Chapter 13: The date?

10 6 0
                                    

2 days after THAT. I focus on working my project design, until now hindi pa ako tapos pero malapit lapit naman na.

Mga 98% na

At meron na ngang schedule for the next meeting namin kung saan namin iprepresent ang mga designs namin for the restaurant. Tomorrow...

Alam ko kailangan ko pang ipagpatuloy ang pag reresearch ko para sa presentation ko pero tumigil na muna ako dahil may lakad ako ngayong araw.

Kakabalik lang ni Carlos galing La Union at gagawin nga namin ang napagplanuhan namin noong nakaraang araw.

Matagal tagal narin kasi talaga nong huling labas naming dalawa at kahit may gagawin pa akong importante ay isasantabi ko muna ito.

Tinignan ko ang huling itsura ko sa salamin bago ko pinulot ang cellphone ko dahil nag message si Carlos.

Nandito na daw siya sa bahay kaya lumabas na ako sa kwarto para puntahan siya.

Pag baba ko ay nasa kitchen siya kasama si Mama ko at nag uusap sila. Alam ko kakauwi lang si Mama ko galing market dahil tinutulungan na siya ni Carlos sa pag aayos.

It's sunday today at kaninang umaga kaming pumunta mag simba, pero nauna akong umuwi dahil may inayos ako kanina at nag ayos narin ako para sa date namin ni Carlos.

"Ma, Carlos" tawag ko sa kanila at sabay silang lumingon sa akin. Naglakad ako papunta sa kanina at binigyan ko ng halik si Mama bago lumapit kay Carlos.

He hugged me and said his 'I miss you'. I smile at him and kiss his cheeks. Rinig namin ang hagikhik ni Mama sa gilid kaya sabay kaming napalingon sa kanya. Nakaramdam ako ng kaunting hiya at ang isa naman ay tudo pagngiti kay Mama.

"Hala siya, umalis na kayo para marami pa kayong time. Kaya ko na rito" saad ni Mama ko ng tumulong ako sa paglabas ng mga binili niya.

At hindi na nga ako sumuway at nauna na kaming umalis. Kaya naman na daw ni Mama eh, edi maiwan siya jan- jk.

Dahil tanghali naman na ay nauna na muna kaming pumunta sa restaurant. Ako ang pumili kaya sa Chicken wings ang pinili ko, ano pa nga ba at favorite ko.

"How was your work?" tanong ni Carlos habang naghihintay kami ng pagkain na inorder namin.

Ngumiti ako at agad kung naalala ang trabaho ko maging ang pangyayareng hindi ko inaasahan-

"So far okay naman, I feel drained already at malapit na ang presentation para sa project na iyun-"

"Oh tomorrow is Monday, Arella. That is mean" binigyan ko siya ng malungkot na ngiti.

Alam niyang bukas na gaganapin ang presentation at alam niyang medyo hindi ko pa tapos.

"Sorry-" agad kung hinawakan ang dalawang kamay niyang nasa ibabaw ng lamesa.

He feels sorry again, when in fact he really shouldn't. Typical Carlos.

"Gusto kung makapag rest so I would use this day to take a rest...with you Carlos" at binigyan ko siya ng ngiti na agad niya ring sinuklian.

Nang dumating ang pagkain ay kumain narin kami habang nakikinig ako sa mga kwento niya sa La Union.

His family are from La Union talaga, at nakatira doon ang Papa niya dahil inaalagaan niya ang business nila. Which is a big farm, hacienda.

Marami kaming napag-usapan habang kumakain, maingay man dahil nga nasa public restaurant kami ay nararamdaman namin na parang kami lang ang nandito.

I missed him.

Hinawakan nito ang kamay ko habang naglalakad lakad kami. Quarter to 2 na kaya napagisipan naming maglibot libot muna dito sa mall.

Paminsan minsan ay bumibili rin kami ng mga nadadaanan namin, iyung mga mura lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Behind the Hannya Mask [Sappics-GxG]Where stories live. Discover now