CHAPTER 16

75 0 0
                                    

Mataas na ang araw na ng makarating sina, Lorena, Paige, Trevor, Carmen, Patrick at Elijah sa campsite. Kumaripas sila ng takbo palapit kina Astrid nag-aalmusal, napatayo ang mga ito ng makita sila.

"Nasaan sina Prince at Rey?" Bungad agad ni Astrid kina Elijah at Patrick.

"Doon tayo magusap-usap." Wika ni Lorena at umupo sa tabi ni Fatima. Pag-upo nilang lahat ay nagumpisa agad magkwento sina Lorena at Trevor, tila gulat na gulat si Astrid sa mga narinig dahil bilang lider ng grupo ay wala siyang alam sa mga nangyayari sa kanyang mga kasama.

"Let's leave this place guys, bago pa mahuli ang lahat." Seryoso niyang sabi ni Miguel at tumayo na para kunin ang mga gamit.

"Wait, wala kaya connection yung nangyari kina Prince don sa nakita kong picture ni Myka sa loob ng bus." Wika ni Louisse sa sariling narinig ng katabing si Trevor.

"Connection? Anong connection? Bakit ano ang nakita mo?" Tanong niya kay Louisse na tinignan ng lahat. Mariin lumunok ang dalaga at nagumpisa magkwento.

"Kahapon kasi, sa bus may nakita akong larawan ni Myka may malaking ekis." Wika ng dalaga.

"Huh? Nasan yung picture, pakita mo sa amin." Sabi ni Paige kay Louisse umiling.

"Wala na eh, tinapon na ni Luke." Nahihiya sabi ni Louisse sa mga kasamang tila lahat ay napapaisip kung sino nga ba ang mga gumagawa lahat nito sa kanila.

"I can't take this anymore guys!! Astrid let's leave na nga, ayoko pa mamatay." Maarte sabi ni Fatima, mapapansin mo sa boses ng dalaga ang takot na baka masubukan niya kung paano namatay ang mga kaklase.

"Nasaan ba si Rey? Alam ba niya nangyari kay Prince?" Tanong ni Astrid ng mapansin niyang wala ang binata.

"Ewan lang boss." Sagot ni Patrick.

"Kasama niya si Prince kanina, ewan lang kung nasan siya ngayon." Nauutal na sabi ni Elijah at kamot sa ulo niya.

"Umuwi na tayo Astrid, iligtas na natin mga sarili natin, sinasabi ko sayo pwede tayong mamatay kapag nag-stay pa tayo rito." Ani Patrick at tumayo na para kuhanin rin ang mga gamit sa tent.

"Paano si Rye? Iiwan mo nalang." Tanong ni Elijah kay Patrick napatigil sa paglalakad.

"Wala na akong pakialam sa babae na yon, gusto ko na umalis sa tanginang gubat na ito." Surang sagot ni Patrick at tumalikod sa mga kasama. Hindi naman nagustuhan ni Trevor ang sinabi niya.

"Hoy!! Shota mo si Ryeline gago, iiwan mo nalang dito." Sigaw ni Trevor kay Patrick na tumawa at humarap ulit sa kanila.

"Biro lang, syempre nag-aalala rin ako sa kanya noh." Tumatawa si Patrick pero wala naman ang tumawa.

"Balikan muna natin sila Joshua, sabi niya sama-sama tayong aalis." Wika ni Carmen hindi sinangayunan ni Fatima.

"No Carmen!!! Umalis na tayo dito, it's not safe anymore." Sigaw ni Fatima at halatang natatakot na siya.

"Magkakasama naman tayo eh, sa tingin ko wala naman na mapapano basta wala lang hihiwalay." Paliwanag ni Lorena at tingin sa mga kasama.

"Mag-ayos na kayo, boys yung mga tents paki-tupi, para mahanap na natin yung iba at maka-alis na tayo dito." Utos ni Astrid at tumayo na, isa-isa narin sila nagtayuan ang mga kabataan para makapagligpit na.

"Miguel tupi muna natin ito pre, tapos kayo yung mga kalat ay pagsama-samahin niyo sa isang plastic, tatapon na natin yan." Sabi ni Elijah kina Paige, Carmen at Lorena ay sinunod naman siya. Ngunit si Miguel ay nakatayo lang at tinignan ang binata.

"Alisin muna natin yung mga gamit, hindi natin yan matutupi ng andiyan yung mga gamit sa loob." Kalmadong sabi ni Miguel kay Elijah biglang napaisip kaya ngumiti siya at tumawa-tawa.

CAMP VACATION (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon