Daciana Kielle POV
"Sasha!" tawag ng isang babae sa nanay ko mula sa labas ng aming inuupahan na bahay.
"Lumabas kayo riyan at huwag ninyo akong taguan kung ayaw ninyong ipahiya ko kayo rito!" galit na sigaw ng may ari ng tinitirhan namin.
"A-aling Myrna.." sagot ni mama.
"Nasaan na ang bayad sa renta niyo?" tanong niya. Nagsimula na ring maglabasan ang mga kapit-bahay namin dahil sa lakas ng boses niya.
"A-aling myrna baka puwedeng sa makalawa na lang kami magbayad.."
"Ayan na naman kayo. Ayan din ang sabi mo nung nakaraang mga buwan, Sasha. Tatlong buwan na kayong hindi nagbabayad ng renta kulang na lang pati pagkain ako na ang bumili para sainyo!"
"Kinapos lang po talaga kami, aling Myrna. Pangako ko po sa makalawa babayaran ko ang tatlong buwan na kulang namin." sagot ko.
Bakas naman sa mukha ni mama ang gulat dahil saan nga ba ako kukuha ng ipangbabayad ko sa tatlong buwan naming renta? Kulang na kulang ang sahod ko dahil naggagamot din si mama dahil mayroon siyang Type 1 Diabetes.
"Siguraduhin niyo lang dahil kapag hindi pa kayo nakapagbayad sa makalawa humanap na kayo ng lilipatan ninyong mag-ina!" sigaw niya bago umalis sa harap namin.
Problemado akong sumunod kay mama papasok ng bahay. Hindi ko alam saan ako hahanap ng pera pambayad kay Aling Myrna lalo na sapat lang talaga ang kinikita ko sa pinagttrabahuhan ko na hindi ko naman gusto.
Ilang beses na akong sumubok mag-apply sa mga eskwelahan dahil ayun naman talaga ang gusto ko at ang tinapos ko na propesyon pero pahirapan talagang makapasok sa magagandang institusyon. May mga tumanggap naman sa akin pero sobrang baba talaga ng sweldo kaya mas pinili ko na lang muna na magcall center.
"Anak, huwag mo na muna masyadong isipin iyon alam kong nag-iisip ka na naman diyan kung paano mo ito magagawan ng paraan. Hayaan mo naman akong tumulong sa mga gastusin anak. Tatanggap na lang muna ako ng mga labada para kahit papaano may maipangbayad tayo kay Aling Myrna. " nakangiting sabi ni mama.
Hanggang sa makakaya ko ayaw ko na sana siyang pagtrabahuhin pa lalo na sa kalagayan niya ngayon . My mom has to live with a catheter permanently strapped to her because of something she experienced before na hindi niya pa rin kinukwento sa akin.
"Ma naman.." sagot ko.
"Ngayon lang naman, anak. Kapag nakabangon na tayo titigil na ulit ako. Hayaan mo naman na tulungan kita. Sabi ko naman sayo kapag ayos na ako magttrabaho na ulit ako para hindi naman ako maging pabigat sa iyo, anak."
Hindi naman ganito ang buhay na mayroon kami noong nabubuhay pa si lola. Nakapag-aral pa nga ako sa private school at may sapat pa kaming pera. Kaso nagbago ang lahat ng mawala si lola.
"Oh siya, lalabas na muna ako para humanap ng mga labadang pwede kong tanggapin. Magluto ka na lang din muna ng tanghalian natin. Tignan mo na lang diyan."
"Tignan ang alin, ma?" tanong ko.
"Kung may kakainin pa ba tayo o wala na naman." nakangiti niyang sagot at lumabas na.
Nagtungo ako sa kusina may dalawang itlog pa naman at kalahating kilo na bigas na pwede namin pagsaluhan ni mama ngayong tanghali. Kaya pa 'to magside line na lang muna ako mamaya sa palengke para may pagkain kami mamayang gabi.
Nangmatapos akong magluto ay kinuha ko ang laptop ko na regalo pa sa akin ni mama at lola noon. Sana naman may magandang balita akong matanggap kahit bagong trabaho lang sa propesyon na gusto ko.

VOUS LISEZ
Why Not Me? (Bravo Series 2)
Roman d'amourAll her life, Zianah Khione has been the girl everyone admired from afar-the kind of beauty and grace that made heads turn but never quite captured hearts. She's always been the one people appreciated but never pursued, as if she was too perfect to...