第2章

27 4 0
                                    

CHAPTER 02

Happy new year! Another shitty experiences to come!
- K. Amane

...

KITSU'S POINT OF VIEW

"Kitsu! Bangon na riyan, hinihintay ka na ni Ghin, baka ma-late kayong dalawa! Kistu!" Sigaw at pagkatok ni mama sa pinto ng kwarto ko na gumising sakin.

"Five minutes, ma. Pahinga lang ako!" Sigaw ko naman habang nag-sstretching pa at nag-yayawn.

"Kanina ka pa give me minutes ng five minutes dyan! Kapag ako Kitsu napuno mo bubuksan ko 'tong pinto mo at bubuhusan ka ng malamig na tubig. Bilisan mo, baba na riyan!" Galit na sigaw ni mama. Kaya madali akong tumayo, binasa ng tubig na may sabon ang buong mukha dahil sa may mask na tumatakip sa kalahati ng mukha ko na suot ko na ata nang panghabang-buhaya. Binanlawan ko na nga ito pagkatapos, nag-tooth brush narin ako, at nag-uniform na. Naligo naman ako kagabi, kaya hindi na ako maliligo ngayong umaga ang lamig kaya ng tubig.

"Kitsu maligo ka ah, huwag kang maghilamos lang!" Sigaw ni mama sa harapan ng pinto. Kaya madali kong binuksan ito, tumambad naman sakin ang isang babaeng may kulay black na buhok, diamond-shaped face, siren eyes, maliit na matangos na ilong, manipis na labi, maputing balat, at balingkinitan na katawan. Binigyan ko naman siya ng tinatamad na ekspresyon. Siya ang aking ina, si Mrs. Fonīdoru Amane, pure Japanese na nakapamgsawa ng Half Japanese at Half makatang Filipino, ang aking ama na si Apollinario Amane

"Ma, naligo na ako kagabi. Isa pa never naman akong bumaho eh," sabi ko rito. Nagbuntong-hininga naman ito na parang sinasabing suko na siya sakin.

"Sige na, matanda ka na Kitsu. You're already seventeen years old and bukas eighteen ka na, bahala ka na. Pero tandaan mo, huwag na huwag mong huhubarin yang mask mo ah," sabi naman ni mama at saka na lumakad papuntanh sala na sinundan ko naman.

Matagal na talaga akong nagtataka bakit ayaw nilang ipatanggal ang fox mask na ito. Kapag nagtatanong ako eh lagi naman nilang sinasagit na huwag na raw ako puro tanong. For once, I tried to unwear it, but the time I lifted it for a bit from my face, I felt so exhausted and drained that time.

"Babe!" Sigaw naman ng pamilyar na boses. Kaya napatingin ako sa may sofa namin at nakita ko ang isang matipunong lalaking nakasuot ng uniform, may pulang buhok, heart-shaped face, bibiluging mga mata, matangos na ilong, thick-lower lips na kulay red, moreno, at nasa six-one ang height.

"Aga mo ah, gusto ko pa sanang matulog," walang ganang sagot ko sakanya at hinalikan siya sa labi.

"Gago, dalawang araw ka na raw hindi puma--" tinakpan ko agad ang bibig niya at tinignan siya ng masama.

"Shhh, huwag kang maingay. My mom will hear us, and she'll for sure punish me. Nakaka-addict kase ang League Of Valor kaya hindi ko mapogilang magpunta sa comshop, babe," sabi ko sakanya sabay kandong at yakap.

"Haist, you know that I won't tolerate you for your bad actions, babe. Titigilan mo ang pag-ccuting classes mo o isusumbong kita kay tita?" Seryosong tanong nito. Huminga naman ako ng malalim at kinurot ang ilong niya.

"Oo na po, I love you babe," sabi ko at saka ko siya hinalikan.

"I love you too, babe. You know sa two days na hindi kita kasabay umuwi, I really miss your fox-colored hair that I want to brush for eternity; your slim face that I want to see every time I wake up in the morning; your beautiful black eyes that are as mysterious as darkness; your pointed nose that I want to pinch every happy moment we make; your red lips that I want to kiss forever; your slim body that I want to hug every cold night; your fox mask that makes you hotter and cool; and your attitude that always makes me laugh so hard," sagot nito at saka nginitian ako ng matamis. Fuck! Sana hindi na matapos ang araw na ito.

THE PROFANITY OF PRIMERA SHIHANKAMI Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon