126

231 3 1
                                    

Messenger

--

B(u)RATZ CLUB

8:30AM

Fely:

Grabe. Ilang araw na yang malungkot ang ating beshie

Leanne:

Dassurv

Emburricat:

Anuba leanne, makiramdam ka naman. Di na madadala sa joke ang nararamdaman ngayon ng ating kaibigan

Leanne:

Luh???? Ano nakain nyo??? Bat ganiyan na kayo magtype, parang di bagay sa inyo magsalita ng ganiyan dahil mga kanal kayo

Fely:

Pero seryoso, worried na ako kay Cyndy. Dalawa na absent niya this week

Leanne:

@Serenity mhiema hello, nakikita kitang nagseseen

Ang timing mo palagi mag online, ano? Kapag may nalulungkot sa buhay bigla kang lumilitaw. Aminin mo nga, guardian angel ka ba

Serenity:

HAHAHA helloooo and yes, ako lang naman talaga anghel sa circle of friends na ito

Fely:

Yes, kasi ako dyosa ako

Ewan ko lang sa iba dyan

Leanne:

Waw so ano kami demonyo?

Emburricat:

Halata naman, Leanne HAHAHAHA

Leanne:

Pero ano nga ang maitutulong natin kay cyndy ghaile para ma cheer up siya?

Serenity:

Actually, I'm free today. But Mama told me she'll teach me how to bake cookies today. Gusto n'yo ba sumama?

Fely:

Ay true? Samaaaa

Leanne:

Gggggg

Emburricat:

Sige sige. Ako na bahala kumaladkad kay cyndy ghaile, isasama natin siya sa ayaw at gusto niya

Cyndy:

Tinatanggalan nyo ko palagi ng karapatang pantao, mga desisyon kayo
😆😂4

Leanne:

Sama ka na teh, kesa naman buong araw kang nagkukulong sa kwarto mo

At malay mo, baka itong cookies na ito na ang susi para maging okay na ulit kayo ni flynn diba

Cyndy:

Umayaw na nga yong tao. Ni hindi na pinapansin mga chats ko. Hindi na rin ako pinupuntahan sa room

Break na yata kami, for real

Emburricat:

Ay hinde

Di niya pa tinatanggal ang reactions at nicknames ninyo sa messenger, may chance pa kayo teh

Kung break na kayo, baka binlock ka na niyan agad pero di niya ginawa. Ano ibig sabihin? Edi may feelings pa siya sayo

Fely:

Tamaaaa

Ipilit natin yan teh

Cyndy:

Alam nyo pinapalala nyo lang ang nararamdaman ko ngayon mga bwiset kayo

Pero oo na, sasama na
♥️4

--

leche flynn
Active 3hrs ago

Today. 11:40AM.

Cyndy:

Skl. Andito kami kina serenity, friend namin. Di mo pa yata siya kilala since di namin laging kilala, pero nakita mo na siya once

Anyway, nandito kami kasi tuturuan daw kami ng mama niya paano magluto ng cookies

Update kita pag may nagawa ako hshs

Today. 12:30PM.

Cyndy:

Wala na talaga akong ginawang tama bosit

Pero uulit ako, di pwedeng wala akong magawang matinong cookies

Tas bigay ko sayo kapag masarap ang nagawa ko🤭

Today. 3:00PM.

Cyndy:

May nagawa akong maayos ang hitsura, pero panget ang lasa amp

Ayoko na nga. Give up na ako. Magaling ka naman magluto

Joke uulit ako hanggang sa may maperfect ako 🤭

✓Seen. 3:30PM.

Crush Me Not (WSS #2) | ✓Where stories live. Discover now