CHAPTER 12

142 2 1
                                    

Kasalukuyan naman nakahiga si Kramer sa tabi ni Avery natutulog. Napagusapan nila na siya na ang magbantay sa kaklase para matulog na ang iba, hindi makuha matulog ng binata at nakatingin lamang ito sa taas ng kalangitan, nasa labas silang dalawa at nakahiga sa rug. May pagitan pang space sa dalawa dahil hindi naman sila masyado close at napagusapan lang nila Mario na si Kramer ang magbabantay. Dahan-dahan na inangat ni Avery ang kanyang sarili kaya naramdaman ni Kramer ang kaklase at bumangon rin.

"You're awake." Sabi ni Kramer sa dalagang hindi naman kumibo habang nililibot nito ang paningin.

"Drink this." Sambit ni Kramer at bigay ng bottled water kay Avery kinuha naman ito.

"Salamat." Ani dalaga tapos uminom narin, nakatingin lang naman si Kramer sa kanya.

"Nasaan yung iba? At bakit tayong dalawa lang ang andito?" Naguguluhang tanong ni Avery pagkatapos uminom

"Oho, Mario, Glenn and Isaiah are already sleeping, gusto nga bantayan ka nila here eh, kaya lang sinabi ko sakanila ako na ang bahala sayo, para makapagpahinga na din sila." Paliwanag ni Kramer.

"Halata nga sa boses mong hindi ka sanay sa pagtatagalog." Nakabusangot ani Avery sa binatang bahagyang natawa.

"Mag-english kana lang." Dagdag pa niyang kinatawa lang ulit ng binata.

"Nag passed out ka kanina, okay kana ba?" Sambit ni Kramer kay Avery tumango lang at nililibot ang paningin sa paligid.

"Hinahanap mo ba sina Jacob? Well hindi pa rin sila bumabalik." Sabi ni Kramer at tingin sa dalagang nag-iba ang ekspresyon ng maalala si Jacob.

"J-jac-c-oob?" Mahinang bulong ni Avery sa pangalan ng kaklase.

"Is there any problem?" Kumunot ang noo ni Kramer at hinawakan niya sa balikat ang dalagang tulala lang.

"What's wrong?" Dagdag niya sa dalagang bigla nalang siya niyakap.

"Natatakot ako, ayaw ko matulad sa kanya, ayaw ko pa mamatay." Nanginginig si Avery kaya niyakap din siya ni Kramer nalilito.

"Nakita ko lahat!! Ang dami niyang saksak, parang pinahirapan siyang patayin." Wika ni Avery at nagumpisang narin siya umiyak sa dibdib ni Kramer may kaguluhan sa isip at hindi maunawaan ang sinabi ng kaklase.

"Kramer, natatakot ako." Sabi pa ng dalaga habang nakayakap sa binata patuloy lang sa paghagod ng likuran ng dalagang halos umukmok na ang sarili niya sa dibdib ng binatang naguguluhan.

"Shh!! Stop crying." Ani Kramer kay Avery nahimasmasan naman na kaya ay kumalas na ito ng yakap.

"Kasi, naglaro pa tayo ng tagu-taguan, ano nalang ang sasabihin ko sa mga magulang ni Jacob kapag nalaman nila ito." Ani Avery habang malayo ang tingin.

"Ako ang lider dito, responsibilidad ko lahat ng nangyari kay Jacob." Pagpapatuloy niya kasabay ng paghawak ni Kramer sa balikat niya.

"What are you talking about? I'm confused." Kunot noong tanong ni Kramer at tingin ng diretso sa mga mata ng dalaga.

"Patay na nga si Jacob, kitang-kita ko lahat yon, maniwala ka naman sa'kin oh." Wika ni Avery at nagumpisa ulit siya umiyak.

"Sleep, just sleep, Avery." Ani Kramer tapos ayos ng upo.

"Ano?!! Hindi mo ako naiintindihan, lahat tayo magkakaklase pwedeng makulong sa nangyari kay Jacob, pagsususpensyahan tayo ng mga pulis, Kramer." Paliwanag ni Avery at halos sumigaw na para maniwala lang ang binatang umiling parin.

"You know, much better matulog ka nalang and bukas wala na yan." Pilit parin maging kalmado ni Kramer kahit naiinis na dahil babae ito.

"Hindi mo ako naii-" Naputol ni Avery ang kanyang sinasabi ng magsalita ang binata.

CAMP VACATION (On-going)Where stories live. Discover now