Mitch :  Hello, Jana!

Louisse :  Hello.

Jana :  Sabay sabay na tayo kumain.  Lika, upo na tayo!

Napaupo naman kami ni Mitch sa harapan nya.

Mitch :  Order lang kami ng foods, Jana!

Jana :  Wag na!  Pabili na lang kayo kay Bea.  Nakapila na sya.  Ano ba gusto nyo?

Mitch :  Chicken spaghetti at coke!

Louisse :  Pork adobo with rice and pineapple juice.

Jana :  Okey, text ko na lang si babe!

Nagkatinginan kami ni Mitch.

Jana :  So, anong pinagkaka abalahan nyong dalawa?

Louisse :  Volleyball at acads pa rin.

Mitch :  Same!  Ikaw, Jana, ano pinagkakaabalahan mo?

Jana :  Si Bea!  Hahahahahaha!  Kung saan nya nga ako dinadala!  Sa beach, sa mga parks, malling, arcade, amusement parks at kung saan saan pa!

Parang may sumundot na matalim sa puso ko.

Napakasakit.

Bea :  Here's our foods, guys!

Nilapag na nya ang tray at kinuha na namin ang mga order namin.

Uminom ako agad ng juice.

Pagkatapos magdasal ay kumain na kami.

Mitch :  Saan pa kayo nagpupunta, Jana?

Jana :  Hmn.  Sa bahay nya, minsan sa bahay ko.

Mitch :  A.  Close na kayo sa parents ni Bea?

Jana :  Super!  Napakabait nila tito at tita sa akin.  Palagi akong pinagluluto ni tita ng mga favorites ko!

Nakatungo lang si Bea na kumakain.  Ako naman ay natitig lang sa kanya.

Mitch :  Close na nga kayo.  E, si kay kuya Loel?

Jana :  Palagi akong inaasar non!

'Hmn.  Kakampi ko palagi si kuya Loel.  Pinagtutulungan naming asarin si Bea' bulong ko sa sarili.

Jana : Try this babe!

Napilitan naman na ngumanga si Bea.

Jana :  Masarap di ba?

Bean :  Y-yeah.

Jana :  Here pa, o!

Sinubuan pa niJana si Bea at pinahidan ng tissu ang baba nito.

Napalingon ako.

Mitch :  Kain ka na, Louisse!  May pasok pa tayo.

Louisse :  Papasok na pala ako.  Excuse me.

Tumayo na ako at naglakad palayo.

Ganito ba ang naramdaman ni Bea everytime na sweet sa akin si Marci.

Napakasakit pala.

Mabuti na lang at bakante ang room kung saan ang next class ko.  Wala pang tao.  Napakaaga pa kasi.

Kinuha ko ang phone ko at nag scroll sa gallery ko.

Pictures namin ni Bea noon.

Napakasaya namin noon.

Parang wala ng bukas kung tumawa at magharutan kami.

I miss you, bhe.

Tumulo na ang luha ko. 

I miss you so much, that it hurts.  Nakikita kita pero di na naman pwede kita mayakap at mahalikan. 

May Jana ka na, e.

May kapalit na ako sa puso mo.

Pinahid ko ang luha ko ng may pumasok na na mga students.


come what may  (completed)Where stories live. Discover now