VI. Feelings of Admiration

0 0 0
                                    

• • •

Kaspian's Point of View

Isang oras din ang makalipas mula nang magsimula ang paunang klase namin sa subject na hawak niya ay puro diskusiyon lamang ang nilathala niya sa harapan naming mga estudyante. Siguro dahil unang klase pa ito ay hindi niya pa kami pinapagawa nang mga activities gaya nung Kay Ms. Angela sa amin noon. Pero kahit na gumuho ang mundo ko dahil sa nalaman ko kanina na Beta pala siya ay hindi naman ibig sabihin na hindi ko na ito gusto.

Well, I do like her but in a way na hindi ako magko-krus sa boundary line na meron kami sa isa't-isa lalo na at guro ko parin siya tas mag-aaral naman niya ako. Yung, hanggang tingin nalang muna ako until I sort out what I feel for her and also to know if yung pheromones effect na naramdaman ko dahil sa naamoy ko mula sa kaniya ay galing ba talaga sa TA Professor namin o nagkamali lang siguro ako.

“Since it's our first day of this week's discussion of this subject, we'll just stop here for now and continue the discussion next week. If I am not mistaken, you already have your textbooks in Physical Education and Health, please bring it the next time we meet. ” narinig kong bilin niya habang nakatingin isa-isa sa amin kung nakikinig ba kaming lahat sa kanya.

“Okay, Professor Celeste, noted!” iilan sa mga kaklase ko ang sumagot niyan na sinabayan nalang din namin ni Jiffer at Aries.

“Good. Class dismissed. See you next week.” aniya na may maliit na ngiti sa kaniyang labi nang magpaalam na ito sa amin.

Kahit disappointed ay ino-obserbahan ko parin siya mula sa kinauupuan ko pero sad to say, kailangan na naman namin mag transfer nang ibang classroom for the next subject discussion. Bakit kasi hindi nalang buong araw ang klase niya?

“Your face is so obvious, dude!” napatigil ako nang magsalita si Jiffer sa tabi ko habang naglalakad na kami patungo sa Music Room.

“Huh? A-anong obvious ang sinasabi mo?” Masama to! Feeling ko namumula na naman ang mukha ko dahil sa sinagot niya. Ako lang ba o pati si Aries na alam kung bakit ganito nalang ka concern itong si Jiffer sa akin. Minsan naman ay inaasar ako pero minsan din nag-aalala ito sa akin. Anong nakain nang isang ito? Hindi naman din ito makikialam sa ibang tao maliban sa mga libro na inaatupag niya palagi.

“Wag mo nang ideny! Halata sa emosiyon mo! Ano? Gusto mo talaga na magklase siya sa atin nang matagal? Naku, Sol! Mag-solo ka don! Tsk. Tsk. Tsk.” umiling-iling niyang saway sa akin na nagpalaki nang dalawang mata ko.

Paano'ng!

“Hey, dude! Ano ba ang pinag-uusapan ninyong dalawa diyan? Ang seryoso niyo?” biglang singit ni Aries ngayon sa amin na akma na sana'ng sagutin ni Jiffer kaya lang agad ko rin itong tinakpan sa bibig para di niya ako ilaglag sa kaibigan ko.

Buti nalang walang ideya si Aries kung anong pinag-uusapan namin ni Jiffer mula pa kaninang umaga. Well, not yet. He's the type of person who is very nosy, so I know malalaman niya rin na may pagtingin ako sa TA Professor namin. Wag lang niya talagang ipagkalat kundi makakatikim talaga siya sakin!

“Wala! Hindi naman interesting ang topic namin, diba, Jiffer?” nilakihan ko pa siya nang mata para senyasan na sagutin ako nang nakaayon sa sinabi ko.

Hindi niya ako sinagot pero naramdaman ko ang pagpisil niya sa braso ko hudyat na tanggalin ko na ang mga kamay sa bibig nito.

“Oh, right! Sorry!”

“Pwe! Ang baho nang kamay mo!”

“Ikaw—!!”

“Ang weird niyong dalawa, dude! Ano nga kasi?” biglang ismid ni Aries sa aming dalawa dahil nagtatalu na naman kami dahil sa asaran.

A Tale of Mistaken Dynamics (New-Ongoing)Where stories live. Discover now