CHAPTER 21

82 0 0
                                    

May mga kanya-kanya pinagkakaabalahan ang magkakaklase sa campsite nila Ken ng unang pangkat. Abala naman sa pagluluto sina Ken at Glenn ng pagkain, habang ang iba ay nagkwekwentuhan lang naman gaya nila Terry, Nikki, Crystal at Avery. Habang si Shannon mas pinili na muna magkulong sa tent para ituloy ang pagtulog, sinamahan din naman ni Hera ang dalaga.

"Sino naman kaya yung killer?" Maarteng sabi ni Terry habang binibraids ng binata ang buhok ni Crystal.

"Ewan ko nga eh, sumasakit na nga ang ulo ko, kaiisip." Sagot ni Crystal tapos hawak sa noo tapos minasahe.

"Jusko, talagang nakakastress yon sister, hindi mo alam sino yung pagkakatiwalaan mo, kasi hindi mo alam yung kaharap mo is yan na ang killer, punyeta nakakatuyo ng utak." Ani Terry sa dalaga.

"Tama, ang hirap!! Ang dami-dami natin sa klase, wala tayong laban." Pagpapatuloy ni Crystal tapos yumuko.

"Ang akala natin magiging masayang camp natin ngayon, pero lahat ng iyon akala lang pala, lalo pa tayo napahamak." Malungkot pang sabi ni Crystal at pinipigilan ang sarili maiyak.

"Huwag ka nga magulo, masisira ito loko." Sambit ni Terry at mahinang pinalo ang ulo ni Crystal umayos naman.

"Hindi ko alam ano sasabihin ko sa mga iba natin kaklase at sa mga magulang ni Jacob at Girly lahat ng nangyari, baka makulong tayong lahat, sabihin tayo ang pumatay sa kanila." Wika ni Avery sa mga kaklase.

"Yun nga eh jusko, damay-damay yan eh, at kung darating man don, makukulong lahat tayo matic na yon, kaya shuta kung ganon lang din kalala mangyayari, mas pipiliin ko nalang ang mamatay rito kesa magdusa sa kulungan, wala naman kasi ako kasalanan para pumunta ako don diba?" Dire-diretso sabi ni Terry habang binibraids parin niya si Crystal.

"Huwag mo nga sinasabi yan, makakaalis pa tayo rito, tsaka hindi tayo makukulong, ang dapat makulong ang taong gumagawa neto sa'tin." Sambit ni Crystal. Natahimik na ulit sila sa mga sinabi niya kaya agad na umisip si Terry ng panibagong topic nila.

"Guys may idea ba kayo sino yung killer sa klase natin sinasabi ni Nicolas?" Tanong ni Terry sa mga kaklase, para meron pa silang topic at hindi tumahimik.

"Ewan, ayoko magsabi ng names, I have no evidence." Saad ni Nikki habang nakatingin kay Terry.

"Wala naman akong makitang kakaiba sa mga classmates natin eh, parang imposible isipin, lalo na halos kalahati sa isang taon lagi tayong magkakasama, sa room parang magkakapatid na nga tayo eh." Pahayag ni Crystal.

"Kayanga eh, imposible talagang sa'tin ang killer, jusko baka naman multo pala yon ah, overthink tayo ng overthink." Natatawang sabi ni Terry at sa boses ng binata ay sadya nananakot ito.

"Tanga, hindi kaya pumatay ng multo, tao talaga ang gumagawa neto." Sabi ni Crystal at umirap.

"Hindi mo sure? Malay natin diba?" Sabi pa rin ni Terry habang nagpipigil ng tawa.

"May third eye ako, wala akong makitang multo rito." Ani Crystal kay Terry tinawanan lang siya.

"Sus!! Sinasabi mo lang yan para hindi ka matakot Hahaha." Tumawa si Terry habang nilalagyan ng sanrio ang buhok ni Crystal hindi naman na kumibo. Napansin naman ni Nikki walang imik si Avery kaya siniko ng dalaga ang kaibigan.

"What about you AC? Ano opinyon mo sis?" Tanong ni Nikki kay Avery nagulat kunwari parang walang naririnig.

"Huh?!!" Wika ni Avery at tingin sa kaibigan.

"Ayos ka lang ba?!! Namumutla ka yata eh." Pag-aalala ni Crystal ng mapansin parang may kakaiba sa dalaga. Tanging tango lang ang naging sagot ni Avery at umayos narin dahil napapansin na siya ng mga kaklase.

CAMP VACATION (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon