I. New Semestral to Start

10 2 2
                                    


• • •

Kaspian's Point of View

Napamulat kaagad ang dalawang mga mata ko dahil sa gulat na marinig ang ingay ng alarm clock na katabi sa higaan ko. Naririnig ko pa ang kalabog ng ibang kasama ko sa dorm kaya hindi ko mapigilan na bumangon nang sapilitan. Gusto ko pa sana na matulog kaso naalala kong unang araw ngayon para sa second semester namin. Namalas nga'lang dahil may 7 am akong klase ngayon pero nang makita ko ang oras sa cellphone ko ay mas lalo akong nagulat nang makitang malapit na mag-alas siyete. Shoot!

Dali-dali akong napatakbo papalabas nang dorm room namin na dala ang tuwalya na nakasabit lang din sa double-deck na kama namin. Since nasa ilalim na bahagi ako nakahiga ay madali lang akong makabangon tas tatayo kesa sa itaas na bababa ka pa at baka mahulog kung nagmamadali lalo na ngayon.

“Bakit hindi ninyo ako ginising??” nakasimangot kong salubong sa isa sa dalawa kong dorm mate sa kwarto na'to. Maaga ata'ng umalis ang isa kaya ito'ng mo'kong nalang ang kasama ko sa loob na'to na masaya pa'ng nagkakape para agahan nito.

Tiningnan niya ako at sumagot, “Of course, I did wake you up, dude! Hindi ka lang talaga matinag kaya tulog ka parin.” aniya na ikinasimangot ko pa lalo habang nagbibihis nang susuotin kong uniporme.

“Naka-set naman yung alarm clock ko sa 5 am dapat ako babangon.” bulong ko pero mukhang narinig ata niya iyon, matalas talaga pandinig nito!

“Hindi ka nga nakabangon ng 6 am, 5 am pa kaya? Si-net ko lang ulit para magulat ka, buti nga ginawa ko yon, eh. Kaya ngayon, ayan nakabihis ka narin naman.” pahayag niya na ikinabuntong-hininga ko nalang.

“Tsk. Hindi na ako kakain! Dadalhin ko nalang iyang naluto mo diyan. Pakilagay nga sa isang container para madala ko.” utos ko rito pero hindi niya ako pinakinggan sa halip ay sinagot niya ako na may simangot sa mukha.

“May kamay ka naman diyan, ikaw na gumawa. Ako na nagluto para sayo, no.” pilosopo nito na nagpainis na naman sakin. Hindi ko nalang ito sinagot kasi nasanay narin naman ako kaya kalma muna tayo ngayon.

Napailing-iling nalang ako tas ginawa ko nalang mismo ang paglagay ng pagkain sa isang container na sa break time ko nalang din kakainin. Wala na akong oras eh!

“Mauuna na ako sayo! Ikaw na bahala mag-lock ng dorm namin, may susi ka naman diba?” paalam ko at mabilis na kinuha ang bag na nakalagay sa study table ko.

“Oo, ako bahala.”

Pagkalabas ko nang dorm, kaagad akong tumakbo sa hallway kung saan nagsilakaran at labasan naman ang ibang dormant sa building na'to. Habang tinakbo ko ang hallway, maamoy ko pa ang iba't-ibang klaseng pheromone scents na nagkalat sa paligid, hindi naman ako natatablan since ang mga dormant na naka-dorm sa building na ito ay puro Alphas lang.

Nagtataka siguro kayo kung ano ang sinasabi ko sa inyo ngayon. This could be a good day to start introducing myself.

I'm Kaspian Solstice Herrera, isang second year college student taking an Education Course ng University of Prime Manila which is the one who provided me and the other students na listed sa tertiary scholar program na related lang din sa school if you passed from taken an exam for it.

Isa akong iskolar ng pinaka-prestisyoso'ng unibersidad na ito kaya laki'ng pasasalamat ko narin na nakapasa ako para makuha ko ang pangarap ko na makapagtapas ng kolehiyo sa mismong gusto ko rin ang kurso. Ako lang kasi ang nakapagpatuloy sa pag-aaral ngayon since ang dalawang kuya ko at ate ko ay nagtatrabaho na. Sa kanila'ng tatlo si ate Kairin lang ang hindi pa nakapag-asawa, ang dalawang kuya ko ay may kaniya-kaniya nang pamilya.

To start with, I'm an Alpha. Born from both Beta parents which is also rare to hear na magkakaanak sila na iba'ng second gender traits bukod sa pagiging Beta genes nila. Ako at si ate Kairin lang ang Alpha sa pamilya namin, Sina Kuya Karan tas Kuya Kiefer ay parehong Beta tulad ng parents namin.

A Tale of Mistaken Dynamics (New-Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon