CHAPTER FOUR

11 0 0
                                    

Daniel's POV


Pabagsak ko nilapag ang beer sa sahig matapos lagukin lahat ang laman niyon at sinandal ang buong katawan sa bean bag chair. Saktong naupo naman si Theo sa bean bag chair sa harapan ko saka nagbukas ulit ng beer bago lumagok.

"Sigurado ka ba wala sila Tita dito ng ilang araw?" Paniniguro ko. We were staying at his outdoor garden by the pool. Theo's parents were out of the country since they're both involved in a wide variety of the business industry.

Theo came from old money. So, he's rich-rich.

"Oo naman. Out of the country sila ngayon kaya solo ko ang bahay." Paliwanag niya habang binubuksan ang can ng beer niya.. "Eh, ikaw?" Senyas niya sa bagong bukas na beer na hawak ko. "Sigurado ka ba okay lang na uminom ka? Baka naman mapagalitan ka niyan." 

Umiling ako bago lumagok. "Wala naman pakielam sila Dad ngayon sa 'kin. Okay lang 'to."

Tumango lang siya at sumimsim sa beer. "Siya nga pala. Kumusta na si Dannilyn? Gising na ba?"

"Walang bago, T." 

"Tsk." He sighed and finished his can before opening another one. "Nabisita mo na ba?" 

"Hindi ako pwede bumisita sa hospital. Mahuhuli ako ni Dad. Pinagbawalan ako, eh."

"Bakit naman?"

"Obvious ba? Kasalanan ko kung bakit hanggang ngayon hindi parin gising kapatid ko," Iling ko nang maalala ang mga sinabi ni Dad. "Tuluyan na nga akong tinakwil nang makita niya 'yong grades ko."

"What? Top 10 ka, ah!"

I let out sarcastic smile bago tumayo ng deretso at dinuro siya using the same expression my Dad did. "Aanhin mo 'yang top 10 na 'yan?! You used to be better than this!"

He burst out laughing and sarcastically shook his head. The alcohol is getting ahead of me. I already finished 7 cans.

"You're such a disappointment! I gave you everything you wanted! I gave you good education. I gave you a home achu achu achu!" I imitated while pointing at him. Lalo na siyang natawa dahilan para matawa ako. I ignore him and continued. "Top10? A line of 8? Wala akong anak na bobo." I  laughed dryly as I mocked the last sentence with a hint of sadness in my tone while looking afar.

"Ooh harsh." Tawa niya sa huling sinabi ko. "Ito naman sa Papa ko."

"Ano?"

Tumikhim muna siya at tumayo at inangat ang beer. "Ang kapal ng mukha mo lokohin ako! Mahal na mahal kita tapos lolokohin mo lang ako! Tangina mo! Ako ang asawa mo pero nagagawa mong makipag-usap sa iba, tangina mo! Ginawa ko ang lahat para sa 'yo at binigay ko ang lahat dahil mahal kita tapos gagawin mo 'to achu chu boom tarat tarat tarantadong gago!"

Natawa ako dahil sa pag i-imitate niya sa Daddy niya. Kasi gayang gaya niya boses ng Daddy niya at umaakto pa siyang lasing habang sumisimsim sa beer na animo'y 'yon talaga ang nangyari.

"Gago, si Tito pa talaga nagsabi niyon kay Tita Carla?" Tawa ko.

"Mismo, D!" Umupo siya sa bean bag at natawa. "Alam mo kung ano mas nakakapang gago kay Papa no'ng sinabi niya 'yon?" Pinigil niyang matawa. "Galing pa siya sa bahay na inuuwian niya! Ang kapal ng gago, 'di ba?!"  Inubos niya lahat ng laman ng beer sa isang lagok bago bumagsak ulit sa bean bag.

I let out a dry and sarcastic chuckle and just shook my head. Theo had it worse than me. Since 1st year of highschool, he's been dealing all sorts of shits because of his Dad's affair, which made him rebel throughout highschool. Ang Mom naman niya hinahayaan lang at walang ginagawa.  Theo can move out if he wants, honestly. He may not looked like it but he's financially independent and experienced. Meron naman daw siyang matitirahan at marerentahan na condo but he couldn't leave his Mom. Habang tumatagal, his parents' have been getting all bruisy with each other and yet kapag nandiyan daw siya, umaakto sila na parang okay lang.

Second ChancesWhere stories live. Discover now