Chapter 43

17.9K 454 195
                                    

Chapter 43 



"Why is he still there, Mommy?" Tanong ni Zag nang magising kinabukasan. Tulog pa si Porsh at tanging si Zag ang nakatingin sa bintana habang tinatanaw si Hades na nakatayo sa tabi ng kotse niya at nagkakape.

Nakakaawa kung titignan pero ayoko na ulit na magpaloko. Ayoko na ulit na magamit. Lalo pa ngayon na hindi nalang ang sarili ko ang dapat kong intindihin kung hindi ang mga anak ko.

Nang magising si Porsh ay sabay-sabay kaming nag breakfast. Aalis kami ngayon at pupunta sa mansion SA Tagaytay dahil may celebration doon. I think, now is the time para makilala ng kambal ang family Galvez. Sa mga Galvez kami pupunta, highly requested kasi at hiyang hiya na ako kay Grandma Celine.



"Mommy, we're going to Grandma and Grandpa's house later po, 'di ba?" Porsh asked while eating her cereal. I smiled and nodded. "They're rich po, right? Because you told us before po na Mommy's Mommy is a former Senator of the Philippines, and Mommy's Daddy is a General of the Armed forces of the Philippines, am I right, Mommy?" Madaldal na tanong pa ni Porsh

"Yes, baby Porsh is right!" I softly pinched my baby girl's cheeks. Kilala naman talaga nila ang pamilya ko. Noon pa ay kinukuwento ko na silang lahat dahil ayoko na dumating sa point na magkaroon sila ng gap sa pagkatao nila.

Natatakot lang ako ngayon na baka mas lumawak ang isip nila... Baka dumating sa point na magtanong sila kung bakit mayaman ang pamilya ko at mahirap kami sa Hawaii... Bakit hindi sila lumaki na kasama ang ibang family ko... Ayoko ng negativity sa isip nila, as much as possible hindi ko sinasabi sakanila ang tungkol sa problem namin ng family ko. They're too young and innocent to know.

"This is Tita Api and Tito Dos," Turo ko sa picture ng mga kapatid ko. "Kambal din sila like You and Kuya Zag,"

"This is Tito Cloud, twin brother of Grandma Reign and his wife Tita Sunshine. They are Tito Rivo and Tito Sky's Mommy and Daddy. This is their younger sister, Claudia," Pakilala ko sa bawat family members namin para mamaya ay hindi na sila malito.

"This is Tita Velle, right, Mommy?" Zag asked and pointed our younger group picture. I smiled and nodded.



"How about this, Mommy? She looks mean," Porsh pointed at Tita Milana's wedding picture with Tito Lucas. "She's pretty but she looks mean and grumpy,"



"She's nice, she's Tita-grandma Milana," The Elite Dra. Milana Alvarez.



After namin na magkuwentuhan ng kambal tungkol sa family ko ay nag shower na sila. Inuna ko si Porsh, sunod si Kuya Zag. Si Zag, ayaw niyang pinapaliguan ko siya, gusto niya ay siya na mag-isa kasi kaya na raw niya. He's big boy na raw. I don't have any say to that, if that's what he wants pero naka-bantay pa rin ako.

"Mommy, your family didn't hurt you, right?" Tanong ni Zag habang pinupunasan ko ang buhok niya.

I smiled at my son. "Pain is part of growing, hindi na 'yan maiiwasan. Sa kahit saang bagay o pangyayari maari tayong masaktan. Unintensional or intensional." I explained in simplest way for him to understant that pain will always be part of people's life.

"Mommy, we shouldn't tolerate hurting someone just because pain is part of life. No one deserves to be hurt, especially you, Mommy." Zag looked at me seriously. "You only deserve the world not pain." He continued and slowly smiling at me.

I love my children so much... Hinding hindi talaga ako magsisisi sa naging desisyon ko noon.



Nang matapos akong magbihis ay tinignan ko na ang dalawang bata. Si Zag na nagsusulat sa writing pad niya at si Porsh naman na nakatingin sa labas. Probably, she's looking at Hades. Nang matapos akong ayusan ang buhok ko ay bumaba na kami.



Favorite Crime (Legacy series #1)Where stories live. Discover now