CHAPTER 18

72 0 0
                                    

Abala sa pagkuha ng litrato sila Tim, Alyssa at Darlene. Nililibang na lamang nila ang sarili para huwag maisip ang nangyayari sa kanila. Malayo rin sila ng konti kina Luke na abala sa pagliligpit, pero nakikita parin nila ang mga kaklase.

"Pose pa kayo, isa pa." Ani Tim habang nag cliclick siya sa dslr camera. Napatigil lang sila ng lapitan sila ni Luke.

"Saan si Tristan?" Tanong ni Luke sa mga kasama habang nagpapagpag ng kamay.

"Ah, nagpaalam umihi." Sagot ni Tim tapos sinara na muna ang camera para hindi ito agad malowbat.

"Ganon?" Matipid sabi ni Luke, lumapit rin si Czah sa kanila para lang makichismis.

"Anong ganap?" Bungad ni Czarinah tapos inakbayan niya si Darlene.

"Wala naman, umihi lang si Tristan." Biro ni Tim kay Czarinah hindi natuwa.

"Seryoso ako Tim." Umirap si Czarinah.

"Bakit? Nagbibiro ba'ko?" Sumbat ni Tim sa dalaga.

"Ewan ko, tumatawa ka kasi eh." Sagot ni Czarinah habang pinapaikot-ikot niya ang buhok gamit ang hintuturo.

"Napangiti lang, tumatawa na." Katwiran ni Tim tapos pout. Kinapa naman ni Luke ang itaas ng shirt niyang may pitong nakaipit at pumito siya ng malakas upang lumapit ang mga kaklase sa kanya. Pagkatipon niya ay huminga muna ng sobrang lalim si Luke at pumalakpak.

"Okay ganito nalang ang plano, since hindi pa bumabalik si Tristan, inaatasan ko yung ibang maiwan rito para may balikan siya, huwag kayong mag-alala maglalagay kami ng palatandaan, para hindi kayo maligaw at mahirapan mamaya." Paliwanag ni Luke tapos ay nagusap-usap sila kung sino ang mga maiiwan at sasama. Napagdesisyunan naman agad nila Czarinah, Kirsley, Venice, Bianca, Alyssa at Ryeline sumama kay Luke para puntahan sila Wesley, habang ang iba gaya nila Tim, Darlene at Sunshine naman ay mas piniling manatili sa campsite para meron balikan si Tristan.

"Osha, tara na!! Kumilos na tayo." Sigaw ni Kirsley tapos pumalakpak.

"Let's go, kita-kita nalang tayo guys kapag kasama ninyo na si Tristan." Wika ni Venice at yakap sa braso ni Kirsley.

"Makayakap naman ito? Parang iiwanan eh Hahaha." Pagbibiro ni Kirsley sa dalagang mahina siyang pinalo sa braso.

"Why? Gustong-gusto mo naman noh? Well I don't like you, sadyang natatakot lang ako sa mga nangyayari." Maarteng paliwanag ni Venice at ikot ng mata kay Kirsley tumawa.

"Talaga? You don't like me lang, eh halos ramdam ko na yan bundok mo sa braso ko eh Hahaha." Biro ni Kirsley, natawa rin sina Tim at Czarinah sa banat ng kaklase.

"Manyak ka Hahaha." Natatawang sabi ni Tim at mahinang binatukan si Kirsley sa ulo.

"Edi wow Kirsley, si Tim na nga lang." Wika ni Venice at kalas ng yakap sa isang braso ni Kirsley at nilapitan nga si Tim.

"Bleee." Parang bata si Venice dumilat kay Kirsley ganon din.

"Maiiwan ako Ven Hahaha." Tumatawang sabi ni Tim sa dalagang nakayakap lang sa braso niya, naputol ang katuwaan nila ng pumito ulit si Luke.

"Sige na, mauna na kami ha, hintayin ninyo lang si Tristan." Ani Luke tapos ay niyaya na niya ang mga kaklase maglakad maliban sa tatlong maiiwan.

"Mahanap na sana nila yung iba, gusto ko na umuwi, ayokong matulad kay Girly." Ani Sunshine habang nakatingin sa kawalan.

"Chill ka lang vice, mahahanap na nila sila, tiwala lang." Pampalubag loob ni Tim at kinuhanan ng litrato ang kalangitan.

"Alam ninyo ba, may napanood akong mga pelikula noon, kapag ganito kasi yung flow nung kwento ay halos mga nabubuhay lang sa dulo ay yung mga loveteam." Kwento ni Darlene at yakap sa sarili.

CAMP VACATION (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon