Sa una pa lang
Sa una pa lang, binigay ko na sa'yo ang puso ko
Ikaw at ikaw lang ang naging mundo
Pero ba't sa tuwing magkasama tayo
Ay siya pa rin ang hinahanap-hanap mo?
Ang sakit lang isipin na parang balewala ako sa'yo
Kaya 'di ko mapigilang tanungin ang sarili ko
Kung ano nga bang kulang o 'di ba sapat ang pagmamahal ko
Pero alam ko naman na binigay ko ng buo
At ginawa ko ang lahat ng makakaya ko
Ngunit sadya talagang madaya ang mundo
Dahil siya pa rin ang taong inaasam-asam mo
![](https://img.wattpad.com/cover/343117630-288-k863088.jpg)
YOU ARE READING
My Heart Bleeds Ink
PoetryA collection of poems is like a tile in the mosaic, each tile contains its own unique story and imagery, when you put it all together, they create a beautiful image, full of meaning and emotion.