XXIV

4.3K 118 2
                                    

⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.


Chapter XXIV

NANGANGALUMBABA  si Airleya habang nakatitig ng matiim kay Ossian ang isa sa kambal nina lady Aurora at lord Ronan.

Dahil sa kaka-titig niya kay Ossian napansin iyon nang binata dahilan mapalingon ito sa direksyon nila ni Silver. Nagtama ang mga mata nila sa isa't-isa bago tinuro ni Airleya si Silver.

“Crush ka raw ni Silver.” biglang sabi ni  Airleya, sapat na para marinig iyon ni Ossian na dalawang metro ang layo sa kanila nagpuputol kasi ito ng mga sanga ng mga bulaklak na lumalaki na dahil napabayaan ng mga katulong nila na kasabwat ni lady Aghamora.

Napanganga si Silver at malaki ang mga mata na tumitig kay Airleya. Samantala si Ossian naman ay nakatitig kay Silver.

“Hindi. Hindi kita crush, ginagago ka lang nitong si Airleya!” pagka-klaro ni Silver kay Ossian, na napatitig naman kay Airleya.

“Crush ka niya Ossian, tingnan mo oh, nagba-blush.” dagdag pa ni Airleya, na naaaliw sa ginagawa niya kina Ossian at Silver.

Malakas na sinampal ni Silver si Airleya sa braso dahilan para matawa si Airleya habang napapangiwi dahil sa lakas ng pagka-sampal ni Silver.

“H'wag kang maniwala. Gaga 'to!” wika ni Silver na nililinis ang sinabi ni Airleya kay Ossian na hindi narin napigilan kundi ang mailang at tumalikod ito sa kanila at nagpatuloy sa paggawa.

“Ang sakit mong magsalita.”

“Alangan naman sabihan kita na bobo, hindi ka naman ganon. Pero gaga, oo.”

“Gaga karin naman.”

“Kaya naging bestfriend tayo, kasi parehas tayong gaga.” wika ni Silver at sabay silang natawa bago napalingon sa kanilang likuran ng marinig nila ang boses ni Willow.

“Willow, si Kaan oh!” turo ni Airleya sa likuran ni Willow dahilan mapalingon sa likuran si Willow, at doon napagtanto ni Willow na pinagkaisahan na naman siya ng dalawa nang marinig niya ang halik-halikan nina Airleya at Silver.

“Humanda kayo sa akin.” matalim ang mga mata ni Willow na nakatitig sa dalawang babae na pasimpleng tumayo sa bench chair bago nag-isip ng paraan para tumakas kay Willow, na parang lion na mabangis na handang lapain ang dalawa.

Lumipad si Airleya para iwasan ang atake ni Willow ng kontrolin nito ang lupa na parang building lang na tumayo doon sa kanila, si Silver naman ay tumakbo patungo kay Ossian na bigla na lamang hinablot ito na nabigla dahil sa ginawa ni Silver.

“A-anong?—” hindi natapos ni Ossian ang sasabihin niya ng mapagtanto kung bakit siya hinablot at ipinihit ang katawan sa kung saan naka-upo kanina ang dalawang babae ng makita niya si Willow na inaatake sila.

“Ossian oh, yung kapatid mo.” panunumbong ni Silver kay Ossian. Habang nakatago sa malapad na likuran ni Ossian si Silver.

“Willow, tama na yan. Winawasak mo ang—”

Mabilis na kinaladkad ni Silver, si Ossian ng hindi sumunod ang kapatid nito. Nakahawak ng mahigpit si Silver sa damit ni Ossian tumatakbo paatras si Ossian dahil sa ginagawa ni Silver sa kanya.

“Bumalik kayo rito. Hindi pa ako tapos.” sambit ni Willow sa dalawa.

Tawang-tawa naman si Airleya dahil sa mabilis kung mainis itong si Willow.

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon