Chapter 42

20.6K 599 255
                                    

Chapter 42



"Leave, Tuazon! Stop with this fucking act! Hindi ka namin kailangan! Hindi kita kailangan! We don't need your sorry!" Pilit kong pagpapa-alis kay Hades. Nakaluhod parin siya, patuloy na umiiyak at nagmamaka-awa. Kung puwede ko lang siyang sipain o paulit-ulit na sampalin ay ginawa ko na but I know my limitation.

"I didn't know that... Baby... I'm sorry, I was just protecting you," He cried. "I'll do everything... I promise... I'll give you everything. Lahat-lahat ng mga pagkukulang ko pupunan ko, just don't leave me..." Pag papatuloy niya habang nagmamaka-awa.

"Kahit ano pang sabihin mo, I will never ever forgive you!" Lumayo ako sakaniya nang akmang hahawakan niya ang kamay ko.

"I'm sorry..." He whispered. "Wala akong alam..."

"Mommy?" Napalingon ako sa taas nang makita ko ang kambal na pababa. Gulat na gulat ako, litong lito ang kambal habang nakatingin kay Hades na nakaluhod sa harap ko. Si Hades naman ay nagningning ang mata nang makita ang kambal.

"Mommy, he's..." Napatakip ng bibig si Porsh at litong-lito na tinignan si Hades.



Hindi ko alam ang gagawin ko. Alam ko na maraming tanong na sa isip ng kambal at alam ko rin na kailangan ko iyong sagutin isa-isa. Mahihirapan ako pero gusto kong maging honest sakanila, I want them to know every detail of their story, ayokong magsinungaling at ayoko rin na maramdaman nila na may kulang sa pagkatao nila.



"H-He's Ruzzel Hades Tuazon," Nanginginig ang boses na sabi ko at humarap ako kay Hades na tila natigilan sa sinabi ko. "Tell them the truth, Hades. Tell them the reason why you didn't find us!"

I know that was too much information for my children pero karapatan nilang malaman ang totoo at ayoko na silang bulagin sa kasinungalingan na tanggap sila ng tatay niya kahit na hindi.



"That's not..." Umiling si Hades at yumuko.

Naramdaman kong nagtago si Porsh sa likod ko. I heard her little cries. Si Zag nanatiling nakatayo at nakayukom ang kamay habang nakatingin kay Hades. Hinawakan ko ang kamay ni Porsh at sinubukan siyang pakalmahin.



"W-Why you didn't find us, Daddy?" Porsh asked sobbing.

"I'm... sorry," Napayuko si Hades at umiyak. I bit my lips trying to stop my tears.

"You didn't like me and Kuya Zag? You didn't want us? You... want to... Mommy... Mommy, Daddy didn't want us?" Porsh cried so much and hugged me. Hikbi nang hikbi ang anak ko na halos hindi na makahinga at hindi na maituloy ang sasabihin.

"Umalis ka na!" Sigaw ko kay Hades. "Leave, Ruzzel! I said leave!" I shouted madly. Umiling-iling si Hades at susubukan pa sanang lumapit...

Zag went closer to his father and my eyes widened when Zag punched his father's chest. Hindi lang isa... dalawa at paulit-ulit. Hades didn't move, sinalo ang suntok ng anak.

"I hate you! I hate you so much! You don't deserve Mommy! I don't like you! I don't like you! You made Mommy cry! You... You hurt Mommy! I hate you! I hate you!" Zag cried while punching his father. Sinubukan siyang yakapin ni Hades na umiiyak din. "You don't know what Mommy went through to give us a good life! You don't know because you weren't there! You were never there! I hope you're not my father! I don't like you! You hurt Mommy!"

Nahulog ang dalawang kamay ni Hades sa sahig nang itulak siya ni Zag, agad kong kinuha ang anak kong umiiyak at galit na galit ang mukha. When Zag's mad, lalo niyang nagiging kamukha si Hades.

Favorite Crime (Legacy series #1)Where stories live. Discover now