IX

4.9K 158 3
                                    

⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story. Opo! tamad po talaga akong mag-edit, kaya expected na po na maraming mali-mali sa kwentong ito.

Chapter IX

ISANG LINGGO matapos tapatin ni Airleya, ng kanyang nararamdaman ama. Hindi siya pumunta sa dining hall para roon kumain. Bagkos ay lumalabas siya ng mansion, kasama ang dalawang knight niya, na siyang nagpapaalam sa ama niya sa tuwing lalabas.

“Protektahan niyo siya, h'wag niyong ialis ang mga mata niyo sa kanya.” wika ng ama ni Airleya kina sir Exter at sir Ceasar.

“We will.” sabay sagot ng dalawa, saka umalis.

“Babalik tayo sa Summerbelle.” wika ni Airleya, kina sir Exter at sir Ceasar.

Summerbelle ang pangalan ng negosyo na ipapatayo ni Airleya. At patungo sila sa binili niyang lote na may nakatayo ng malaking bahay, pero hindi talaga iyon bahay. Kaya siya babalik doon para ipa-renovate ang bahay para sa iapapatayo niyang negosyo.

“Lady Airleya, sila ang mga nahanap kong. . .” napatitig si Estella kay Airleya na malayo ang iniisip. Bumaling si Estella sa mga nahanap niyang mag-re-renovate ng binili ni Airleya para sa negosyo na sisimulan nito.

“Magsimula na kayong magtrabaho, pinakita ko naman sa inyo ang layout.” ani Estella, na ginawang right hand ni Airleya.

Wala sa sarili si Airleya, gusto niya mang tumulong, pero hindi mawala sa isip niya ang kanyang ama. Parang wala lang kasi dito ang sinabi niya. Hindi man lang ito kumilos para imbestigahan kung totoo ba o hindi ang sinabi niya. Nanatili itong tahimik.

Napaangat ng tingin si Airleya, ng bigla siyang protektahan nina sir Exter and sir Ceasar nang may lumapit na misteryosong lalaki sa kaniya na hindi niya napansin.

“Im here for Lady Airleya. Pinapupunta ka ni Lord Whitlock sa mansion. May gusto siyang sabihin sa iyo ngayon.” sabad ng lalaki, sa kanya. Na kung pagbabasihan ang tindig nito, isa siyang knights ng Whitlock.

Hindi napigilan ni Airleya na hindi kumurap ng mata nang ilang beses. Hindi niya alam kung ano ang rason kung bakit siya pinapupunta ng lolo niya.

“. . . Okay.” aniya, at saka sila umalis kasama ang dalawang knights nito.

Nang makarating sa mansion ng Whitlock, naghihintay sa kanya sa labas ang batang higante na si Kaan.

“Hindi halatang namiss mo ako ah.” ani Airleya, ng kumalas siya sa yakap ni Kaan, na sobrang miss na miss siya.

“Nang marinig ko na pupunta ka dito kaagad ako pumunta dito para hintayin ka.” ani Kaan.

Magsasalita sana si Airleya ng mapansin niya ang lalaki, na nakasuot ng forest green hooded cape, para maging dahilan upang hindi makita ni Airleya ang mukha ng lalaki.

“Kilala mo ba yun?” usisa ni Airleya na hindi napigilang magtanong kay Kaan, na hindi matanggal ang titig sa lalaking may suot na hooded cape.

Nagkibit balikat si Kaan. “Hindi eh. Pumasok siyang ganyan, lumabas din siya na ganyan. Hindi man lang tinanggal ang hood ng suot niya.” wika ni Kaan, at tinungo nilang dalawa ang silid kung saan naghihintay ang lolo't lola niya.

Nang makapasok, hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang Baron para sabihin ang dahilan kung bakit siya nito pinapunta sa mansion.

Limang metro ang layo sa mag-lolo. Kaharap ng lola ni Airleya si Kaan, na nakaupo sa kabilang upuan, at abala ito sa pagbabasa ng libro. Minsan ay nag-ku-kuwentohan ang dalawa na animo'y parang tunay na apo ng matanda si Kaan. Na parang lolo't lola narin ang turing sa mga ito. Maganda ang pakikitungo ng mga ito sa kanya, at tinituring siya nito na parang kadugo ng Whitlock.

Huminga ng malalim si Airleye, para pakalmahin ang damdamin niya. At hindi niya napigilan na hindi mapangiti.

“Thank you lolo for telling me. Ngayon maliwanag na sa akin.”

Pumikit ang mata ng matanda saka tumango ang ulo nito sa kanya. Bago  lumingon ang lolo niya  kay Kaan.

“Kaan! Let's continue our match! Hindi ko matanggap na tinalo mo ako sa chess!” singhal ng matanda kay Kaan, na hindi napigilan na hindi mapailing ng ulo. Saka sinara ang libro na binabasa at nagpalitan sila ng upuan ni Airleya, na ngayon ay kaharap niya ang lola niya.

“How are you, lola?”

“I'm fine. Ikaw?”

“I'm fine now.”

Tumango ng ulo ang lola niya.

“Mabuti naman. Nawala na ba ang tinatago niyan?” anang lola niya sabay turo sa dibdib niya.

Tumango siya ng ulo, “Yes po. Kahit pa, nagtatampo parin ako kay Papa ng slight.”

“Dapat magkabati na kayo. Ilang araw na lang a-attend kayo sa kaarawan ng first prince.” at dahil sa sinabi ng lola niya, naalala niya ang dadaluhan niyang party na nawala na sa isip niya.

Sabay napabaling ang dalawang babae, ng magreklamo ang Baron.

“Y-you! P-paanong?” nauutal na singhal ng Baron kay Kaan, na tinalo na naman siya ulit ng bata sa laro.

“Tinuruan niya si Kaan, na maglaro ng chess. Nong natuto si Kaan, ng isang beses. Naglaro sila. At yun, sunod-sunod na ang talo ng lolo mo kay Kaan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na natalo si Bozi.” sabad ni Baroness Sol, na nakatuon ang tingin sa dalawang lalaki na naglalaro ulit ng Chess.

Napailing na lamang si Airleya, “Parang nagsisi yata si Lolo na tinuruan niya maglaro si Kaan na mag chess. Nakahanap siya tuloy ng katapat.”

Natawa ang dalawang babae, bago nagtanong ulit ang lola niya sa kanya.

“Kumusta ang pina-patayo mong negosyo?”

“All good naman po. Walang problema.”

“Kapag kailan mo ng tulong nandito kami ng lolo mo.”

“Okay po. I'm sure, mag b-boom itong negosyo ko. Thank you po pala sa ni-request ko.”

“Your welcome.”

Napabaling si Airleya sa mansion ng Whitlock, habang palayo ang sakay niyang karwahe sa tahanan ng lolo't lola niya.

“Bago tayo bumalik sa Briarlaine mansion, dumayo muna tayo sa café shop. Bibili ako ng cookies para kay Papa.” ani Airleya kina sir Exter at sir Ceasar, na kaagad pinaalam ang kutsero na dadaan pa ang binibini sa tindahan na parati nitong binibilhan ng cookies para sa papa niya.

At pagkauwi niya sa mansion. Kaagad niyang tinungo ang dining hall, dala ang cookie jar na yakap-yakap niya. Alam niyang naroon na ang lahat maliban sa kanya. Kaya nang bumukas ang pinto ng dining hall, nakatutok lahat ng pares nang mga mata sa kanya.

Dere-deretso ang lakad niya hanggang sa makalapit siya sa ama niya.

“Cookies for you Papa. Sorry I'm late.” aniya sabay lingon sa Madrasta niya at mga kinakapatid.

“Miss me?” aniya na may ngiti sa labi.

______________________________________

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon