CHAPTER TWO

11 2 0
                                    

Daniel's POV


That day, wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak at nagkulong sa kwarto ko. I couldn't even visit my sister and because of me, hindi ako maiwan ni Kuya mag-isa kaya hindi niya rin mabisita si Dannilyn. I felt so guilty to the point I had to push him away, trying not to be a burden.

Nag re-rewind parin sa utak ko ang mga sinabi ni Dad sa 'kin. Alam ko malaki ang kasalanan na nagawa ko pero... I didn't expect him to disown me.

I didn't mean for it to happen. If only I can just...if only I can ask for another chance....

The next day, Monday morning, matamlay akong pumasok. I couldn't focus on anything. Ilang beses ako pinagalitan ng professors ko dahil hindi raw ako nakikinig. Kung hindi ko pa nasagutan ng tama lahat ng questions sa recitation, kanina pa nila ako pinalabas.

Unfortunately, there was one teacher who didn't really liked my guts.

"Estravoro! Get out of my classroom!" Sigaw ni sir Phil sa 'kin.

I raised my head away from my notebook. I was taking down notes and scribbling equations at the back of my notebook.

"S-Sir, nakikinig po ak---"

"Kung nakikinig ka, edi narinig mo sinabi ko. Out of my classroom!"

Nakalingon sa 'kin ang mga kaklase ko. Some of them were giving me judgemental looks with their brows raised while some looked at me with pity. Kanina pa sila siguro naiinis sa 'kin dahil bawat subject professor ko ay kanina pa tinatawag ang pangalan ko.

"Sir, nag n-notes lang naman po ako. Nakikinig naman po ako..." Mahinang tugon ko.

He raised his brows at me. "Why are you taking notes? We're talking about history here, ano bang pinagsusulat mo? Wala naman ako pinapasulat." pambabara niya sa 'kin dahilan para magtawanan ang mga kaklase ko.

Nahihiya akong nagbaba tingin. "Gumagawa lang po ako reviewer---"

"Sinabi ko bang gumawa ka ng reviewer sa oras ng klase ko? Labas!"

"P-Pero, sir---"

"I said, labas! Paulit-ulit! Sa labas ka gumawa ng notes mo, hindi sa oras ng klase ko!"

Saglit akong natigilan bago iniligpit ang gamit ko at isinukbit ang bag ko. Mabagal akong naglakad palabas ng room at sinubukan hindi salubungin ang tingin ng mga kaklase ko. Nabasa ko sa mga mata ng tropa ko ang pang-aasar at pigil nilang tawa pero wala silang ginawa. Habang ang iba naman sa kanila ay nagbubulungan pa at mahinang tumatawa. I even heard sir Phil mumbled, "Bagal maglakad" while eyeing me sharply.

Dumeretso ako sa library. Wala naman ako teacher ng last 2 periods ko kaya makakapag-aaral ako ng maayos.

I sat down at the far end of the table while reading a book and taking down notes at the same time, I caught a glimpse of a girl who just entered.

Alexandra. My ex-girlfriend.

Nanlaki ang mga mata ko habang sinusundan siya ng tingin. I let my impulsive thoughts get ahead of me as I stood up and approached her while she walked through the shelves.

"Xandra." Mahinang tawag ko.  Agad siyang lumingon sa 'kin at nagtama ang paningin namin.

Wala siyang nagawa kundi bumuntong-hininga na lang nang makita ako. Sinubukan ko pigilan ang kirot sa dibdib ko nang makita ang pag-iba ng tingin niya sa 'kin. She looks as if...I was the last person she wanted to see.

Hindi na kami gaya ng dati...

"Can we talk?" I asked softly.

Napapikit siya ng mariin bago salubungin ang tingin ko. "About what?"

Second ChancesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora