CHAPTER 04

93 1 0
                                    

Alas-tres palang ng madaling araw ay nasa kalagitnaan nang pagtulog ang binatang si Kobe, nang bigla nag-ring ang phone niya upang magising siya, kinapa ng binata ang phone sa katabing mini table para sagutin ang tawag.

"Hello Joshua? Bakit ang aga mo namang tumatawag? Natutulog pa ako eh." Naiinis tanong ni Kobe sa kabilang linya at bukas ng lampshade sa kwarto.

"Anong hello?!! Gumayak kana nga!! Baka maiwanan ka ng bus, dalian mo!!" Sigaw ni Joshua sa kabilang linya, naguguluhan at hindi maunawaan ni Kobe ang sinasabi ng binata.

"Oh bat ka galit?! Inaano kita?" Bumangon na nga si Kobe habang natatawa.

"Hindi ako galit, sige na kumilos kana, yung bus nga, baka maiwanan ka sige." Sambit ni Joshua sa kabilang linya.

"Anong bus ang pinagsasasabi mo? Tanga bakasy-" Naputol ni Kobe ang sasabihin ng agad sumagot si Joshua sa kabilang linya.

"Kobe, ngayon na yung camping natin sa gubat nila Pamela, kaya kilos kana!! Tayo na riyan." Sunod-sunod sabi ni Joshua sa binata, nawala ang antok ni Kobe sa mga sinabi ng kaklase at napatayo siya sa kama upang tignan ang kalendaryo nasa kabinet niya.

"Shit!! Oo nga pala, ngayon na yon, tangina nawala sa isip ko." Bulong ni Kobe sa sarili at dali-dali siyang kumuha ng mga damit sa kabinet.

"Letse!! Lagot sa akin sina Nicolas, hindi man lang nagchat." Sabi ni Kobe habang naghahanap ng mga damit at inaayos ang mga dadalhin niya, wala ng pakialam ang binata kung makalat na ngayon ang kwarto niya sa dami ng damit na nakahilera sa kama.

"Hay nako, mabuti nalang at natanong kita kila Carl ang sabi nila wala ka raw plano na sumama." Sabi ni Joshua sa telepono.

"Ano?!! Hindi sasama ako, nawala lang yon sa isip ko na ngayon pare." Sagot ni Kobe at pinagpag ang kanyang bag na gagamitin dahil puno ito ng alikabok.

"Dalian mo ha!! Sunduin kita riyan sa inyo, kasama sina Ken at Cj." Wika ni Joshua sa kabilang linya.

"Oo!! Sige mamaya nalang!! Maligo muna ako ng mabilis." Sigaw ni Kobe sa binata at pinutol na ang tawag, matapos magayos ng mga gamit ay tumakbo na siya papasok ng banyo para maligo.

-

Abala naman sa pagsusuklay ng buhok ang binatang si Mario sa loob din ng kanyang kwarto, habang abala sa paglalagay ng wax sa buhok niya ay tumunog ang phone niya, kinuha niya ito sa kama at sinagot.

"Sige sige lalabas na ako niyan, okay Hyah ingat kayo." Wika ni Mario at binaba ang cellphone para magsuklay ulit siya, nang makuntento sa itsura ay lumabas na din siya ng kwarto buhat-buhat ang mga gamit niya, nang makalabas ay nilock na ni Mario ang gate ng bahay at nagtungo sa isang waiting shed na malapit dito. Tahimik lang naman siya nakaupo ng may humintong puting kotse sa harap ng binata, napangiti siya at tumayo para lapitan, bumungad naman sa kanya sina Hiroshi at Hyacinth.

"Good morning Mario." Bati ni Hyacinth sa binatang pumasok na sa loob at ngumiti lang ng matipid, pagpasok niya pinaandar na ni Hiroshi walang imik ang sasakyan.

"Matagal kaba naghintay sa amin?" Tanong ni Hyacinth dalagang agad sumagot.

"Hindi naman ganon katagal, kalalabas ko lang din kanina." Sagot ni Mario at tingin kay Hiroshi bahagya nailang ng makitang nakatingin ang kaklase sa rear-view mirror.

"Bakit ka nakatingin sa akin bro?" Tanong ni Hiroshi habang nagmamaneho.

"W-wala Hahaha." Sabi ni Mario at lihis ng tingin kay Hiroshi hindi kumibo at binilisan na lang ang pagmamaneho.

"Daanan na rin natin sina Glenn at Vince." Tugon ni Hiroshi at niliko ang manubela.

"Last minute chinat ako ni Vince, wala daw silang kasabay ni Glenn." Pagkwento niya sa mga kasama habang diretso lang ang tingin.

CAMP VACATION (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon