XIX

4.3K 144 7
                                    

Chapter XIX


HINDI MAIWASAN ni Silver na hindi mailang sa titig ni Airleya sa kanya. Titig na titig ito sa kanya.

“Say Silver, na meet mo ba si Usmob?” agad na natuon ang tingin ng mga magulang ni Silver at mga kapatid nito kay Airleya. Nasa guest room silang anim.

“Usmob? Ang goddesses of ice, ba ang tinutukoy mo lady Airleya?” tanong ng ina ni Silver sa kanya.

Lumingon si Airleya sa Duchess saka tumango. “No other than.” at ibinalik ulit ang tingin kay Silver.

“May dalawa akong rason kung bakit ako nandito. Ang una ay kompermahin kung na meet mo nga ba talaga ang Goddess of Ice at pangalawa siyempre gusto kitang maging bestfriend. So, nagpakita siya sa iyo?” ani Airleya, na halatang atat na malaman ang totoo.

Napatitig ng mata sa mata si Silver, ilang minuto siyang nakatitig kay Airleya. Bago huminga ng malalim, pumikit ang kanyang mga mata bago binalik ulit ang titig kay Airleya. Sa mga oras na iyon, kaagad nag-iba ang uri ng titig ni Silver kay Airleya, at napansin at naramdaman nila iyon.

“Say Airleya, nagpakita rin ba sa iyo ang Goddess of Wind na si Oniev?” balik tanong ni Silver sa kanya. Bakas sa boses ni Silver ang excitement sa boses nito.

Tumaas ang kilay ni Airleya at sumilay ang ngiti sa labi niya bago humilig sa backrest ng sofa.

“So tama ako. Hmm, kailangan ko palang ma-meet ang natitirang tatlo. Wait tatlo nga ba?” ani Airleya na parang sarili niya na ang kanyang kinakausap.

Hindi napigilan ng Duke at Duchess na hindi mapatitig ng matiim kay Airleya.

“Can I call you by your name Silver? Mas komportable ako na tawagin ka sa name mo. You can also call me by my name. Airleya or Leya.”

Tumango ang ulo ni Silver, bago nakinig kay Airleya ng bigla nagbago ang emosyon ng mukha nito.

“Simula bukas, kailangan mo nang pag-aralan na kontrolin ang kapangyarihan mo. Nasisiguro ko na may rason kung bakit nagpakita sa atin ang mga Diyos.” suhistiyon ni Airleya na hindi na nagpaligoy-ligoy pa na sabihin ang gusto niyang sabihin.

Bumaling si Airleya sa Duke. “Your Grace, pwede niyo po bang turuan si Silver? Since wala akong alam tungkol sa Ice magic.” aniya, bago binalik ulit ang tingin kay Silver. “At sa oras na nakontrol mo na ang powers mo, lalabas tayo. Samahan mo akong puntahan ang iba, para seguraduhin na hindi lang tayo ang pinakitaan nina Oniev at Usmob.” dagdag ni Airleya.

Napakurap ng ilang beses si Silver dahil sa sinabi ni Airleya.

“Lalabas? Seryuso?” naninigurado niyang tanong kay Airleya,bago lumingon sa mga magulang niya

“Kapag nakontrol mo ang kapangyarihan mo, papayagan ka namin na lumabas ng bahay.” sagot ng ina niya, dahilan makaramdam bg saya ang buong katawan ni Silver, na hindi niya napigilang tumango.

“Okay! Araw-araw ako dito pupunta, hanggang sa masawa ka sa pagmumukha ko ” wika ni Airleya na masaya na nagawa niya ang misyon niya ngayong araw pero may iba pa siyang pakay sa araw na ito.

Tumayo siya, dahilan para mapatitig ang lahat sa kanya.

“Gusto ko pa sanang magtagal rito. Pero kailangan kong bisitahin si Kaan.”

“Oh. . . Ganon ba. . .” biglang nakaramdam ng lungkot si Silver, sa sinabi ni Airleya. Na kaagad naman na napalitan ng gulat ng yakapin siya nito

“Ano ka ba. Pupunta ako dito bukas. Dadalhan kita ng tirang cake, sa birthday ko.” ani Airleya, dahilan para matawa ng mahina si Killian. Hindi iyon biro pero natawa na lamang si Killian sa narinig.

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon