Chapter 9: A New Project

41 7 0
                                    

Last retouch of my makeup in front of my mirror inside my office and I'm done.

Kailangan kung mag-ayos dahil nasira kanin ng mababaw kung kalungkutan ang makeup ko.

Nang makabalik ako sa office kanina dala dala ang lunch box na para sana kay Ms. Thyssen ay  nag retouch din ako ng make up dahil nag message sa akin si Ms. Erin na may meeting kaming mga new applicants with of course the CEO.

Kaya ayon mabilis ko nalang na kinain ang laman ng lunch box na iniyakan ko kanina dahil sayang naman. Medyo maaga akong gumising para mag-isip kung anong lulutuin tapos hindi rin naman kakainin ng taong pagbibigyan mo diba.

Pinulot ko ang aking telepono sa taas ng table ko para tignan ulit ang message ni Ms. Erin, para siguraduhin ang oras ng meeting.

Wala eh baka malate pa ako. Pero meron pa pala akong 10 minutes para mag handa at malapit lang naman dito ang meeting room.

Holding my small notebook with a pen on it, I mark my way gracefully inside the meeting room.

May mga tao na roon na gaya ko ay new applicants sa kompanyang ito. Nakita ko pa si Ms. Erin sa gilid at inaayos ang pwesto kung saan uupo mamaya ang CEO.

Umupo narin ako sa bakanteng upuan sa may left side, malas lang dahil medyo malapit sa upuan ng CEO.

Lumingon ako sa paligid at hindi ako familiar sa iba. Tanging si Ms. Erin at ang ibang nakilala ko kahapon ang kilala ko sa loob ng room na ito.

Umayos nalang ako ng upo at pinagmasdan ang taong inaayos pa ang projector sa harapan.

Maya maya ay may kumakausap naman sa akin kaya hindi natuyo ang laway ko kakahintay sa CEO.

Abala ako sa pakikipag-usap kay Architect Eli, iyung taong kumakausap sa akin dahil katabi ko sa upuan ng makita kung nag lakad si Ms. Erin papunta sa double door ng meeting room na ito.

Sinundan ko ang galaw nito at maya maya ay binuksan na nito ang dalawang pinto at pumasok roon ang kanina pa naming hinihintay.

Lahat kami ay tumayo para bigyan ng galang ang CEO, she then motioned as to sit down ng makarating na ito sa upuan niyang nasa pinakadulo.

Ang tagal niya sa totoo lang, I know she's the CEO pero bakit hindi manlang niya agahan para naman maipakita niya sa bago niyang employees na isa siyang kagalang galang na magiging bagong boss namin.

Nagsi-ayos kaming lahat ng upo. Pasimpling lumingon ako sa kanya at nakitang inaayos ni Ms. Erin ang laptop, folders at tubig sa harapan niya.

Special talaga... special child

Argg naalala ko nanaman ang pagkain na niluto ko na para sa kanya na ako rin naman ang kumain dahil baka MAY lasom daw.

At worst baka hindi pa niya alam na sa akin galing yun. Siguro nasabi narin ni Ms. Erin na binigay niya sakin yun no?

Nako nakakahiya na nakakainis!

Umirap ako ng kaunti, syempre hindi ko pinahalata bago lumingon sa harapan kung saan nag sasalita na ang isang lalake. Nag iintroduction.

The whole meeting is just smooth dahil natapos din mga 20 minutes later.

Sa buong meeting na iyun ay bilang lang sa kamay na narinig kung nagsalita si Ms. Thyssen.

At dahil don ay paminsan-minsan akong nagkukunwaring tumitingin sa kanya, base sa mukha nito ay stress ata siya at parang kulang sa tulog.

Serves her right

Matapos ang meeting kanina ay bumalik din kaagad ako sa office at tinapos ang kailangang tapusin.

Ngunit kanina ay nakipagkita ako sa isa ko pang kaibigan ko na dito nag wowork, iyung kaibigan kung si Benny.

Behind the Hannya Mask [Sappics-GxG]Where stories live. Discover now