Chapter 44

19.2K 545 238
                                    

Chapter 44



Nagising ako medyo masakit ang ulo ko, hindi kasi ako ganoong nakatulog sa kakaisip. The thought of Hades tortured for 6 months made my brain system stop functioning. Hindi naman siguro? Baka oa lang si Atzie? Or OA lang ang mga chismis. Kasi kung totoo 'yon, malabong buhay pa ngayon si Hades.

Bumangon ako kasabay ng kambal na nauna pang magising sa akin. Isasama ko sila ngayon sa paghahanap namin ng bagong bahay. Actually, binigyan na ako ng unit ni grandpa sa Rockwell kaso lang ay pinag-iisipan ko pa kung doon kami. Mas gusto ko kasi na bahay talaga ang kalakihan ng mga anak ko. 



I'm not a fan of condominiums or any units.



"Where are we going, Mommy?" Tanong ni Zag habang binibihisan ko sila.



"Hahanap tayo ng bagong house, baby," Sagot ko. Pinisil ko ang pisngi ni Zag at saka ako tumayo na para ako naman ang mag-shower. Pero bago ako lumabas narinig ko pa na bumulong si Porsh, something about her Dad, hindi ko masiyadong naintindihan.



While nag shower ako, iniisip ko 'yung mga decisions ko sa buhay. Lahat ng mga pinagdaanan ko in the past, that was too much. Imagine, dumating ako sa point na walang-wala ako but still, I'm here. Nakabangon na kami at unti-unti nang nangiging okay ang lahat.



And I hope someday, love heals everything. Gusto kong dumating sa point na maging okay na talaga ako, totally. 'Yung feeling na kaya ko nang tumingin sa mga mata niya na wala akong nararamdaman na kahit anong galit. Na kaya ko na siyang tanggapin sa buhay ng mga anak ko. Kahit hindi na sa akin, kahit sa mga bata nalang kasi seeing my daughter's reaction everytime na gigising siya at nandoon si Hades sa labas ay kitang kita ko ang saya sakaniya...



Sana ganoon din ako sa anak ko, na kahit masaktan kaya pa rin na umintindi. Porsh is so strong. She knew yet she understand.



Lumabas ako ng banyo na wala na ang kambal sa room. Sumilip ako sa baba pero wala rin sila. Nagbihis muna ako ng damit. Nag jeans lang ako at white tank top. I blow dry my hair and put a little bit of make up just to give color on my face.



Bumaba ako at binuksan ang pinto at doon ko nakita sa labas si Zag na tahimik na nakikinig kay Porsh at Hades na nag-uusap. Bahagya akong lumapit para makita at marinig ko ang pinag-uusapan nila. Nasa labas ng gate si Hades while the twins are in the garden. Ang maliit na gate ang nagsisilbing harang sakanila.



"We also love frozen fruits and my favorite food is vegetables and chicken!" Si Porsh na masayang nakikipag kuwentuhan sa ama.



"Daddy, if we change our house, where are you going to stay po?" Porsh asked innocently. Napansin ko rin na parang mag kinakain siyang chocolates ata.



"I'll find a way, any way. I'll do everything to always be there for you and Kuya Ruzco," Hades answered. Kitang kita ko saya sa mga mata niya.



"Porsh, Zag!" Tawag ko sa dalawang bata. Mukhang nagulat pa sila at agad na tumakbo papunta sa akin.



"Hello, Mommy! We're leaving na po?" Porsh asked. Ngumiti ako at bahagyang tumango. Sakto naman na dumating na ang sasakyan ni Rivo.



Lalabas na sana kami nang hindi si Rivo ang lumabas sa car kung hindi si Kian. Kian smiled and waved his hand. Napakunot ang noo ko at kinuha ang cellphone para tignan ang message ni Rivo.



"Wala si Rivo, busy, ako na raw muna ang sumama sainyo," Kian said. Tumingin ako sa dalawang bata na maging sila ay naguluhan. "Susunod nalang daw siya kapag tapos na," dagdag pa ni Kian. Tumango ako at wala na ring nagawa.



Favorite Crime (Legacy series #1)Where stories live. Discover now