118

210 4 0
                                    

Messenger

--

Glenn Albert Poe
Active Now

5:30AM

Glenn Albert:

Okay na ulit si mama.

Matulog ka na.

Ako na muna dito.

Flynn:

Di ako makakatulog nang maayos pag iniisip kong andyan pa rin sa ospital si mama alberto

Akala ko okay na eh, kasi ngumingiti na ulit siya at mukhang masigla na ulit

Glenn Albert:

Ganiyan naman talaga lagi si mama may sakit man o wala.

Mabuti nga nakita mo siya sa kwarto. Nasugod natin agad sa ospital bago pa lumala.

Flynn:

Palagi niya na lang tinatago sakit niya satin. Di naman na tayo mga bata na madaling mauto

Papasok ka ba ngayon alberto? 9 pa naman pasok natin

Glenn Albert:

Ayoko. Ikaw na lang.

Magkamukha naman tayo. Attendance mo ko don.

Alam mo din naman handwriting ko. Ikaw na din pumirma.

Flynn:

Daming pinapagawa kala ko sinuswelduhan ako oh

Ayoko nga. Absent ka na. Absent na rin ako

Glenn Albert:

Pumasok ka nga gilberto. Isa.

Flynn:

Dalawa

Tatlo

Bahala ka sa buhay mo

Ako na rin bahala sakin

Pero papasok pala ako kasi nasa school ang aking source of energy🥰

Glenn Albert:

May magandang dulot naman pala sayo ang kalandian. Pagpatuloy mo na lang yan may pag asa ka pang gumraduate dahil dyan.

--

Loml💖
Active Now

6:00AM

Flynn:

Loml good morningggg gising ka na dyan😚

Ay hala, may chat ka pala kagabi. Sorry di ko nakita kaagad😩

May nangyari lang kasi kagabi, kaya di ako nakapag online agad

✓Seen. 6:15AM.

Loml? Gising ka na pala

Hellooo morning sa mahal ko🥰

✓Seen. 6:15AM.

May problema ba, loml?

✓Seen. 6:16AM.

Loml, ano ba

✓Seen. 6:16AM.

Cyndy, mag usap tayo sa personal. Hintayin kita matapos klase nyo

✓Seen. 6:17AM.

Crush Me Not (WSS #2) | ✓Where stories live. Discover now