PROLOGUE

18 0 0
                                    

Alas-kwarto na ng hapon at naiwan sa loob ng classroom sina Cj, Mario, Elijah, Hunter, Hiroshi, Tristan, Alyssa, Czarinah, Fatima at Sunshine, dahil sila ang assigned cleaners ngayong araw.

"Guys, please lang po, pag nagayos kayo ng mga chairs buhatin ninyo!! Huwag ninyo hilahin, maingay." Sabi ni Cj kina Hiroshi at Elijah na tumango lang maliban kay Tristan nag roll-eyes patago.

"Tristan, yung basura nga tapon ninyo na ni Hiro." Utos ni Czarinah sa dalawang agad lumapit.

"Okay." Sabi ni Hiroshi at lumapit na.

"Opo manang Hahaha." Tumatawang sabi ni Tristan kay Czarinah na pinalo siya sa braso.

"Manang mo mukha mo!! Bata pa kaya ako noh!!" Naiinis sabi ni Czarinah sa binata na tinawanan lang siya at lumabas kasama si Hiroshi para magtapon.

"Hayaan muna Czah Hahaha." Sabi ni Elijah at tumawa ng mahina sa dalagang tinignan siya.

"Oh ikaw naman? Tapos kana magayos ng mga upuan?" Tanong ni Czarinah sa binata at turo sa mga upuan.

"Yes." Matipid sabi ni Elijah at ayos ng tayo.

"Anong yes ka diyan? Tignan mo nga ito oh, hindi pa pantay oh, ayusin mo yan Elijah." Pagsusungit ni Czarinah at tumalikod nasa binatang kumamot lang sa ulo.

"Maayos naman na ah." Bulong ni Elijah sa sarili at inayos nalang niya ang mga upuan ng konti. Kakatapos lang din nila Hunter at Mario pagaayos ng mga libro. Pag-upo nila para magpahinga ay biglang tumunog ang cellphone ni Hunter kaya kinuha niya ito sa bulsa.

"Bro, pakisabi kay Cj mauna na ako, anjan na sa baba yung service ko." Wika ni Hunter kay Mario na tumango lang kaya kinuha na ng binata ang mga gamit at lumabas na.

"Cj!! Pinauna ko na pala si Hunter sa labas na daw service niya." Wika ni Mario at lapit sa binatang napatingin sa kanya.

"Sige lang, walang problema Mario, tapos naman na ata kayo eh." Sagot ni Cj at tingin ulit kay Czarinah na nagkwekwento.

"Huy Cj, nakikinig kaba?" Naiinis tanong ni Czarinah sa binata.

"Oo nakikinig ako, tuloy muna, may sinabi lang si Mario, ikaw talaga Hahaha." Wika ni Cj sa dalagang masama lang siya tinignan bago ulit magkwento tungkol sa karanasan niya noong bata, samantala si Sunshine ay natapos nasa pagpupunas ng blackboard kaya pagod umupo muna siya sa teacher's table at napatingin kay Alyssa.

"Alyssa, pahiram ako nang walis." Wika ni Sunshine sa dalagang napatigil naman sa pagwawalis at binigay ito sa kaklase.

"Hindi mo masyadong nawalis yung dito oh, dapat pati kadulo-duluhan winawalis mo." Sabi ni Sunshine kay Alyssa na hindi naman kumibo at pinapanood lang siyang nagwawalis.

"Hay tapos na me, sige una na ako guys ha, kanina pa ako hinihintay ng driver namin sa labas eh, bye." Paalam ni Fatima at kuha ng gamit niya, hindi na niya hinintay ang sasabihin ng mga kaklase at lumabas na ng classroom.

"Great pretender talaga!! Bulok na kotse lang naman ang sasakyan nila kung maka driver." Pagtataray ni Czarinah paglabas ni Fatima, agad nagtawanan ang mga naiwan sa loob.

"Ikaw talaga Czarinah, pabayan mo nalang Hahaha." Tumatawang sabi ni Cj kay Czah nag roll-eyes lang naman.

"Baliw Hahaha." Tumatawa sabi ni Mario at tingin sa dalagang seryoso lang. Puro tawa lang ang magkakaklase maliban kay Alyssa abala lang sa pagwawalis. Naputol nalang kanilang kasiyahan ng pumasok sa loob sina Tristan at Hiroshi kasama si Nico.

