97

384 12 0
                                    

Messenger

leche flynn
Active Now

1:01PM

Cyndy:

Hindi ako gaanong maselan sa pagkain, pero hindi ako mahilig sa gulay

Kapag down ako, kailangan ko kumain ng kahit anong matamis

Allergic ako sa balahibo ng pusa

Sprite ang lang ang softdrinks na iniinom ko

Mahilig ako sa kape pero dapat may gatas, hindi pure

leche flynn:

Alam ko

Alam ko rin na kapag naiinis ka, nagsasalubong kilay mo tas kukunot pati ilong mo

Alam ko na kapag masaya ka, ket di ka nakangiti, makikita naman sa kinang ng mata mo

Alam ko na kapag ayaw mo sa isang bagay, aangat nang kaunti ang gilid ng labi mo, meaning nangjujudge ka na

Alam kong kapag may mabigat kang pinagdadaanan, kumakanta ka ng nursery rhymes para pakalmahin ang sarili

Alam ko ring mabilis kang lamigin, mabilis ka ring mainitan, kaya may dala ka palaging chargeable fan at jacket

Alam ko ring ang gulay lang na kinakain mo ay kalabasa, repolyo at pechay, sitaw, at ang pinakaayaw mo ay ampalaya at ibang gulay na slimy

At ang paborito mong prutas ay mangga

Alam ko lahat yan, loml. Alam na alam ko lahat yan

Alam ko lahat tungkol sayo mula ulo hanggang paa

Cyndy:

K

--

Twitter

cyndy ghaile @cyndyrella_

kinikilig ako bwiset

💬 | 🔁 | ♥️

--

Cyndy:

Buti naman at marami kang alam. Hindi na ako mahihirapan sayo

leche flynn:

Syempre. Me na to eh😌

Basta, loml, wala kang dapat alalahanin. Hinding-hindi kita sasaktan

--

Twitter

cyndy ghaile @cyndyrella_

Alam ko. Mas malaki pa ang chansang ako pa manakit sayo, kaya nga ako natatakot...

💬 | 🔁 | ♥️

--

Cyndy:

Flynn

leche flynn:

yes loml mahal ko honeybunch sugarplum?

Cyndy:

Salamat

leche flynn:

ay nubayan, akala ko sasabihin mo na ang three words eight letters eh😔

Cyndy:

Ewan ko sayo. Bye na nga

leche flynn:

Joke lng eh, to naman di na mabiro😔

See you mamaya, loml. Sunduin kita tas hatid na rin pauwi😘

Cyndy:

Okay. See you😊

Crush Me Not (WSS #2) | ✓Where stories live. Discover now