Epilogue

322 13 16
                                    

Epilogue.

“PARA MAKUHA ang binary value ng sum ng 'a' at 'b', ganito lang ang gawin n'yo. Punta kayo rito... type "bin", open parentheses...”

Nagdi-discuss sa sarapan ang instructor namin tungkol sa kung paano makuha ang binary ng decimals gamit ang binary operations. Nakatingin ako sa harap, pero ang utak ko, wala sa discussion.

Kagat-kagat ko ang kuko ko sa hintuturo, habang mga tuhod naman ay hindi makalma. Kanina ko pa gustong umalis, pero hindi ako pwedeng umalis na lang basta-basta.

Kahapon, sinabi sa 'kin ni Glenn na aalis na sila papuntang Canada, sasama na sa papa nila at doon na rin titira. By next week na raw ang alis nila, hinihintay na lang ang schedule ng flight.

Hindi ko alam kung susugod ba ako sa airport, o babalik ako mamaya sa bahay nila para kausapin si Flynn. Hindi niya pa rin sinasagot ang mga chats at calls ko. Si Cyd naman, parang ewan ayaw rin magsabi sa 'kin. Walang utang na loob, kung hindi sa 'kin hindi magiging sila ni Ember, 'no!

Napapikit na lang ako at napabuga ng hangin. Napansin ni Ember ang ginawa ko, kaya nag-angat siya ng kilay sa 'kin. Inirapan ko lang siya at bahagyang tinulak ang mukha niya paharap sa instructor.

“Anong nangyayari sa 'yo, 'te?” tanong kaagad ni Ember noong natapos na ang klase namin. “Kagabi ka pang ganiyan, ah. Natutuwa nga akong pumapasok ka na ulit, pero parang wala pa rin naman dito ang utak mo.”

“Baka iniisip na naman ang "ex" niya,” singit naman ni Leanne na papalapit na sa upuan namin. Napabaling naman kaagad ako ng tingin sa kaniya kaya inangatan niya ako ng kilay. “Ano? Ikaw mismo nagsabi na hiwalay na kayo, so ex mo na nga siya.”

Mabilis namang tinampal ni Fely ang braso niya kaya nanahimik na siya. Ako naman ay napabuga ng hangin sabay yuko.

“Ano nga next class natin?” tanong ko.

“Hmm... Principles of 2D, mamayang 3PM pa,” sagot ni Ember sabay tingin sa oras sa cellphone niya kaya sumilip na rin ako. Our next class is 30 minutes from now.

Tumango ako. “Gaano katagal ba ang byahe papuntang... papuntang airport?”

Inangatan kaagad ako ng kilay ni Ember sa malisyosang paraan. “Dipende sa masasakyan mo. Kung traysikel lang, baka matagalan ka pa kas maghihintay pang mapuno. 'Tapos hindi ka pa niyan idederetso talaga sa entrance ng airport, lalakarin mo pa. Kung taxi naman, mas mabilis pero mahal.”

Nakagat ko na lang ang ibabang labi sabay napatango.

“Bakit? Anong gagawin mo sa airport?” tanong ni Leanne. “Ihahatid mo ba pauwi ang papa mo?”

Isinandal ko na lang ang noo sa monitor na nasa tapat ko. Nasa bag ko pa rin ang cookies. Pupuntahan ko ba siya sa airport? O hindi? Magcha-chat ba ako ulit kay Glenn at itatanong kung anong oras flight nila para makahabol ako at makita man lang si Flynn bago siya tuluyang umalis.

Napalunok ako. Kapag iniisip ko na iiwan na talaga ani ni Flynn, sumisikip ang dibdib ko. Ang tanga ko rin kasi, ayaw kong mawala 'yong tao pero gumagawa ako ng rason para mapuno at mapagod sa 'kin.

“Aalis na siya...” wala sa sariling bulong ko habang nag-iisip.

“Sinong aalis?” tanong ni Fely. “Tatay mo ba? Hindi naman kayo close para maging ganiyan ka kalungkot.”

“Baka si Flynn aalis,” pabirong sabi ni Leanne sabay tawa kaya natampal na naman ni Fely ang braso niya.

“Oo,” maagap na sagot ko, dahilan para mapatigil sila. Nag-angat ako ng tingin sa kanila. “Aalis na siya. Sabi ni Glenn, pupunta na raw silang Canada at doon na titira kasama ang papa nila.”

Crush Me Not (WSS #2) | ✓Where stories live. Discover now