Part 4

33 1 0
                                    


Bea


Maaga akong nagising at naligo.  Pinuno ko ng mga damit ang gym bag ko.  Nilagay ko sa bag ang mga gamit ko sa school.  Bumaba na ako.

Bea :  Good morning, ate Ly.

Ly :  Good morning, Bei!  O, bakit madami kang dala?

Bea :  Ate Ly.

Ly :  Bakit?

Bea :  Magpapaalam na po ako.

Ly :  Saan ka pupunta?  May travel ba kayo ng family mo?

Bea :  Wala po.  Aalis na po ako sa dorm.  At titigil na rin po ako sa volleyball.

Ly :  What?

Bea :  Gusto ko mag concentrate sa acads.  Di ko na kakayanin na pagsabayin ang volleyball at academics.

Napatingin sa akin si ate Ly.  Tumango tango na lang sya.

Ly :  Sigurado ka na ba dyan?

Bea :  Opo, ate.  Pinag isipan ko na po ito.

Niyakap ako ni ate Ly ng mahigpit.

Naglakad na ako palabas ng dorm.

Tumutulo ang luha ko na sumakay sa kotse ko.

I just drive.

Umiiyak na ako.  Napakasakit pala ang nagmamahal ka na hindi ka naman mahal at hindi ka pipiliin kahit kelan.

Malayo layo na rin ang nalakbay ko.  Tumigil ako sa may tabing dagat.

Umupo ako sa buhangin at nakatulalang nakatingin lang sa dagat.

Iyak lang ako ng iyak.  Inilabas ko ang sakit at sama ng loob,  kung bakit ko ito nararamdaman.  Bakit sa kanya pa.  At bakit ako pa.

I just drink water.  Wala akong ganang kumain. 


Gabi na nang umuwi ako ng bahay.

Det :  Isabel!  Where have you been?

Bea :  Hi, mom!  Nag roadtrip lang po.

Det :  Roadtrip?  My God, Isabel!  Tumawag mga teammates mo!  Di ka daw nila ma contact!

Bea :  O!  deadbat na po kasi ako.

Det :  Lika na, kain na tayo!

Tahimik lang akong kumakain.  Konti lang kinain ko.

Det :  Kain ka pa, Isabel!

Bea :  Busog na po ako. mom.  Kumain ako kanina.

Pagsisinungaling ko.

Bea :  Akyat na po ako.

Det :  S-sige.

Naligo na ako at nagbihis.  Humiga ako sa kama ko at nakatingin lang sa kisame.

May kumakatok.  Tumayo ako at binuksan ang pinto.

Det :  Isabel.

Bea :  Pasok po.

Pagkapasok ni mommy ay isinara ko na ang pinto.  Umupo kami sa sofa.

Det :  Are you okey, anak!

Napatingin ako kay mommy.  Niyakap ko sya ng napaka higpit.  Yumogyog ang balikat ko.  Di ko na kaya pigilan pa.  Napaiyak na ako.  Iyak lang ako ng iyak.  Hinahagod naman ni mommy ang likod ko.

Det :  Sige.  iiyak mo lang yan.

Nang tumigil na ako sa kaiiyak ay humarap ako kay mommy.

Bea :  I love her, mom.  I love her so much.

Tumulo na naman ang luha ko.

Det :  So, what's the problem?  Sabihin mo sa kanya!

Bea :  May boyfriend na sya, mom.  Ayoko na syang guluhin pa.  Masaya na sya.

Det :  You'll get through this, Isabel.  It will take time, but, malalampasan mo ito.  Trust me.

Yumakap ako ulit kay mommy.

She tuck me in.  Parang nong bata pa ako. 

Matagal muna bago ako nakatulog.


Pumasok ako kinabukasan.  I tried to concentrate sa mga discussion ng mga prof ko.  Sa labas na ako kumain.  Baka makita ko pa sila sa canteen.  Iniiwasan ko rin ang starbucks, mcdo, shakeys.  Mga usual na pinupuntahan ng mga students at namin.

Di na rin muna ako nagpupunta sa mga malls. 

Nang matapos na lahat ng class ko, I texted Deanna kung sino ang nasa dorm.  Sila ate Ella lang daw at si Jia.

Nag drive na ako papunta sa dorm.  May mga gamit pa ako doon.

Si Deanna lang ang nasa sala.

Bea :  Hi, Deans!

Deanna :  Dada!  Bakit ngayon ka lang nagpakita?

Bea :  Sa taas tayo, Deans!

Umakyat na kami.

Nilipat ko na sa malaking bag ang mga damit ko.

Deanna :  Saan ka pupunta, ate Bei?

Bea :  Sa bahay na ako titira ulit.  I'll stop playing volleyball na rin.

Deanna :  Huh? Why?  Bakit?

Natawa ako sa expression ni Deanna.

Bea :  Para makapag concentrate sa academics ko.  Sabay sabay mga requiements ko.

Nalungkot naman sya.

Bea :  Don't worry, bibisita pa naman ako dito.

Napataas naman ang kilay nya.

Deanna :  Alam ko naman kung bakit ka aalis dito at kung bakit di ka na magvo volleyball.  Kasi, may iniiwasan ka!

Bea :  Deans...

Deanna :  I understand, dada.  Kahit ako, kung sa akin nangyari yan, yan din ang gagawin ko para di na masaktan!

Wala na akong masabi.  Inubos ko na ang mga damit ko.  Mga books at shoes.

Deanna :  Tulungan na kita, dada!

Bumaba na kami.  Dinala ni Deanna ang malaking bag na puno nhg shoes at mga books ko.  Hinila ko naman ang malaking luggage.  Isinakay ko na ito sa compartment.

Nagyakapan kami ni Deanna at nag drive na ako pauwi.

I saw Marci's car na papunta sa dorm.  Ihahatid nya si Louisse.  Di ko na tiningnan ang mga sakay ng kotse.  Diretso lang ang tingin ko.

I don't want to see her anymore!

come what may  (completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang