Chapter 1

6 1 0
                                    

JANNA

"Hoy babae! Gising na! Tanghali na oh! Overdreaming te?"

Hayan na naman ang boses ni Inay. Naku! Every morning na lang talaga 'yan lagi ang panggising at pambungad niya sa'kin. Ewan ko ba. Pinaglihi yata sa pwet ng manok ang bibig ng nanay ko eh.

"Oo na! Gigising na po!", umirap pa ako ng hard.

Bumangon na ako sa mula sa kama ko. Alangan namang sa sahig 'no? Eh di backache ang labas ko nito. Psh!

Hayun si Inay, putak na naman nang putak. Kesyo daw ang tagal ko raw gumising, siguro raw nananaginip na naman daw ako sa crush ko, mga ganun, mga ganyan. Ay ewan ko sa'yo Inay!

"Oh ano na ha Janna? Napanaginipan mo na naman 'yung bestfriend mong lalake na kinahuhumalingan mo pero hindi naman ikaw ang gusto? Na ang turing sa'yo ay bestfriend lang, ha?", putak na naman ni Inay.

Ouch, Inay ha! Super real talk na 'yun. As in tagos hanggang bone marrow ko. Supalpalin kita diyan inay eh, huhu.

"'Nay naman. Kung makapag-real talk kayo, wagas! Ouch ha! It hurts you know!", pagda-drama ko.

"Oh siya! Tigilan mo na 'yang pagda-drama mo! Kumain ka na do'n at baka sakaling magising ka sa katotohanang hindi ikaw ang gusto niya. Boom peyns! Aray ko bhe!", banat ni Inay na akala mo naman ay ikinaganda niya. Mukha mong may wrinkles inay! Lol.

Kumembot pa ang walang hiya. Akala niya naman ikinabata niya ang pagkembot niya. Nagmumukha lang siyang bibe sa ginawa niya. Lol!

Anyways, nagkibit-balikat na lang ako sa mga banat at hugot ng aking ina na si Anastacia, or let's just call her Tacia na lang dahil 'yun ang nickname niya. Pero ang nanay ko, mas preferred daw niyang tawagin siyang Trixie kasi feeling daw niya, bumabata daw siya kapag tinatawag siya sa pangalang 'yun. Eww as in eww inay! Hindi mo ikinabata ang pagtawag sa'yong Trixie. Nagmumukha ka tuloy'ng chihuahua. Yuck!

Yeah, may point rin naman si Inay Tacia or Inay Trixie, eww! Trixie my ass! Tama ang sinabi niya na patay na patay ako sa bestfriend ko pero hindi naman ako ang kanyang gusto. Ang saklap nga eh, nagmumukha akong engot na ewan!

In love kasi ako sa bestfriend ko. As in super duper mega nano macro! Kahit medyo mukhang loading 'yun ay in love na in love ako doon. Kese nemen eh! Hihihihi! Enebe! Kenekeleg eke! Heh!

Oh by the way, daldal ako nang daldal dito pero hindi niyo pa pala ako kilala. OMG! Sorry, madaldal eh.

Hi! I'm Maria Ozawa. Former porn actress!

Joke lang! OMG! Ewww!

Seryoso na'to. Hi! I'm Janella Elizabeth Delgado, or just call me Janna for short. I'm the current Miss Universe of this year.

Konsensya: Ambisyosa ka girl! 'Wag mo nga kasing inuubos ang rugby niyo dito sa bahay. Wina-one time mo kasi eh kaya madaling maubos. Magkape ka muna girl!

Heh! Pakyu konsensiya! Inggit ka lang!

Oh yeah. I'm 21 years of age at graduate na ako ng college. Kaya nga minsan, hindi na nga minsan kundi araw-araw na 'to ay nabibingi na ako sa kakaputak ni inay. Kasi nga raw bakit wala pa akong trabaho, kesyo daw mag-apply na kaya ako for work kasi hindi na raw niya ako bibigyan ng pera. Masasayang raw 'yun at ibibili pa raw niya ng wax para sa mabuhok niyang kili-kili. Kaderder ang nanay ko, mygosh! Hindi pa siya nakuntento at pati buhok niya sa pekpek pinakialaman pa niya kaya hayun, hanggang ngayon raw, mahapdi pa ang anes niya. Feeling teenager kasi 'tong si Anastacia kaya kung anu-ano na lang ang naiisip gawin. Minsan nga, gusto ko nang ipalagay sa mental hospital ang nanay ko. Tsk! Birirong is my mother.

'Yung bestfriend na sinasabi ko. Shet! Kinikilig na naman ako. Futa tumigil ka na diyan puso ha! Kapag 'di ako nakapagpigil ay bubunutin kita diyan sa loob! Ay 'wag na lang! Baka ma-deds pa ako.

Yeah, 'yung bestfriend ko, siya si Ryan Tan. Mygeesh! Kinikilig talaga ako kapag binabanggit ang pangalan niya. Pak ganern! Hindi fuck ganern ha! Susupalpalin talaga kita diyan! Well, speaking of Ryan, yeah, bestfriend ko siya since college days. Ang gwapo kaya niya tsaka ang cute-cute niya. Half-chinese kasi eh hihihi. Ewan ko ba kung bakit na-in love ako sa bestfriend ko na 'yun. Basta ang alam ko, my bestfriend is my destiny. Hihihihi!

Kapag magkasama kami ay parang normal lang. Pero hindi alam ni Ryan na nilalaspag ko na siya sa malandi kong isip. Hoy! Hindi ako malandi ha! 'Yung isip at konsensiya ko lang.

Konsensiya: Owts! Dinamay mo pa ako! Pakyu girl! ./.

Tse! Totoo naman ah! Hahahaha! Pakyu ka rin!

Kapag hinahawakan niya ako, 'yung kilig system ko ay nagwawala nang bonggang-bongga. Ito namang malandi kong konsensiya ay epal! Lagi niyang sinasabi na grab the opportunity daw. Ano kaya ang ibig sabihin niya? Malandi talaga! Psh!

Akala nang iba ay kami na kasi mukha talagang kami dahil sweet kami sa isa't-isa pero ang totoo niyan ay hindi. How I wish na ako ang girlfriend niya.

May iba kasi siyang nagugustuhan at 'yun ang masaklap sa tanang-buhay ko. Ang hirap ng sitwasyong one-sided love. Naiinis nga ako minsan kay Ryan kasi bukang-bibig na lang niya palagi ay si Pauline. Puro na lang si Pauline. Psh!

By the way, Pauline ang pangalan ng babaeng nagugustuhan niya. Nakakaselos nga eh kasi kung tutuusin, walang dahilan para hindi siya magkagusto kay Pauline. Pauline Alegre is almost a perfect woman. Maganda, intelligent, mabait, gifted ang boobs, sexy body, may katangkaran. Samantalang ako medyo maganda lang, intelligent rin naman, flat chested at medyo sexy rin naman at medyo matangkad lang. Wala naman akong karapatang magselos kasi nga bestfriend lang kami ni Ryan. Sucklaugh mga bhe! Huhuhu! Tara iyak!

"HOY JANNA! BABABA KA BA DIYAN SA KWARTO MO O IPAPAKAIN KO NA LANG SA PUSA ANG PAGKAIN MO! EMOTE PA MORE! HINDI KA NIYA MAMAHALIN UY!"

Basag-trip talaga 'to si Inay mygosh! May lahing ampalaya talaga 'to si Inay 'no? Bitter as always mga friends!

"Oo na! Bababa na po!", umirap pa ako for the last time.

My Bestfriend Is My DestinyWhere stories live. Discover now