Part 6

40 1 0
                                    


Louisse


Nang mag sem break ay wala kaming training ng one week.  Kaya umuwi ako ng Batangas.  Nami miss ko na rin sila mama at Jaja.

Two months nang hindi ko nakikita si Bea. 

Napakasakit lang.  Nasayang lang ang pinagsamahan namin.

Sa isang iglap ay nawala na parang bola.

Hindi ko sya nakikita sa rizal library, sa cafeteria, sa mg mall kahit sa mcdonalds na malapit sa Ateneo.  Di ko na sya nakikita sa mga usual na tambayan namin noon.

Iniiwasan nya talaga ako.

Ang sakit sakit lang.

Naisipan kong dumaan muna sa bahay nila LGV bago ako umuwi sa Batangas.


Nag doorbell na ako.

Manang :  Oy, Louisse!

Louisse :  Hello po, manang!

Nagyakapan kami.

Mannag :  Tuloy ka, Iha!

Pumasok naman ako sa kabahayan.

Pinaupo nya ako sa sofa.

Manang :  Sandali lang, ha?

Pagbalik ni manang ay may dala na syang tray na may juice at one slice ng cake.

Manang :  Kain ka muna, anak.

Uminom ako ng juice at kumain ng cake.

Louisse :  Si Bea po manang?

Manang :  Ay!  Umalis silang mag anak kaninang madaling araw.  Magbabakasyon sa States!

Louisse :  Ganon po ba.

Nalungkot ako ng sobra sa narinig.

Manang :  Louisse.

Louisse :  Po?

Manang :  Nag away ba kayo ni Isabel?

Di ko alam ang isasagot ko.  Uminom ako ulit ng juice.

Manang :  Ang laki kasi ng pinagbago nya, Louisse.  Palaging tahimik.  Palaging nagkukulong sa kwarto nya!  Nawala na yong masayahing Bea na kilala ko.  At hindi ko na sya nakitang ngumiti man lang.  Seryoso na palagi ang mukha.  Pinilit nga lang nila Det at Elmer na sumama magbakasyon.  Kung hindi, ay naku, magkukulong na naman sa kwarto nya. At eto pa!  itinigil na nya ang volleyball!  E, mahal na mahal nya yon!  Yon na ang buhay nya!  Di na namin sya maintindihan. 

Parang nagsusumbong na sabi sa akin ni manang.

Louisse :  Alis na po ako, manang.

Manang : Sige, Louisse.  Sayang, di mo sila naabutan.

Tumulo na ang luha ko ng makasakay sa grab.  Di ko na mapigilan. 

Bea, bakit nangyayari sa atin ito?  Bulong ko sa sarili ko.


Iyak lang ako ng iyak sa dorm.

Umuwi na rin ako ng Batangas.

Gabi gabi ako umiiyak sa bahay.  Nakakahalata na nga si mama sa akin.

Walamg gana kumain.  Palaging tulala.  Palaging nasa kwarto ko lang. 


Kaming dalawa lang ni mama  kumakain ngayon.  Nag mall sila Jaja ng mga ka klase nya.

Lovel :  Nagda diet ka ba, anak?

Napatingin ako kay mama.

Louisse :  Hindi po.

Lovel :  Mabuti naman.  Ang payat payat mo na nga, magda diet ka pa!  Kung meron mang dapat mag diet dito sa atin, si Jaja yon!

Napatawa naman ako.

Lovel :  Ayan!  Tumawa ka na rin.  May problema ka, anak?  Ang lungkot lungkot mo.

Louisse :  Wala naman po.  Pagod lang sa school, kaya todo pahinga ako ngayon.

Lovel :  Alam mo, anak!  Naging bata din naman ako.  Napagdaanan ko na rin yan!  Ma e in love.  Makaka relasyon.  Masasaktan.  Mag mo move on.  Part ng paglaki yan.  Kung ano man yan, malulusutan mo yan.  Ikaw pa! Basta ang impotante ay kung saan ka masaya.  Piliin mo kung saan ka sasaya.

Napangiti ako sa sinabi ni mama.  Kung alam mo lang, 'ma.

Lovel :  Kain ka pa!

Nilagyan nya ng foods ang plate ko.  Konti lang kasi ang laman.

Dati rati ay palagi akong magana kumain sa bahay pag umuuwi ako.  Puro mga paborito kong pagkain ang mga niluluto ni mama.

Nong kasama ko si Bea.

Napatigil ako sa naisip ko.

Sya na naman!

Lovel :  Kumusta nga pala si Bea, anak?  Tagal na nyang di nakakapunta dito?

Louisse :  N-nasa US po sila, nagbabakasyon.

Lovel :  A.  Kaya naman pala.  Kumusta naman kayo ni Marci?

Louisse :  O-okey naman po.

Lovel :  Pag umuwi ka next time, isama mo sya para makilala naman  namin, ha?

Louisse :  O-opo.

Nakalimutan ko pala si Marci.  Di ako nakapagpaalam sa kanya na uuwi ako ng Batangas.  Text ko na lang mamaya.

Mabait naman si Marci.  Maalalahanin din.


Kinuha ko ang album sa cabinet.  Tiningnan ko ang mga kuha naming pictures ni Bea.  Ang saya saya namin dito.  Madami na kaming pictures na magkasama.  Madaming beses na rin sya nakapunta dito at madaming beses na rin sya nakakasama sa mga family outing ng family at relatives ko.  Close na nga sya sa amin. 

Napapangiti ako pag naalala ko ang nangyari sa bawat pictures namin.

Pero ngayon, wala na.  Wala ng Louisse at Bea na mag bestfriend. 

Nabuwag na.  Napaiyak na naman ako.

Dahil sa isang sampal.

At halik.


come what may  (completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt