Part 12

42 1 0
                                    


Bea


Napaisip ako sa sinabi ni Maddie na mag usap daw kami ni Louisse.

Ano naman sasabihin ko sa kanya?

Sasabihin ko ba na mahal na mahal ko sya?  I think it's too late for that.  Seven months ko na syang iniiwasan.

Ang sampal na yon ang kasagutan sa nararamdaman ko sa kanya. 

Sinampal nya ako pagkatapos ko sya halikan. 

Dahil kung mahal nya rin ako, hindi nya ako sasampalin.

At hindi nya sasagutin si Marci.

Hindi ko alam kung bakit ko nagawa yon.  Kung bakit ko sya nahalikan.

Wala na akong sasabihin sa kanya.


Kahit bumalik na ako sa ALE ay sa bahay pa rin ako nag stay.  Hindi na ako bumalik sa Eliazo.

Mabuti at di na nagtanong sila mommy at daddy kung bakit ako nandito sa bahay.

I sense na alam na nila ang dahilan.

Naghanda na ako para pumunta sa BEG. 


Bea :  Mom!  Alis na po ako!

Det :  Breakfast ka muna, Isabel!

Bea :  Wag na po.  Doon na ako magbe breakfast.

Det :  Okey, ingat!

Bea :  Always, mom!

I kiss her cheeks at umalis na.


Sakto lang ang dating ko.  Magsisimula na ang warm up.  Partner kami ni Deanna. 

Pagkatapos ng warm up ay training na.   

Pinag jogging kami around the gym.  Sabay sabay pa kami nong una.  Pero habang tumatagal ay magkakahiwalay na kami.  Literally, labas na mga dila namin sa pagod.

Parley :  Water break!  FIfteen minutes!

Napahiga kami sa sahig sa pagod.  Whew!

Deanna :  Bakit kaya wala si ate Louisse?

Napatingin ako sa mga teammates namin.

Wala nga sya.

Maddie :  Nasaan pala si Louisse, Ju?

Jia :  Nasa dorm.  Masama yata pakiramdam.  Parang lalagnatin.

Napaisip ako.

Mahirap pa naman pakainin yon pag may sakit.  Matigas ang ulo.  Parang bata pa.

Deanna :  Kaya naman pala. 

Umiinom ako ng gatorade.

Training na naman.  

Pagkatapos ng training namin ay nagmamadali silang mag shower.  May mga pasok pa sila.

Pagkatapos ko mag shower ay nagpunta na ako sa kotse ko.

Nakaupo na ako sa drivers seat, pero  nakatulala lang ako.

Nag iisip.  Kumain na kaya yon?

Mag isa lang sya ngayon sa dorm.

Pinaandar ko na ang kotse ko.

Bumili ako ng pork nilaga.  Ready to eat fruits.  Rice.  Pizza at potato fries corn flavor.

come what may  (completed)Where stories live. Discover now