II. Rumors of Absence

7 2 1
                                    


• • •


Kaspian's Point of View

Natapos ang buong klase namin mula umaga hanggang hapon, alas singko i'medya na ngayong oras kaya nagsiuwian na ang iba na malalapit lang ang kani-kanilang bahay sa unibersidad na'to habang kami naman ng mga kaibigan ko ay naghahanda rin na umalis pauwi sa dorm.

“Sabay na tayong tatlo na dumiretso sa dorm natin.” puna ko pero napansin Kong inaatupag ni Aries ang cellphone nito na animo'y natuon ang atensiyon sa kausap ata nito.

“Sama na tayong bumalik sa dorm, Sol, saglit lang! Tatapusin ko lang muna 'tong ginagawa ko.” nabaling ako Kay Jiffer na inisa-isang sinarado ang bintana since kami nalang kasi ang naiwan pagkatapos nang last subject class namin kanina.

Actually, limang subjects ang naka-schedule sa amin para pumasok every Monday. To tell you also, kung anong subjects namin sa Monday ay same subjects din namin on Wednesday. Sa Tuesday naman same rin ang schedule for Thursday class then may tatlong subject nalang din ako sa Friday namin.

“Ikaw, Aries? Sasabay ka nalang ba o baka may lakad ka?” baling ko na Kay Aries na ngayon ay parang nawala ang sigla sa mukha mula kanina.

“Dude, bakit pumangit iyang mukha mo ngayon?” agad na singit ni Jiffer na may patawa sa huling salita, mukhang napansin rin ata ang naging emosiyon nito.

“May problema ba, Aries? Nabago naman ata ang sunshine aura mo kanina, dude?” ako naman ang nagtanong pero hindi ko sinamahan ng tawa since seryoso din akong napatingin rito.

We heard him take a deep breath to inhale before exhaling his air out as he looked at the two of us, “I...I think I had a little fight with my lover, dude.” he made a disappointed face while Jiffer and I looked shocked at what he just said right now.

“You–WHAT?” I exclaimed, my mouth and eyes were wide open while staring in Aries direction.

“Well, I was refusing with how they invited me yet it was the reason, kaya ngayon....hindi pinapa—

“NO, dude! I wasn't talking about that!”

“Yeah, right! Anong sabi mo ulit kanina? Wait, 'Lover'? As in? Girlfriend mo? Totoo?” pasang-ayun ni Jiffer sa nasabi ko na ngayon naman ay tumango-tango dahil sa tanong rin niya Kay Aries.

“Oo, Bakit? Teka! Hindi ko ba nasabi na kami na nu'ng palagi kong ini-stalk?” pagkasabi niya yan ay napaismid kaming dalawa ni Jiffer sabay sabing...

“Eww, dude! Gross! Stalker ka na pala ngayon?”

“WHAT? NO! Hindi naman sa stalker na ang ginawa ko ay parang inisip niyo lang bigla na masama ako! No way! I admit I stalk them pero yun lang para mahatid nang maayos and also–para makita siya kahit nasa malayo! Damn! Relationship is so hard to be honest!” sunod-sunod na paliwanag niya sa amin na sumang-ayon din si Jiffer rito.

“Right. Just be sure. Tsaka hindi rin naman namin alam ni Sol na may girlfriend ka na pala, kung hindi ka nagkaproblema ngayon ay baka hindi mo rin sasabihin na kayo na pala nung secret crush mo sa kabilang department.” puna naman ni Jiffer sa kaniya sabay sarado na nang pintuan sa classroom.

Nang matapos ay agad naman kaming naglakad sa hallway para bumaba na sa ground floor ng department building namin rito at nang makabalik na sa dorm.

“Jiffer is right. Bakit hindi namin napansin?” patanong na singit ko sa usapan nila na agad rin kaming nakarating sa ground floor kaya ngayon naglakad naman kaming tatlo palabas na nang University Gate namin.

“Sorry, guys. Hindi ko na nasabi, siguro dahil ibang estudyante na nasa kabilang department talaga ang pinu-pursue ko last month?” patanong na sagot niya na ikinaismid na naman ulit namin ni Jiffer na agad rin nagtinginan.

A Tale of Mistaken Dynamics (New-Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon