Chapter 12: Unexpected

11 6 0
                                    

"You're fired" natigil ang paglalakad ko ng marinig ang salitang mga iyun.

Mahina ngunit maririnig mo sa tuno ang awtoridad at pagkaseryoso-

"M-ms huwag po. Hindi ko na uulitin, wag nyo po akong tanggalan ng trabaho. May pamilya po ako-"

"How I wish you though of that before doing something that will surely put you on this kind of state, right Ms. Audrey?" nagsimula akong maglakad palapit sa tuno na iyun at mabilis akong nagtago ng tuluyan ko ng makita kung sino sino ang mga nag uusap.

May nakatalikod na babaeng nakaluhod at mukhang umiiyak base sa nanginginig nitong mga balikat at sa harap nito ay si Ms. Thyssen na blangkong nakatingin sa kanya. Dalawa lamang sila at mukang walang pake kung may makakita sa kanila.

So what's happening?

Bakit tatanggalan ng trabaho? Anong ginawa ng babaeng ito sa kanya?

Muli kung narinig ang iyak ng babae dahilan para makaramdam ako ng awa sa kanya. Hindi ko man alam ang rason, alam kung deserve niya ng second chance-

"Get up and leave my company" nabalik ang tingin ko kay Ms. Thyssen ng sabihin niya iyun.

Kasalukuyan na siyang naglalakad palayo roon ngunit laking gulat ko ng biglang tumayo ang babae at mabilis na tumakbo palapit kay Ms. Thyssen.

Agad akong kumilos ng makitang tatangkahin ng babae na hilain ang buhok ni Ms. Thyssen. Ngunit mas mabilis ang naging kilos ng babae kaya nahila niya ang buhok bago paman ako makalapit sa kanila.

"F ck!" sigaw iyun ni Ms. Thyssen dahil sa paghila ng babae sa buhok nito. Nang makalapit ay agad kung hinila ang babae palayo kay Ms. Thyssen.

Malakas siya at mahigpit ang kapit niya sa buhok ni Ms. Thyssen ngunit nahila ko naman ito agad palayo sa kanya.

"What the hell did you do!?" galit na boses ni Ms. Thyssen ay umalingawngaw sa paligid at hindi pa man ako nakakareact ay nakalapit na si Ms. Thyssen sa babae at dalawang beses niyang sinampal iyun.

Nanlaki ang aking mga mata at umawang ang labi ko ng makita ko kung gaano naapektuhan ang babae sa naging sampal ni Ms. Thyssen sa kanya.

"You really did dare to do that to me in my own territory!?" hindi ko maalis ang tingin ko sa babaeng nasa sahig na dahil sa lakas ng sampal ni Ms. Thyssen. Umiiyak na ito ang pulang pula ang mga pisngi.

Nagugulat parin ako sa pangyayare ngunit nagboluntaryo ang sarili kung lumapit kay Ms. Thyssen ng makitang susuguran niya ulit ang babae. Hinawakan ko ito at pinigilan.

"Someone get this girl away from here at all once!" galit na sigaw ng nasa tabi ko.

Napalingon ako sa mga bodyguards ng gawin nila ang utos ni Ms. Thyssen. Marami na palang mga tao rito at halata sa mukha nila ang takot at kaba. Pati si Ms. Erin na nasa gilid ko narin.

Nanginginig ako sa gulat ngunit mas nanginginig ata ang kasama ko- nanginginig sa galit.

Hindi pa man nakakalayo ang mga bodyguards habang dala dala ang babae ay umalis na si Ms. Thyssen. Tinignan ko ito habang naglalakad palayo bago ibaling sa iba ang tingin ko na mukhang natatakot parin.

Ako nga rin ay natatakot at may kaba parin sa akin. Alam ko naman na masama ang tingin ng mga tao sa kanya, maging ako ngunit hindi ko aakalain na makikita ko siyang ganoon kagalit ngayong araw. Ang lakas ng sampal niya, binuhods ata niya ang galit niya doon.

Bumuntong hininga ako ng nagsimula ng magsialisan ang mga tao. Maging si Ms. Erin ay nawala narin. Panigurado ay sinundan ang boss niya.

"Arella" bumaling ako sa tumawag sa akin. Humahangos itong lumapit sa akin.

Behind the Hannya Mask [Sappics-GxG]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant