87

605 16 1
                                    

Surprise? Charot. Feel ko lang mag add ng narrative in the middle of the story. Hindi ito ang plano kong writing style sa buong WSS (dapat kasi Epilogue lang ang may narrative nito) but we're open for changes naman??? HAHA!

***

ANONG ORAS NA hindi pa rin nakarating si Ember, bwiset. Ang napag-usapan kasi namin, dapat 9AM nandito na para ma-judge niya ako habang nagre-rehearse ako sa sasabihin ko mamaya kay Flynn kapag pupuntahan ko na sa bahay nila mamayang out niya.

Mainit, at nandito ako ngayon sa loob ng isang kilalang café, hinihintay na dumating ang disney princess na kung kumilos daig pa ang sloth sa sobrang bagal. Sa chismis lang yata mabilis ang isang 'yon.

I sipped on my coffee habang nakatingin sa cellphone ko, inii-stalk ang profile ni Flynn. Wala siyang masyadong posts lately, siguro kasi busy. O baka naman... nasama ako sa Custom niya kaya hindi ko nakikita?

Napapikit na lang ako at ibinaba ang cellphone ko. Ang tanga ko rin sa part na galit na nga 'yong tao sa 'kin, pati ako nagalit din at pinairal ang pride. Ito ang isang trait ko na kahit anong gawin ko, hindi ko mabago. Relapse malala palagi.

Saktong pagmulat ko ng mga mata, dumapo ang mga mata ko sa katapat na establishment. Natigilan ako nang makita ang pamilyar na motor na huminto sa tapat no'n, at tumalon ang puso nang ibinaba ng driver ang mask niya, si Flynn ang nakita ko.

“Flynn...” Mabilis kong hinigop lahat ng laman ng cup ko habang nakatingin pa rin sa direksyon niya. Mahal pa naman, sayang kung iiwan ko lang. Napadighay ako noong naubos ko ang kape, bago ako umalis ng café.

“Shit. 'Wag ka muna umalis,” bulong ko habang naglalakad palabas. Mabuti na lang at naka-rubber lang ako ngayon, hindi mahirap tumakbo.

Pagkalabas ko, liliko na sana ako para tumawid, pero natigilan ako dahil sa nakita.

Kaharap ni Flynn ang babaeng kalalabas lang ng establishment. Bumagay dito ang suot nitong light pink na off-shoulder dress. Mahaba ang maalon nitong buhok, at parang goddess kung tingnan ang hitsura nito kahit light make up lang ang meron sa mukha.

Wala lang sana sa 'kin kasi baka customer lang, kaso pagkaabot ni Flynn sa parcel nito, biglang kumapit sa braso ni Flynn ang impakta at kakaiba ang ngiti na binibigay kay Flynn habang nagsasalita. Ang gago naman, ngiting-ngiti at parang tuwang-tuwa pa.

Napaangat ang isang kilay ko. “The fuck?”

Nilabas ko kaagad ang cellphone ko at kinunan sila ng picture. Binuksan ko ang messenger ko at nag-message kaagad sa unang taong pumasok sa isip ko.

Glenn Albert Poe
Active Now

10:10AM

Cyndy:

[Sent a photo]

Sino yan? Yang naka pink

Glenn:

Ah, yan ba? Si Rianna yan.

Cyndy:

Ano nya yan?

Glenn:

Wala namang sila. Pero last year yan yung ka-momol niya sa likod ng school

Cyndy:

Ah, okay. Salamat.

Glenn:

Bat ka muna nagtanong. Selos ka ba? Wag. Wala ka naman yatang karapatan.

Cyndy:

Inamo talaga kahit kailan bwiset ka

Sa inis ko, in-off ko na lang ang cellphone at saka binalik ang paningin sa kay Flynn. Namilog na ang mga mata ko at nalaglag na ang panga ko nang makitang magkayakap na sila ngayon!

“Ampota!” Mabilis akong tumalikod at malalaki ang hakbang na lumakad papuntang parahan ng traysikel.

Bwiset! Bakit pa ba ako nag-effort pumunta rito para mag-sorry sa kaniya?! Dapat talaga noong una pa lang, hindi ko na 'to pinansin, eh!

“Bwiset! Bwiset! Bwiset!” Sumisikip ang dibdib ko, hindi ko alam kung sa galit pa rin ba 'to, o may iba na.

May huminto na traysikel sa gilid ko, at bumaba ro'n si Ember na bibis na bihis at naka-twin braids pa ang buhok.

“Uy! Cyndy! Saan ka pupunta?!” sigaw niya habang hinahabol ako dahil hindi ako huminto. “Naneto, oh! Huy! Akala ko ba mag-rerehearse tayo para sa apology mo? Change location ba?”

“Walang magso-sorry! Tangina niya!”

“Ha? Ano bang nangyayari? Teka naman kasi! Hinto ka kasi! Bwiset 'to, oh!”

Hindi ako huminto at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hindi ko na pinansin ang mainit na panahon dahil mas mainit ang ulo ko! Bwiset siya! Bahala na siya d'yan!

Crush Me Not (WSS #2) | ✓Onde as histórias ganham vida. Descobre agora