V. First PE Class

1 0 0
                                    

• • •

Kaspian's Point of View

Nang sumunod na araw, maaga akong nagising mula sa higaan nang hindi ko narinig ang pag-alarm ng cellphone ko. Nakakapanibago pero hindi ko iyon pinansin sapagkat dumiretso nalang ako sa banyo nang dorm building namin para maligo.

“Nice wala pa'ng masyadong estudyante rito.” ang sambit ko sabay pasok sa loob nang cubicle area para mag-shower.

Naalala kong Thursday pala ngayon at ito ang unang araw na magtuturo ang TA Professor sa section namin since naka-schedule naman sa kanila ang araw at classroom na in-assign para magconduct sa PE and Health na subject. Kaya lang sa pagkakaalala ko, separate days talaga ang Physical Education tas Health course subject which is mukhang ia-anunsiyo siguro nung professor ngayon ang actual separation nang klase niya sa dalawang subject na hawak nito.

“Himala at nauna kang gumising sa amin, Sol!” nagulat ako sa biglang pagpasok din nang kung sino sa kabilang cubicle.

“Jiffer?”

“Oo, bro, ako nga! Mabuti naman at hindi ka na ginising namin nang kami lang. Kulang ba naman sa volume ang alarm clock sa cellphone mo.” tinawanan niya ako na ikinaismid ko. Sabi ko na nga ba, si Jiffer talaga ito. Siya lang naman kasi ang palaging gigising sa akin nung first year pa lang talaga kami.

“Tsk! I'm trying to avoid that part too. Gigising na ako nang maaga simula ngayon, okay!” turan ko habang naiinis na sinasabon ang katawan ko.

“Yeah, do that.”

“Talaga lang!”

“Hoy, Sol!”

“Ano?”

“Yesterday...” I paused for a moment when he suddenly opened a topic to me.

“Bakit? Anong meron kahapon?” sinadya kong itanong iyan dahil parang alam ko kung saan tutungo ang magiging katanungan niya sa'kin ngayon.

“Yesterday....did you really mean that you caught a feelings towards her?” at parang diniinan niya pa ang huling salita sa sinabi niya.

“Her? Wait—

“Yeah, I'm talking about the TA. So? Did you really mean that you have a crush on her?” aniya sa pagputol sa dapat ko sanang sasabihin kaya mas lalo akong natigilan. Bakit naungkat niya ulit ang mga bagay na kahapon ko dapat hindi pinansin? Ngayon na tinanong niya yan ay parang na-distract na tuloy ako lalo na at may klase rin yung TA sa amin mamaya.

Kaya lang, kung hindi ko sasagutin ang tinanong niya ay baka magtampo rin ito. Kaibigan ko ba naman ang kumag na nasa kabilang cubicle ngayon.

I sighed as I nodded secretly, “Hmm...Totoo iyon. Hindi ko rin alam kung bakit pero nadala kasi ako sa amoy nang pheromones niya kahapon.” sabi ko rito at parang natahimik ito sa kabilang bahagi.

“Jiffer, andiyan ka pa ba?” tawag atensiyon ko rito.

“H-huh! Ah, oo, andito pa! Talaga ba? Wala naman akong nalanghap na pheromones kahapon kahit na pareho naman tayong Alpha.” aniya na ikinataka ko rin dahil sa sinabi niya.

“Hindi ka nakaamoy sa naamoy ko kahapon? Actually, ang bango nga eh. Iyon din ang naging dahilan kaya natulala ako sa pwesto ko tas parang ramdam ko na komportable ako pero deep down ramdam ko rin ang pagtayu nang lahat nang balahibo ko. Hindi ko alam. Halo-halo kasi e?” medyo naguguluhan din ako habang sinasabi ko iyan kay Jiffer.

Tinapos ko ang pagshower ko kaya mabilis ko rin na kinuha ang towel ko para lumabas na nang cubicle.

“Nagsasabi ka ba nang totoo, Sol? Naamoy mo ang pheromones nung TA Professor sa department natin? Kailan pa? at saan?” sunod-sunod na tanong niya sa akin nang lumabas din ito sa cubicle area niya na tapos na rin na maligo.

A Tale of Mistaken Dynamics (New-Ongoing)Where stories live. Discover now