Chapter 8

6.4K 198 64
                                    

Chapter 8

Culminating na!

Naka-assign ako sa painting ng murials since medyo may alam ako sa pag paint. Maaga akong umalis ng bahay kasi maaga kaming mag-start. Pagkarating ko sa school ay higit 6:30 p.m pa lang pero marami na ang student. Hades was here too. Siya 'yong nag video montage sa mga ginagawa namin. Siya rin ang na-assign sa mga pictures.

"Si Cley at Belinda na ang mag sketch. Papunta pa lang si Thomas, e. Si Johan ang katulong mong mag paint pati na rin si Nina." Sabi ni Lyka. Galing sa kabilang section ang makakatulong ko sa painting.

"Ruzzel, pasamahan ako. Kuhanin natin 'yung gamit sa room," Sabi ni Lyka. Sumunod naman sa kaniya si Hades.

Ewan ko sa lalaking 'yan. Para bang hindi na kami ganoong nakakapag-usap. After that case study ay hindi na siya lumalapit sa akin. Last usap namin ay 'yong nag-inom siya sa bar and after that night hindi na uli siya nag chat.

Well, wala lang naman sa akin pero na bother lang ako na baka may nasabi akong mali or tingin niya ba pinapakialaman ko ang buhay niya or sadyang napagod na lang siya dahil sa kadaldalan ko.

Inayos ko na ang mga gagamitin kong painting materials. Maraming itinuro sa akin si Tita-Ninang Tati tungkol sa pag paint. Hindi lang basta nagcolor ka o nag-guhit ka. Kailangan talaga with feelings ang ginagawa mo. Kaya naman lahat ng paintings ni Ninang ay puro mukha ni Ninong Seven.

"Ano na nga ang concept ng murials natin?" Tanong ni Johan.

"The Fallen 44," Maikling sagot ko.

Nang matapos ang sketching sa isang side ay umayos na ako. I bun my hair and fixed my glasses.

I start mixing colors. Nag-umpisa ako sa malalaking parts. Naramdaman ko na nalalagyan ng paint ang damit ko pero wala na akong pakialam. Sobrang focus ko sa ginagawa ko.

The Fallen 44

Medyo sensitive sa amin ang topic na 'to since part si Daddy ng Military. Dati, gustong-gusto kong sumama kay Daddy kapag aalis siya. Gustong-gusto ko 'yong idea na may i-save akong tao at mag serve ako sa country. Gusto kong lumaban para sa bansa.

Pero naisip ko na paano na lang kapag nakapag-asawa na ako at nagka-anak. Maiiwan ko ba sila? Kaya ko ba ang ginagawa ni Daddy na umalis at iwan ang family nila tapos critical pa ang kondisyon? Parang hindi ata. Gusto ko lang na sumama tuwing pumupunta si Daddy sa Zambales dati.

Ayoko na talagang magtrabaho. Gusto ko na lang talagang maging full-time house wife.

Pero paano ko naman gagawin 'yon kung gusto palagi ni Mommy na magaling ako sa lahat. Mommy wants me to be successful like her. Gusto pa nga ni Mommy na mag-law school ako. Ako na ang humindi baka iyon pa lang ang maging cause of death ko.

Alam ko sa sarili ko na matalino naman ako pero alam ko rin ang limitation ng utak ko. Hindi porke matalino ka ay kaya mo nang gawin ang lahat.

"Asia, lunch muna! Kanina ka pa riyan. Mag aalas-dos na." Sigaw ni Nina.

Tumago ako. "Mamaya na lang, hindi pa naman ako nagugutom. Tatapusin ko na lang muna ang side na 'to," Sagot ko at nagpatuloy na sa pag paint.

"Ruzzel, let's eat!" Narinig ko ang boses ni Lyka.

"Sige lang," Hades answered.

"Oh, come on. You've been taking photos for hours now. I know you're hungry. Let's eat na!"

I pouted while doing my painting. Nagtake lang naman ng picture 'yan, hindi naman nakakagutom 'yon. Ako nga na nag painting kanina pa tapos ayaw akong ayain.

Favorite Crime (Legacy series #1)Where stories live. Discover now