Chapter 31

13.7K 262 43
                                    

Chapter 31

My graduation is near, I defended my individual research and kinuha kong topic doon ay about journalism and AI, and after proceed na kami sa internship or OJT. Napili kong mag OJT sa isang channel for crimes. While Hades, sa Russia ata siya mag intern doon sa company nila.

"I'll be gone for three months, baby. Are you sure you won't stop me? Kapag sinabi mong h'wag na akong umalis, hindi na ako aalis." Hades said and hugged me from my back. He kissed my neck while I was washing our dishes. Kakatapos lang namin mag dinner.

"Hindi ka naman mag OFW doon kaya 'wag kang OA, intership ka lang naman doon at uuwi ka naman 'di ba?" Tanong ko. Hades nodded. "Oh, 'yon naman pala. I'll wait you nalang. For the mean time, doon muna ako sa apartment ko. Uuwi nalang ako dito once a week pa rin para maglinis kasi—"

"Ano'ng maglinis? You're not my maid, woman! Ako na ang bahala sa condo ko, just take care of yourself, araw-araw ang update and no party, ha? Damn, baby, no party, please?" Hades said softly, I could feel his breath on my neck.

"Kahit kasama ko si Elena or sila Cari? Si Atzie?" I asked.

Hades shook his head. "Baby..."

"Okay po, sir. Oo na po, no party kapag wala ka." I chucked. Nagpunas ako ng kamay mapatapos kong mag hugas ng pinag-kainan namin saka ako humarap kay Hades. "No girls, ha? No girls, Hades." Paalala ko.

Hades smirked and kissed me. "Not gonna happen."

"No Russian girls" I repeated. Kahit na alam ko naman na hindi ganoong lalaki si Hades. Mukha lang siyang fuckboy pero hindi sa iba't ibang babae. Sa akin lang.

"I only love one Filipina woman," Hades said, smiling widely. Nangungusap ang mata ko habang hinihintay ang kasunod na sasabihin niya. "That daughter of a Senator and General," He added which made me blush even more.

"Uhm, what's her name though? I want my assurance?" I teased.

Hades smirked and kissed my lips. "That beautiful UP Journalism student. Asianna Penelope, I think. That's her name." Natawa ako sa sinabi ni Hades at saka ko na siya hinalikan pabalik.


Kinaumagan, naisipan namin na magdate uli ni Hades. Wala akong pasok kasi nag-aayos ako ng documants ko para sa OJT, si Hades naman ay okay na ang lahat sakaniya, naghihintay nalang siya ng flight niya.

Today, we decided to visit the Galvez' old mansion in Makati. Ito ang unang bahay ng Grandma ni Mommy. Wala nang nakatira sa house na 'to kundi ang iilan na care takers pero kaka-renovate lang naman na'to ni Grandpa. Pinepreserve dahil maraming memories dito ang Mommy and Daddy ni Grandpa.

"This is so big," Hades commented.

Iginala ko rin ang mata ko sa labas ng mansion. Mahabang patio, sobrang luwang na garden at may fountain pa. May mataas na puno sa kabilang gilid. Sa kabilang gilid naman ay may sobrang luwang na car parking space.

Hinakawakan ni Hades ang kamay ko habang papasok kami sa loob ng mansion. Ang loob ng mansion ay naka-cover na ang iilang mga gamit. Very vintage ang design. Gold and white. Halatang milyon ang bawat piraso.

Tumingin ako kay Hades na nakatingin sa isang nakapalaking portrait ni Grandma Ria at Grandpa Leon, iyon ang parents ni grandpa Rage. Sa pangalawang malaking portrait naman malapit sa malaking stairs, iyon ang family picture. Picture ni Grandpa Rage noong medyo bagets pa siya kasama ang parents niya. Isang solo portrait ni grandpa noong graduation niya.

Isang malaking family portrait naman ang nasa hagdan. Umakyat kami ng sabay ni Hades. Si Grandma at Grandpa kasama sila Mommy at ang mga kapatid ni Mommy. May naka-ukit sa ibaba ng portrait  na parang quotes ata in french.


Favorite Crime (Legacy series #1)Where stories live. Discover now