"Guys, una na'ko noh." Paalam ni Hiroshi at kuha nasa mga gamit tapos lumabas na ng classroom.

"Oh?!! Bat andito ka pa?" Tanong ni Elijah kay Nico may dala-dalang bola at drinibble pa nito.

"Tara bola pare." Wika ni Nico at pasa ng bola kay Elijah agad naman nasalo.

"Game, sino kasama?" Tanong ni Elijah at dribble.

"Wala, pucha nag-uwian na sila Carl dana." Naiinis sabi ni Nicolas tapos umupo ito sa teacher's table.

"Bukas pa yung gym?" Tanong ni Mario at tabi kay Nico tumango lang.

"Uy sali ninyo ako." Pagsingit din ni Tristan at palakpak para ipasa ni Elijah ang bola sa kanya na pinasa naman nito.

"Sina Kramer pre? Nandiyan pa?" Tanong ni Nico kay Tristan.

"Wala na!! Umuwi na yung dalawang daga, iniwan na ako." Sagot ni Tristan at umupo sa desk ng armchair. Umalingangaw ang tawanan nila Elijah, Mario at Nico sa loob ng silid. Napatingin din sina Cjat Sunshine nagkwekwentuhan lang ng kung ano-ano.

"Bad ka pare, sumbong nga kita Hahaha." Sabi ni Elijah sabay tawa, tumawa lang din si Nico sa banat ni Tristan na pinasa ang bola kay Mario. Habang nagtatawanan ay nilapitan sila ni Czarinah nakataas ang kilay.

"Hoy sa labas nga kayo maglaro niyan bola, huwag dito, makabasag pa kayo." Mataray sabi ni Czarinah kina Mario at Tristan na napatigil naman.

"Opo!!! Tara na nga mga dude!!" Sigaw ni Tristan at nauna ng lumabas ng classroom habang nagdridribble ng bola, sinenyasan narin ni Elijah sina Nico at Mario sumunod sa kanila. Tumahimik ulit sila kaya tumayo si Cj para idouble-check ang mga kalat, ang iba ay nakaupo lang, tahimik lang si Alyssa hangang sa may nakita siyang isang lukot na maliit na papel kaya pinulot niya ito.

"Mortem iuxta est?!!" Naguguluhang sabi ni Alyssa habang diretso ang kanyang tingin sa hawak na papel. Napatingin naman sina Sunshine at Czarinah sa sinabi niya.

"Ano?" Pagtataka ni Czarinah kay Alyssa na mabilis nilukot ulit ang papel at tinignan sila.

"W-wala sige mauna na ako." Nauutal na sabi ni Alyssa at hindi na niya hinintay ang sasabihin ni Sunshine tapos lumabas nasa classroom, paglabas ng dalaga ay tinapon narin niya sa basurahan ang papel bago ito lumakad pababa ng palapag. Sa loob ng silid ay niyaya narin ni Cj ang mga kasama para makauwi na.

"Tara na rin." Tugon ni Cj sa mga dalagang lumabas na ng classroom, paglabas nilock na niya ang pintuan ng mahigpit, sakanya na muna pinahawak ni Joshua ang susi ng classroom dahil grupo niya ang cleaners ngayong araw.

"Huy!! Hintayin ninyo ako." Napansin ni Cj nauna sina Sunshine at Czarinah naglakad pababa ng hagdanan. Lumunok ang binata at binilisan nalang ang paglock sa kanilang classroom dahil siya nalang mag-isa ang nasa palapag sa mga oras na ito.

"Okay na'to." Bulong ni Cj at lumakad narin siya pababa ng hagdanan para makauwi na sa bahay at makapagpahinga. Hindi alam ng binata ay kanina pa siya pinapanood ng misteryosong babaeng may suot maskara.

"Get ready my dearest classmates, konting panahon nalang at uubusin ko na kayong lahat." Malamig tugon ng misteryosong tao nanonood sa kanila nasa dulo ng hallway.

"Naghihintay lang ako ng tamang tiempo." Pagpapatuloy pa ng babae tapos lumakad narin padaan sa kanilang classroom dahil baba na siya ng hagdanan.

CAMP VACATION (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon