Prologue

24 2 11
                                    

Short Teaser

• • •

“Have you guys heard it already?"

“Ang alin?”

“Ano'ng latest na naman ba yan?”

“So, hindi niyo pa pala alam?”

“Magtatanong ba kami kung alam na namin? Sabihin mo na kasi, dali!”

“Okay, okay. Heto nga, narinig ko kasi sa kabilang department na–blah, blah, blah......”

I sighed. As usual, nagbubulungan na naman sila, halos araw-araw ganito ang mga estudyante rito sa university na pinapasukan ko. Hindi na ako nagtataka kung bakit—kasi naman, sino ba'ng hindi magbubulungan kung may bagong dating at hindi makakaagaw pansin sa iba, gaya nalang nang nasabi nilang New School PE teacher. Hindi ko lang masabi kung ano ito, hindi ko naman kasi ramdam ang aura nito.

I've been living in a dorm that this university provided me to stay while studying at the same time. Isa akong Alpha in nature second gender, or so I thought...? Hindi dapat ko ito naiisip ngayon kung hindi lang ito nangyare sa akin.

“Hoy! Anong ginagawa ninyo huh?” nanlilisik ang mga mata kong tinitigan ang nagkumpulan sa isang kanto, nakita ko pa rito na may hinaharangan sila kaya nagduda na agad ako.

Kaya talaga ayaw ko sa mga tao'ng ganito, kaya nagiging bad image sa ibang tao ang mga kalalakihan na katulad ko rin na Alpha dahil sa hindi na talaga makontrol ang instincts nito. Sometimes, I wish, Alpha men like these people are gonna be punished!

“A-ayos ka lang ba? Hindi ka naman nila sinaktan diba?” agad akong lumapit sa direksiyon kung saan galing ang mga lalaki'ng nagtatakbuhan nalang dahil tumawag ako ng baranggay tanod na malapit lang din sa lugar na ito.

Ang tanong, paano ako napunta rito? Isang simple'ng sagot lang, gusto ko sana'ng bisitahin ang famous na bakery shop na malapit lang din sa lugar na'to, hindi ko naman in-expect na may masasalubong ako na ganoon ang eksena.

I look at the person and then I realized that their face is somewhat familiar to me. Wait, I always see them in my university!

"M-Miss Celeste?" I called out her surname formally with a question on my face and was a little confused.

I was like ‘As in, yung bagong PE teacher sa university namin?’ Hindi ko alam but I have a feeling na hindi ako naiintindihan nito. I'm not sure. This is just a coincidence, you know?

Most of the students from my university are all talking about her as the new PE professor but also their rumors about her nationality are going wild these days. Hindi dapat ako mangingialam pero mahahalata rin kasi sa itsura niya na hindi siya pure na Filipina. Baka may lahi lang siguro siya kaya agaw-pansin rin siya sa mga kalalakihan na estudyante sa school. Even me, she caught my eyes too, however I can't just tell her and needed to put a distance about these seemingly feelings due to the fact that she is still a professor and I'm one of her thousands of students. It's like one in a million, okay? So there is no way she'd notice me.

Kaya lang, bakit siya nilalapitan ng mga Alphas na iyon? Akala ko ba, Beta siya gaya nang sabi niya sa amin noong una'ng pasok niya sa klase namin? Unless....

“A-are you an O-omega, Miss Celeste?” nauutal pero determinado akong tutulong kung totoo nga'ng iyan ang second gender niya.

Yet, she was still staring at me, like cluelessly. Hindi ko mabasa ang emosiyon niya kaya sinundan ko na rin nang assurance para hindi niya ako pagdududahan na baka kasama ako sa mga tao'ng humarang sa kaniya nang ganoon ang itsura nang mga mukha nila. Mukha na nagpapahiwatig na kaunting kilos lang ay mawawala na sa katinuan nila.

A Tale of Mistaken Dynamics (New-Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon