Chapter 20

5.6K 152 45
                                        

Daciana Kielle POV


"Keille! Bumangon ka na diyan at maggro-grocery pa tayo!" sigaw ni mama.


Its weekend kaya naman tanghali na ako gumising. Start pa lang ng bagong semester kaya wala pa akong masyadong ginagawa dahil tapos ko na rin naman ang lesson plan ng mga hawak kong section.


"Ito na, ma!" balik sigaw ko.


Bumangon na ako at nagtungo sa banyo para maligo. Alas otso pa lamang ng umaga pero si mama madaling-madali lagi kapag namimili.


Matapos ang halos isang oras kong pag-aasikaso ay bumaba na ako. At as expected galit na galit na naman ang aking ina dahil pinaghintay ko na naman siya.


"Kanina pa kase kita ginigising ayaw mo pang bumangon! Tanghali na wala na tayong mabibili!" sermon niya sa akin.


Walang mabibili? eh simula ng magkatrabaho ako ay hindi na kami gaano namimili sa palengke. Lagi na kami sa grocery bumibili ng mga pangangailangan namin.


"Ma, hindi mauubusan ng tinda ang grocery. Anong kadramahan na naman yang sinasabi mo?" sagot ko na mukhang mas ikinagalit niya pa ata.


"Huwag ka ng magalit, tara na! Kahit kuhain mo pa lahat ng gusto mo ayos lang." paglalambing ko sakaniya.


Mukha namang effective dahil medyo lumiwanag na ang mukha niya kaysa kanina. Hindi ko na siya inasar pa at mabilis na sumunod sakaniya papuntang grocery store.


Pagkarating namin sa grocery ay automatic niyang kinuha ang pinakamalaking push cart. Mukhang hindi nga talaga siya nagbibiro at mukhang napakarami na naman ang kukuhain niyang stocks para ngayong buwan.


"Ma, easy ka lang. Dalawa lang tayo sa bahay." saad ko sakaniya dahil canned goods pa lang ay napakarami niya ng kinuha.


Minsan napapa-isip na ako kung ako lang ba talaga ang anak ni mama dahil kung makapag-grocery siya buwan-buwan parang ang dami niyang pinalalamon.


"Manahimik ka diyan! Kaunti pa lang yan." sabi niya at nagtungo naman sa mga frozen goods.


Dahil sa dami niyang pinagkukuha ay ako na rin ang pinagtulak niya ng cart dahil hindi niya na kaya.


"Ay mukhang matamis ang strawberries, anak oh." turo ni mama.


"Hindi naman ako kumakain niyan, ma eh." sagot ko dahil mukhang kukuha siya ng marami.


"Sinabi ko bang para sayo? Sinabi ko lang naman na mukhang matamis." sagot niya.


Sigurado na ko. Hindi lang ako ang pinalalamon ni mama.


"Eh para kanino? umamin ka nga sa akin, ma. May iba ka pa bang anak?" seryoso kong tanong sa kaniya.


"Wala nga akong asawa tapos may iba pang anak? tarantado ka pala eh." sagot niya na ikinagulat ko.


"A-ampon ba ako, ma? sabihin mo! sabihin mo!" pag-iinarte ko.


"Nakuha lang kita sa tae ng kalabaw." sagot niya at inilagay na sa cart ang mga napiling strawberries.


"Ma! Para kanino ba kase talaga yan?" inis kong tanong kase ang mamahal ng strawberries dito sa grocery.


"Para kay Yoki yan! Kaya huwag mong ipitin ng kahit ano at lagi mong ilagay sa ibabaw ng ipapamili natin! kapag ayan naipit ikaw ang iipitin ko sinasabi ko sayo!" paalala niya sa akin kaya tumango na lang ako.


Why Not Me? (Bravo Series 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant