CHAPTER (EPILOGUE)

7 0 0
                                    

Sinandal ko ang likuran ko sa puno habang nakaupo sa malaking sanga ng puno. Nilingon ko ang malaking bahay mula sa distansya. Pang mayaman na bahay. Mukhang castle.

Nag-angat ako ng tingin sa langit at pinagmasdan kung paano sumilip ang buwan sa pagitan ng mga makakapal na ulap na tinatakpan ang maitim na kalangitan. Kung paano sumilay ang liwanag ng buwan sa siwang ng mga dahon ng puno. Malalim na ang gabi at madilim na ang paligid. Ngunit sa kabila ng lalim ng kadiliman ay may maliit na siwang ng liwanag na pilit parin nagbibigay ilaw sa mga madidilim na parte ng paligid.

Kahit saan sulok man magpunta, hindi talaga lumalayo ang buwan.

Ilang minuto pa ang lumipas muli kong nilingon ang bahay at nakitang lumabas ang isang lalaki na hinihintay ko. Nanliit ang mga mata ko nang panoorin siyang pagewang gewang ang paglalakad at bahagyang umiiling.

Lasing 'ata.

Hindi deretso ang paglalakad niya at namumungay ang mga mata. Magulo ang buhok at gusot ang sweatshirt na suot. Mariin siyang pumikit at paulit ulit na ginawa 'yon hanggang sa sumuko siya at bumagsak siya sa semento sa gilid ng kalsada. Huminto siya sa harapan ng puno kung saan ako nakaupo.

Hinintay ko siya muling tumayo, inaakalang baka nawalan lang siya ng balanse. Pero nanatiling deretso ang tingin niya at sa kabila ng distansiya ng pagitan namin, nakikita ko ang mga mata niyang punong puno ng kinikimkim na damdamin na tinatago niya sa blankong ekspresyon.

Ilang saglit pa ay bigla siyang kumilos matapos niyang matulala sa hindi ko nabilang na oras. Akala ko ay tatayo na siya pero tumabingi ang ulo ko nang panoorin ang ginagawa niya. Binuksan niya ang I.D case na suot niya at naglabas ng maliit at makinang na talim. Pinanood ko siyang pagmasdan ang hawak niya at bumuntong-hininga nang ginawa niya ang aking inaasahan.

Pinagmasdan ko nang maiigi ang ekspresyon sa mukha niya. Sa distansya ng pagitan namin, nakikita ko kung paano tumulo ang luha sa mga mata niya at dumausdos 'yon sa pisnge niya. Magkasunod ang pagpatak ng luha niya at dugo na umaagos mula sa pulsuhan niya at pinanood niyang dumaloy ang sariling dugo sa pulsuhan niya hanggang sa bumagsak 'yon sa semento.

Suminghap siya at tuluyang umagos ang luha sa mga mata niya at nabitawan ang kaniyang hawak. Nag-angat siya ng tingin sa kalangitan at humahangos na sinapo ang buong mukha bago sumandal sa pader. Nanatili siya sa ganoong posisyon ilang saglit bago pinahid ang luha sa pisngi niya at sandaling nanatiling sa pwesto bago siya tumayo at naglakad.

Tumalon ako mula sa puno at lumapit sa kanina niyang pwesto nang nasa malayo na siya. Pinulot ko ang maliit na talim at I.D niya. Daniel Andrewson Estravoro.
In fairness, gwapo siya hehe.

Akmang ibubulsa ko na sana ang I.D niya nang mahagilap ng mga mata ko ang talim na kanina niyang hawak. Blanko kong tinitigan ang maliit na talim bago pinulot 'yon mula sa semento saka pinagmasdan. Pinigilan ko ang mga alaalang pilit na kinalimutan sa ilali-lalim ng aking diwa habang tinitigan ang talim na ngayo'y hawak ko at may bahid ng dugo. Binuksan ko ang I.D lace saka inilagay do'n ang talim at sinara iyon.

Binulsa ko ang I.D sa jacket ko at naglakad sa direksyon na tinahak niya. Ilang minuto lang ang lumipas ay nadatnan ko siyang nakatayo sa hambangan ng tulay at nakatingin sa ibaba.

Tatalon siya?

Sinulyapan ko ang kamay niyang may dugo at may tumutulong patak mula sa daliri niya. Bumuntong-hininga ako at tahimik na naglakad sa kabilang pwesto ng tulay at naupo sa hambangan saka sumandal sa poste ng ilaw.

Binilangan ko ang segundo na nakatayo siya. Tagal naman nito, tatalon ba talaga siya? Lasing siya kaya nakikita kong wala siya sa sarili niya kaya hindi naman niya siguro gustong tumalon. Nakikita ko sa mga mata niya ang panghihinayang. Nanginginig pa ang tuhod niya at mga kamay niya.

Second ChancesWhere stories live. Discover now