CHAPTER ONE

7 1 0
                                    

Daniel's POV

If only I can turn back in time to undo the mistakes I've done, I will do anything it takes to prevent it from happening ever again.

Biruin mo 'yon, isang maliit na bagay, isang maliit na pagkakamali, unti unting lumaki hanggang sa nagsunod-sunod na lahat ng pagkakamali mo. Hanggang sa napunta na siya sa pagkakasala. Lahat ng 'yon magiging sanhi ng pag iba ng tingin sa 'yo ng mga tao. Sa isang iglap, makakalimutan nila lahat ng pinaghirapan mo, lahat ng tamang ginawa mo, lahat ng mabubuting ginawa mo, mababalewala na lang bigla. Tatalikuran ka na ng mga taong malapit sa 'yo. Dahil sa maliit na pagkakamali na 'yon.

Matatanggap ko pa siguro 'yon. Kasi alam ko sa sarili ko makakaahon ako. Hindi ko lang mapigilan itanong sa sarili ko. Bakit kailangan humantong sa gano'n? Hindi na ba pwedeng humingi ng pangalawang pagkakataon?

Gano'n na ba ako kasama?

"You're a disappointment! Paano mo nagawa sa amin 'to?!" Sigaw sa 'kin ni Mama habang hinahampas-hampas ang dibdib ko. Naghahalo ang galit at lungkot na dinaan niya sa hagulgol.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa hallway ng ospital. Nasa labas kami ng OR.

Wala akong nagawa kundi tanggapin ang pagbuhos ng damdamin ng Mama ko, ang mga mapanghusgang tingin ng mga tao, at yumuko na lamang sa hiya habang nanlabo ang mga mata ko dahil sa luhang namumuo sa mga mata ko.

Hindi ko sinasadya....

"Pinahamak mo ang kapatid mo! What kind of brother are you?! I thought you love your sister! How could you do this to her?!" Muling sigaw sa 'kin ni Mama. Naramdaman kong dumapo ang palad niya sa mukha ko dahilan para mapaatras ako at tuluyang tumulo ang luha sa mata ko.

Hindi ko sinasadya....Mahal ko ang kapatid ko pero hindi ko sinasadya ang nangyari....

I'm sorry...

Lumabas ako ng ospital para magpahangin. Well, not really. Pinalabas ako ni Kuya Dylan. He said in order for Mom to calm down I have to get out of her sight. Wala akong nagawa kundi sumunod. Besides, it's a good thing anyway. Parating narin si Dad at ayokong bumigat lalo ang pakiramdam ni Dad oras na makita niya ako.

The amount of insults, sermon, judgemental looks, hearsays, and disappointment I've been receiving the past few months are already reaching my limit. Lalo lang nadadagdagan ang bigat ng damdamin ko dahil sa nangyari. (Not that I don't blame myself. I know everything is my fault lately.)

Nagbaba ako ng tingin sa nanginginig kong mga kamay na nabahiran ng dugo ni Dannilyn. Nasulyapan ko ang sweatshirt kong puti na punong puno rin ng dugo ang manggas at kwelyo ko. My little sister....

I never should've drive....I shouldn't have agreed with her to drive late at night....The fuck...

What was I thinking....

Napasabunot ako sa buhok ko at tahimik na umiyak. Hahaha I shouldn't even be crying. I don't deserve to cry. After everything I've done, I deserve everything that's happening to me and everything I'm feeling right now.

3 hours had passed, I still haven't went inside the hospital. I know Dad just finished the surgery and I didn't want to add fuel to the fire by letting him see me. Nanatili lang akong nakaupo sa hambang ng hagdanan sa likod ng ospital at nakatitig sa buwan.

"Daniel," Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Kuya Dylan. Naupo siya sa tabi ko at bumuntong-hininga.

"The surgery was a success." He announced. I wasn't surprised but relieved.

Of course it was a success. Dad handled the surgery.

Nakagat ko ang labi ko. "Kumusta si Danni?"

"She's stable. Dad said it might take a while for her to gain consciousness. She hit her head pretty hard and has to undergo further tests."

Second ChancesWhere stories live. Discover now