Special Chapter I

1.3K 45 8
                                    

⚠️Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.

Special Chapter I

"SEGURADO KA BA, sa tsismis na nakalap mo Silver?" Tanong ni Airleya Kay Silver, na ka-bonding niya ngayong buntis siya sa panganay nila ni Emperor Teiran pagdating sa tsismis.

Tumango ng ulo si Silver, "Hey! Sa Marites gang ko kaya nakuha ang tsismis tungkol kay Kaan at Princess Gracel Lavelle ng Etrill, pinsan ni Empress Syera." wika ni Silver na kaagad pinuntahan si Airley, ng matanggap niya ang tsismis tungkol sa dating issues ni Kaan at Princess Gracel.

Kaagad na tumayo si Airleya sa upuan at kaagad na sumunod sa kanila ni Silver ang labing tatlong tagabantay na itinalaga ni Emperor Teiran sakanya ngayong buntis siya.

"Empress Airleya, dahan-dahan lang po sa paglalakad baka po mapano po kayo." namumutlang wika ng isang tagabantay kay Airleya at kaagad naman tumigil sa paglalakad ang Empress.

"Silv, lapit ka, kayo rin." wika ni Airleya, at kaagad na sumunod ang lahat sa kanya. At sa Isang iglap napunta sila sa mansion ng Whitlock.

"Ay tipak- lady- I mean Empress Airleya! Lady Silver!" tawag ng katulong na may dalang mga pagkain

Napahawak sa sariling mga noo ang mga tagabantay ni Airleya dahil sa biglaang pagsulpot nila sa mansion ng Whitlock.

"Sarina! Ano pa ang ginagawa mo diyan?! Baka nagugutom na sina Lord Kaan at Princess Gracel sa guest room!" wika ni Sandra na nagkakandarapa na sa rami ng tatrabahuin niya.

Dahil sa narinig nina Airleya at Silver, nagkatinginan ang dalawa saka tinungo ang guest room, sumunod naman ang mga nagbabantay kay Airleya.

"Sa tingin mo kaya ba narito si Empress Airleya at Lady Silver dahil sa tsismis tungkol sa panginoon natin?" Tanong ni Sarina kay Sandra.

Inirapan ni Sandra si Sarina "Alam naman natin na tsismosa ang Emperatris ng Agracia at ang kapatid ni Duke Gelal." saad ni Sandra na hindi na bago sa kanya ang ugali ng Emperatris nila at ang kaibigan ni Airleya na si Silver.

"How dare you Kaan!" malakas na sambit ni Airleya na walang pag-aalinlangan na binuksan ang malaking pinto ng guest room.

Inaasahan ni Airleya at Silver na may makikita silang ikakagulat nila. Pero imbes inaasahan nila ang expectations nila, iba ang bumu gad sa kanila.

Nakaupo sa magkabilang upuan ang dalawang tao na naroon.

"Nawasak ba namin ni Lady Gracel ang expectations niyo ate Leya? Lady Silver?" wika ni Kaan at kaagad na tumayo sa kinauupuan nito saka tumayo para iginiya ang ate Airleya niya at si Lady Silver sa bakanteng upuan.

Nagpaiwan naman sa labas ang mga nagbabantay kay Airleya na hiyang-hiya sa acting ng Emperatris nila.

"Greetings Your highness, and to you lady Silver." bati ni Princess Gracel na may maaliwalas na mukha kina Airleya at Silver na hindi maiwasang mapatitig Kay Gracel na may asul na Miata. Tanging ang mga Lavelle lamang sa Etrril ang nagtataglay nang ganoong mata.

"You don't need to be so formal, Princess Gracel." saad ni Airleya na kaagad nagustuhan si Gracel.

"Please call me, by my name Your highness." marespetong sambit ni Princess Gracel kay Airleya.

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon