Part 14

109 4 2
                                    


Louisse


Nakahiga na kami ni Bea sa kama nya.

Nasa magkabilang dulo kami ng kama.  Parang di magkaibigan.  Nakatalikod sya sa akin. 

Naguguluhan pa rin ako sa sinabi nya kanina.

Because it hurts?

Ano yon?

Dati, magkayakap na kami ngayon.  Nakaunan na ang ulo ko sa balikat nya at nasa tyan na nya ang isang kamay ko.

Dati.

Nasasaktan na naman sko.  Sobra.

Pero, she still cares for me.  Inaalagaan pa rin nya ako.  Todo alaga pa nga.  Parang noon lang.  Pero yong clingyness yong nawala.  Yong kwentuhan magdamag.  Tawanan at asaran.  Sobra kong na miss yon.  Magro roadtrip kung saan saan.  Tatambay sa beach,, manonood ng sunset.  Magpipicnic sa parks. 

Dadalaw kami magkasama sa Batangas.  Dito kami matutulog sa bahay nila.  Tutulungan namin ni Bea mag bake si tita Det at kung ano ano pa.

Napabuntunghininga na lang ako.

Iniiwasan at masakit.  Yon ang words nya na di mawala wala sa isipan ko.  Hanggang sa makatulog na ako.


Ginigising ako ni Bea.  Anong oras na ba?

Bea :  Wake up na.

Bumangon na ako pero nakapikit pa rin ang mga mata.

Nang tingnan ko ang orasan nya na nasa side table.

Six a.m. pa lang naman.  Bakit nya ako ginising?

Bea :  Maghilamos ka na at mag toothbrush.

Louisse :  Maaga pa naman. Masarap pa matulog.

Bea :  Kailangang mo magpa araw, para lumakas ka kaagad.

Napakamot na lang ako sa ulo ko.

Nagpapadyak akong pumasok  sa banyo.

Hilamos.  Toothbrush.

Lumabas na ako.

Bea :  Lika na.

Hinawakan nya ako sa kamay at hinila palabas.

Manang :  Good morning mga anak!

Louisse :  Good morning, manang!

Bea :  Good morning, manang!  Punta lang po kami sa park.

Manang :  Okey!  Eksakto pagdating nyo mamaya, handa na ang breakfast nyo!

Lumabas na kami sa gate at naglakad papunta sa park.

May araw na pero hindi pa mainit.

Ayon!  Naarawan na ako.

Pagdating sa park ay umupo lang kami sa bench na naarawan.

Para kaming nag sunbathing.

May dalang tumbler si Bea. 

Bea :  Are you thirsty?

Umiling lang ako.

Bea :  Are you galit?

Louisse :  Conyo mo!  Hindi!

Bea :  Bakit ka nakabusangot?

Louisse :  Antok pa kasi ako.

Bea :  Maaga naman tayo natulog kagabi.

come what may  (completed)Where stories live. Discover now