122

223 4 0
                                    

Messenger

--

leche flynn
Active Now

5:30PM

leche flynn:

Loml

Cyndy

Balik ka dito

Pls

Pakinggan mo naman ako

Cyndy

Cyndy:

Flynn andali lang sabihin sakin, pero di mo ginawa

leche flynn:

Pano ko nga sasabihin, eh di mo naman ako hinahayaang magsalita?

Cyndy:

Naintindihan ko na kailangan mong unahin si tita, kasi syempre nanay mo yan. Inatake ng sakit. Gets ko ang part na to

Pero bakit may rianna? Ex mo na yan diba?

leche flynn:

Nakasalubong ko lang sa daan, cyndy. Nakipagkamustahan. Nabanggit ko ang tungkol kay mama. Nakisimpatya at umalis naman agad

Wala akong ibang ginawa. Hindi ako nagloloko, cyndy

Cyndy:

Ganon? Necessary ba ang yakap? Di ba pwedeng "sana gumaling na nanay mo" sabay alis? Bat may yakap?

leche flynn:

Loml, bukas na lang natin to pag usapan nang personal. Sa ngayon, parehong magulo pa utak natin

Cyndy:

Alam mo ba kahapon, nandito si papa at ang bago niyang asawa. Narinig kong tinawag akong anak sa labas. Mabigat pakiramdam ko, kaya nga gusto kitang makasama at makausap. Kaso sabi nasa ospital ka kasi sinugod si tita dahil inatake sa sakit

Naiintindihan ko. Gets na gets ko. Kasi alam ko namang di lang ako may problema.

Kaso flynn, andito naman ako. Bat iba ang kailangan mong yakapin kung gusto mo pala ng karamay?

Pwede mo kong tawagan potangina

Ayoko na nga

leche flynn:

Cyndy

Cyndy:

Kaya ayoko talaga sa mga ganito eh. Lakas pa ng loob mong sabihing di mo gagawin sakin mga kinatatakutan ko, tas ganito naman pala gagawin mo sakin

Ayoko na. Tigil na natin to

leche flynn:

Tangina naman cyndy

Ganon na lang agad agad?

Nagpaliwanag na ako. Ayaw mo naman maniwala kasi mas gusto mong paniwalaan ang nasa utak mo. Ang useless lang ng pagpapaliwanag ko

Ganito ka palagi. Hindi mo ko hinahayaang magpaliwanag. Hinahayaan lang din kita kasi baka dala lang ng init ng ulo mo pero potangina cyndy. Ako na lang palagi umiintindi sayo. Pano naman ako?

Kung ayaw mo na dahil lang sa ganito, ako pagod na akong mag adjust palagi sayo

Inatake ng sakit si mama. Pinatawag ako ng boss namin dahil tatanggalin na ako sa trabaho dahil tapos na kontrata ko, hindi na irerenew. Si papa hindi pa nagpapadala ng pambayad sa ospital dahil hindi niya pa sweldo. Hindi naman pwedeng ilabas si mama na di pa fully okay ang pakiramdam

Tas ang girlfriend ko ayaw pa akong pakinggan

Ang hirap sayo, alam mo kasing mahal kita. Sobra. Kaya kahit anong taboy at kabig mo sakin pabalik, alam mong hindi ako tatanggi. Kahit na durugin mo ako nang pauli ulit, ayos lang. Ganoon kita kamahal, Cyndy

Pero tao lang din ako na may nararamdaman. Mahal kita, oo, pero sumusobra ka na. Hindi ako laruan na iiwan mo kapag inconvenient sayo tapos babalikan mo naman kapag gusto mo na ulit

Pasensya, pero nakakapagod na. Nakakapagod ka na

Ayaw mo na? Fine. Sige

Itigil na natin to potangina naman pala

✓Seen. 6:00PM.

Crush Me Not (WSS #2) | ✓Where stories live. Discover now