Chapter 8: The food

44 7 0
                                    

Reading carefully the letter that I stuck onto the lunch box, I smiled.

Inayos ko pa ulit ang pagkalagay ko sa ibabaw ng lamesa nito at hinarap ang sticky note sa harap ng chair niya. Para kapag umupo siya- ito ang una niyang makikita at mababasa.

One last glance and I made my way out to Ms. Thyssen's office.

'Yes, I give her a lunch box. Because why not?' ani ng isip ko

'Dahil kahit papaano ay naihatid niya ako ng safe sa bahay kagabi'

Kahit muntikan ka na nanaman masagasahan ng kotse niya? Kahit pinalabas ka agad ng kotse niya at nasagi pa ng kotse niya ang kamay mo?

'Hay ewan, nagawa ko na, nalagay ko na'

Medyo may pag iingat akong lumabas sa office niya at naglakad palayo roon, alam ko namang wala si Ms. Thyssen dahil nasa isang meeting ata ito at wala namang masyadong nawagi dito sa area na ito.

Kaya maayos akong nakalayo sa office niya ng walang nakakakita sa akin at wala naman kasi akong nakakasalamuha rito.

Dahil sabi ko nga, karamihan ay nasa cafeteria na ata.

Iniisip ko palang ang mukha nito pagkakita niya ang nilagay kung lunch bag sa office table nito ay natatawa na ako.

Alam ko maiinis nanaman iyon, pero may nilagay naman akong sticky note doon eh.

Pangalan ko at ang dahilan kung bakit ako nag-bigay ng lunch sa kanya ay nakalagay doon kaya siguro naman ay tatanggapin niya diba?

May ngiti sa aking labi na lumabas ako sa elevator, dederetso ako sa cafeteria dahil nag send ng message si Klay sa akin na sabay kaming kakain kaya nandito na ako ngayon.

I walked inside the cafeteria, lingon doon lingon dito ang ginawa ko para hanapin si Klay na agad ko ring nagawa dahil hindi pa naman maraming tao rito.

Naglakad ako palapit dito at gugulatin ko pa sana pero ako pa ata ang nagulat ng bigla siyang lumingon sa akin at sinabing nag order na daw siya ng pagkain para sa amin.

Eh hindi naman libre ang pagkain dito.

"I owe you one, Klay. Hindi pwedeng hindi ko to masusuklian" balik na saad ko sa kanya matapos makaupo ng maayos na tinawanan lang niya.

"Ano kaba, bayad ko yan sa pag-iwan iwan sayo kagabi. Safe ka naman nakauwi kagabi ano?"

Tumango ako habang inaalala ang mga nangyare kagabi.

Kami lang palang dalawa ang nandito sa table dahil ang ibang kasabay ni Klay ay may mga pinuntahan daw at sakto dahil nandito na ako kaya ako na ang inimbitahan niya para sabay kaming kumain.

"Ano nga pala iyung emergency sa bahay nyo?" pag-iiba ko sa usapan, nakitaan ko naman itong natigilan at ngumiti rin sa akin.

"Umuwi iyung pinsan ko, sa side ng papa ko" saad niya. Tumango tango ako habang nakatingin rito.

"Naaksidente siya, tapos dumeretso sa bahay namin kaya ako ang unang tinawagan ni Mama" patuloy nito at doon ako natigilan.

"Okay naman na siya? Ano, paano siya naaksidente?"

Tumawa naman ito at lumingon lingon sa paligid. "Chill, Arella. She's fine now, nakauwi narin siya sa bahay nila kagabi" nakangiting sagot nito kaya nakahinga ako ng maluwag.

Pinsan niya yun at kaibigan ko si Klay kaya mag-aalala ako.

"Nga pala, have you heard the news?" Klay whispered.

Nangunot ang noo ko habang nakatitig dito dahil lumingon lingo pa ito sa gilid na parang may tinatago kaya mahina kung pinalo ang kamay niyang nasa lamesa.

Behind the Hannya Mask [Sappics-GxG]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora